Lucas 17:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Sanhi ng Pagkakasala(A)
17 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Tiyak na darating ang mga sanhi ng pagkakasala; ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong panggagalingan niyon! 2 Mabuti pa sa kanya ang bitinan sa leeg ng isang gilingang-bato at itapon sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't(B) mag-ingat kayo!
“Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, pagsabihan mo; at kung siya'y magsisi, patawarin mo.
Read full chapter
Lucas 17:1-3
Ang Biblia, 2001
Pagpapatawad sa Kapatid(A)
17 Sinabi ni Jesus[a] sa kanyang mga alagad, “Hindi maaaring di dumating ang mga kadahilanan ng pagkatisod, subalit kahabag-habag ang sinuman na pinanggagalingan niyon.
2 Mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang batong panggiling, at ihagis siya sa dagat, kaysa siya ang maging sanhi ng pagkatisod ng isa sa maliliit na ito.
3 Mag-ingat(B) kayo sa inyong sarili. Kung magkasala ang iyong kapatid, sawayin mo siya, at kung siya'y magsisi, patawarin mo siya.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 17:1 Sa Griyego ay niya .
Lucas 17:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ilang Kasabihan ni Jesus(A)
17 Sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Ang sanhi ng pagkakasala ay hindi mawawala ngunit kaysaklap ng sasapitin ng taong panggagalingan nito. 2 Mabuti pa sa kanya ang itapon sa dagat nang may nakabiting batong panggiling sa kanyang leeg, kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng sinuman sa mga maliliit na ito. 3 Kaya't mag-ingat kayo! Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, sawayin mo siya, at kung siya ay magsisi, patawarin mo siya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
