Lucas 2:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. 11 Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 Ito ang inyong palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa isang sabsaban.”
Read full chapter
Lucas 2:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot, sapagkat dala ko sa inyo ang mabuting balitang ikagagalak ng lahat ng tao. 11 Sa araw na ito, isinilang sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. 12 At ito ang palatandaan para sa inyo: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na binalot sa lampin at nakahiga sa sabsaban.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
