Add parallel Print Page Options

Ang Turo ni Jesus tungkol sa Panalangin(A)

11 Siya'y nanalangin sa isang lugar at nang siya'y makatapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin, gaya ni Juan na nagturo sa kanyang mga alagad.”

Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo'y nananalangin, inyong sabihin,

‘Ama,[a] sambahin nawa ang pangalan mo.
    Dumating nawa ang kaharian mo.
    Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan,
    sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin,
at huwag mo kaming dalhin sa tukso.’”

Sinabi niya sa kanila, “Sino sa inyo ang mayroong kaibigan at kayo ay pumunta sa kanya nang hatinggabi at magsabi sa kanya, ‘Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay;

sapagkat dumating ang isa kong kaibigan mula sa isang paglalakbay at wala akong maihain sa kanya.’

At siyang nasa loob ay sasagot, ‘Huwag mo akong abalahin. Nakasara na ang pinto, nasa higaan na kami ng aking mga anak. Hindi ako makakabangon upang mabigyan ka ng anuman!’

Sinasabi ko sa inyo, bagaman hindi siya bumangon at magbigay sa kanya ng anuman dahil siya ay kanyang kaibigan, ngunit dahil sa kanyang pamimilit siya'y babangon at ibibigay ang anumang kailanganin niya.

At sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo, at kayo'y makakakita; tumuktok kayo at kayo'y pagbubuksan.

10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap, at ang humahanap ay nakakatagpo, at ang tumutuktok ay pinagbubuksan.

11 Mayroon ba sa inyong isang ama, na kung humingi ang kanyang anak ng[b] isda ay ahas ang ibibigay sa halip na isda?

12 O kung siya'y humingi ng itlog, bibigyan kaya niya ng alakdan?

13 Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?”

Jesus at Beelzebul(B)

14 At noon ay nagpalayas si Jesus[c] ng isang demonyong pipi. Nang makalabas na ang demonyo, ang dating pipi ay nagsalita at namangha ang maraming tao.

15 Subalit(C) sinabi ng ilan sa kanila, “Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, na pinuno ng mga demonyo.”

16 At(D) ang iba naman upang siya ay subukin ay hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.

17 Subalit dahil batid niya ang kanilang iniisip ay sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay nawawasak at ang bahay na laban sa sarili[d] ay nagigiba.

18 At kung si Satanas ay nahahati rin laban sa kanyang sarili, paanong tatatag ang kanyang kaharian? Sapagkat sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul.

19 At kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sa pamamagitan naman nino pinalalayas sila ng inyong mga anak? Kaya't sila ang inyong magiging mga hukom.

20 Ngunit kung sa pamamagitan ng daliri ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.

21 Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahang mabuti ay nagbabantay sa kanyang sariling palasyo, ang kanyang mga ari-arian ay ligtas.

22 Subalit kung may dumating na mas malakas kaysa kanya at siya'y talunin, kukunin nito sa kanya ang lahat ng sandata na kanyang pinagtiwalaan at ipamimigay nito ang mga nasamsam niya.

23 Ang(E) hindi panig sa akin ay laban sa akin at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay nagkakalat.

Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu(F)

24 “Kapag ang masamang espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala ito sa mga lugar na walang tubig at humahanap ng mapapagpahingahan; at kapag hindi nakatagpo ay sinasabi nito, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’

25 At pagdating nito ay natagpuan nitong nawalisan at maayos na.

26 Kaya't umaalis siya at nagsasama pa ng pitong espiritu na higit pang masasama kaysa kanya. Sila'y pumapasok at tumitira roon at ang huling kalagayan ng taong iyon ay masahol pa kaysa noong una.”

Ang Tunay na Mapalad

27 Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, isang babaing mula sa maraming tao ang nagsalita sa malakas na tinig at sinabi sa kanya, “Mapalad ang sinapupunang sa iyo'y nagdala at ang mga dibdib na iyong sinusuhan.”

28 Subalit sinabi niya, “Sa halip, mapalad silang nakikinig sa salita ng Diyos at sinusunod ito.”

Ang Tanda ni Jonas(G)

29 Nang(H) dumarami ang nagkakatipong mga tao, nagsimula siyang magsalita, “Ang lahing ito'y isang masamang lahi. Ito'y humahanap ng isang tanda, subalit walang tanda na ibibigay dito maliban sa tanda ni Jonas.

30 Kung(I) paanong si Jonas ay naging tanda sa mga taga-Ninive, gayundin ang Anak ng Tao sa lahing ito.

31 Ang(J) reyna ng Timog ay babangon sa paghuhukom kasama ang mga tao ng lahing ito at kanyang hahatulan sila. Sapagkat siya'y dumating galing sa mga dulo ng daigdig upang makinig sa karunungan ni Solomon, at narito ang isang higit pang dakila kaysa kay Solomon.

32 Ang(K) mga tao sa Ninive ay babangon sa paghuhukom kasama ng lahing ito at ito'y kanilang hahatulan, sapagkat sila'y nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at narito, ang isang higit pang dakila kaysa kay Jonas.

Ang Liwanag ng Katawan(L)

33 Walang(M) sinuman na pagkatapos magsindi ng ilawan ay inilalagay ito sa isang tagong lugar o sa ilalim ng takalan, kundi sa patungan ng ilaw upang makita ng mga pumapasok ang liwanag.

34 Ang ilawan ng katawan ay ang iyong mata. Kung malusog ang iyong mata, ang buong katawan mo ay punô ng liwanag. Subalit kung ito'y hindi malusog, ang katawan mo ay punô ng kadiliman.

35 Kaya't maging maingat kayo baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman.

36 Kaya nga, kung ang buong katawan mo ay punô ng liwanag at walang bahaging madilim, ito'y mapupuno ng liwanag, gaya ng ilawang may liwanag na nagliliwanag sa iyo.”

Tinuligsa ni Jesus ang mga Fariseo at ang mga Dalubhasa sa Kautusan(N)

37 Samantalang siya'y nagsasalita, inanyayahan siya ng isang Fariseo na kumaing kasalo niya. Kaya't siya'y pumasok at naupo sa hapag-kainan.

38 Ang Fariseo ay nagtaka nang makita si Jesus na hindi muna naghugas bago kumain.

39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Fariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan, subalit sa loob kayo'y punô ng kasakiman at kasamaan.

40 Kayong mga hangal, di ba ang gumawa ng labas ay siya ring gumawa ng loob?

41 Subalit ilimos ninyo ang mga bagay na nasa loob at ang lahat ng mga bagay ay magiging malinis para sa inyo.

42 Subalit(O) kahabag-habag kayong mga Fariseo! Sapagkat nagbibigay kayo ng ikapu ng yerbabuena, ng ruda[e] at ng bawat gulayin, ngunit pinababayaan ninyo ang katarungan at ang pag-ibig ng Diyos. Dapat lamang ninyong gawin ang mga ito, na hindi pinababayaan ang iba.

43 Kahabag-habag kayong mga Fariseo! Inyong iniibig ang upuang pandangal sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan.

44 Kahabag-habag kayo! Sapagkat kayo'y tulad sa mga libingang walang palatandaan, at di nalalaman ng mga tao na sila'y lumalakad sa ibabaw nito.”

45 Isa sa mga dalubhasa sa kautusan ay sumagot sa kanya, “Guro, sa pagsasabi mo nito, pati kami ay iyong nilalait.”

46 Subalit sinabi niya, “Kahabag-habag din kayong mga dalubhasa sa kautusan! Sapagkat inyong ipinapapasan sa mga tao ang mga pasaning mahihirap dalhin, samantalang hindi man lamang hinahawakan ng isa sa inyong mga daliri ang mga pasanin.

47 Kahabag-habag kayo! Sapagkat inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, gayong sila'y pinatay ng inyong mga ninuno.

48 Kayo nga'y mga saksi at sumang-ayon sa mga gawa ng inyong mga ninuno, sapagkat pinatay nila ang mga propeta at itinayo ninyo ang kanilang mga libingan.

49 Kaya't sinasabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol, at ang ilan sa kanila ay kanilang papatayin at uusigin,’

50 upang hingin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta na dumanak mula pa nang itatag ang sanlibutan;

51 mula(P) sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng dambana at ng santuwaryo. Oo, sinasabi ko sa inyo, na ito'y hihingin sa lahing ito.

52 Kahabag-habag kayong mga dalubhasa sa kautusan, sapagkat kinuha ninyo ang susi ng karunungan. Kayo mismo ay hindi pumasok, at inyong hinadlangan ang mga pumapasok.”

53 Paglabas niya roon, nagpasimula ang mga eskriba at ang mga Fariseo na pag-initan siya nang matindi at pagtatanungin siya tungkol sa maraming bagay,

54 na nag-aabang sa kanya upang hulihin siya sa kanyang sasabihin.

Footnotes

  1. Lucas 11:2 Sa ibang mga kasulatan ay Ama naming nasa langit .
  2. Lucas 11:11 Ang ibang mga salin ay may dagdag na isang tinapay ay bibigyan niya siya ng isang bato; o kung humingi ang kanyang anak ng .
  3. Lucas 11:14 Sa Griyego ay siya .
  4. Lucas 11:17 Sa Griyego ay ang bahay laban sa bahay .
  5. Lucas 11:42 RUDA: Ito ay isang uri ng halamang may mala-dilaw na bulaklak at mga dahon na masangsang ang amoy at ito'y ginagamit bilang gamot sa ilang uri ng karamdaman gaya ng kagat ng mga insekto at ahas.

The Lord's Prayer

11 Now Jesus[a] was praying in a certain place, and when he finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray, (A)as John taught his disciples.” And he said to them, (B)“When you pray, say:

(C)“Father, (D)hallowed be (E)your name.
(F)Your kingdom come.
(G)Give us (H)each day our daily bread,[b]
and (I)forgive us our sins,
    for we ourselves forgive everyone who is indebted to us.
And (J)lead us not into temptation.”

And he said to them, “Which of you who has a friend will go to him at midnight and say to him, ‘Friend, lend me three loaves, for a friend of mine has arrived on a journey, and I have nothing to set before him’; and he will answer from within, ‘Do not bother me; the door is now shut, and my children are with me in bed. I cannot get up and give you anything’? I tell you, though he will not get up and give him anything (K)because he is his friend, yet because of his impudence[c] he will rise and give him whatever he needs. And I tell you, (L)ask, and (M)it will be given to you; (N)seek, and you will find; (O)knock, and it will be opened to you. 10 For everyone who asks receives, and the one who seeks finds, and to the one who knocks it will be opened. 11 What father among you, if his son asks for[d] a fish, will instead of a fish give him a serpent; 12 or if he asks for an egg, will give him a scorpion? 13 If you then, (P)who are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will the heavenly Father (Q)give the Holy Spirit to those who ask him!”

Jesus and Beelzebul

14 (R)Now he was casting out a demon that was mute. When the demon had gone out, the mute man spoke, and the people marveled. 15 But some of them said, “He casts out demons (S)by Beelzebul, the prince of demons,” 16 while others, (T)to test him, kept seeking from him a sign from heaven. 17 (U)But he, (V)knowing their thoughts, said to them, “Every kingdom divided against itself is laid waste, and a divided household falls. 18 And if Satan also is divided against himself, how will his kingdom stand? For you say that I cast out demons by Beelzebul. 19 And if I cast out demons by Beelzebul, (W)by whom do (X)your sons cast them out? Therefore they will be your judges. 20 But if it is by (Y)the finger of God that I cast out demons, then (Z)the kingdom of God has come upon you. 21 When a strong man, fully armed, guards his own palace, his goods are safe; 22 (AA)but when one stronger than he attacks him and (AB)overcomes him, he takes away his (AC)armor in which he trusted and (AD)divides his spoil. 23 (AE)Whoever is not with me is against me, and whoever does not gather with me scatters.

Return of an Unclean Spirit

24 (AF)“When the unclean spirit has gone out of a person, it passes through (AG)waterless places seeking rest, and finding none it says, ‘I will return to my house from which I came.’ 25 And when it comes, it finds the house swept and put in order. 26 Then it goes and brings seven other spirits more evil than itself, and they enter and dwell there. And (AH)the last state of that person is worse than the first.”

True Blessedness

27 As he said these things, (AI)a woman in the crowd raised her voice and said to him, (AJ)“Blessed is the womb that bore you, and the breasts at which you nursed!” 28 But he said, (AK)“Blessed rather are those (AL)who hear the word of God and (AM)keep it!”

The Sign of Jonah

29 (AN)When the crowds were increasing, he began to say, (AO)“This generation is an evil generation. (AP)It seeks for a sign, but no sign will be given to it except the sign of Jonah. 30 For as (AQ)Jonah became a sign to the people of Nineveh, so will the Son of Man be to this generation. 31 (AR)The queen of the South will rise up at the judgment with the men of this generation and (AS)condemn them, for she came from the ends of the earth to hear the wisdom of Solomon, and behold, (AT)something greater than Solomon is here. 32 (AU)The men of Nineveh will rise up at the judgment with this generation and (AV)condemn it, for (AW)they repented at the preaching of Jonah, and behold, (AX)something greater than Jonah is here.

The Light in You

33 (AY)“No one after lighting a lamp puts it in a cellar or under a basket, but on a stand, so that those who enter may see the light. 34 Your eye is (AZ)the lamp of your body. When your eye is healthy, your whole body is full of light, but when it is (BA)bad, your body is full of darkness. 35 (BB)Therefore be careful lest the light in you be darkness. 36 If then your whole body is full of light, having no part dark, it will be wholly bright, (BC)as when a lamp with its rays gives you light.”

Woes to the Pharisees and Lawyers

37 While Jesus[e] was speaking, (BD)a Pharisee asked him to dine with him, so he went in and reclined at table. 38 The Pharisee was astonished to see (BE)that he did not first wash before dinner. 39 And the Lord said to him, (BF)“Now you Pharisees cleanse the outside of the cup and of the dish, but inside you are full of (BG)greed and wickedness. 40 (BH)You fools! (BI)Did not he who made the outside make the inside also? 41 But (BJ)give as alms those things that are within, and behold, (BK)everything is clean for you.

42 (BL)“But woe to you Pharisees! For (BM)you tithe mint and rue and every herb, and neglect (BN)justice and (BO)the love of God. (BP)These you ought to have done, without neglecting the others. 43 Woe to you Pharisees! For (BQ)you love the best seat in the synagogues and greetings in the marketplaces. 44 Woe to you! (BR)For you are like unmarked graves, and people walk over them without knowing it.”

45 One of (BS)the lawyers answered him, “Teacher, in saying these things you insult us also.” 46 And he said, “Woe to you (BT)lawyers also! For (BU)you load people with burdens hard to bear, and you yourselves do not touch the burdens with one of your fingers. 47 (BV)Woe to you! For you build the tombs of the prophets whom your fathers killed. 48 (BW)So you are witnesses and you (BX)consent to the deeds of (BY)your fathers, for they killed them, and you build their tombs. 49 Therefore also (BZ)the Wisdom of God said, (CA)‘I will send them (CB)prophets and apostles, (CC)some of whom they will (CD)kill and persecute,’ 50 so that (CE)the blood of all the prophets, shed (CF)from the foundation of the world, may be (CG)charged against this generation, 51 from the blood of (CH)Abel to the blood of (CI)Zechariah, who perished between (CJ)the altar and the sanctuary. Yes, I tell you, it will be (CK)required of this generation. 52 Woe to you (CL)lawyers! (CM)For you have taken away the key of (CN)knowledge. You (CO)did not enter yourselves, and you hindered those who were entering.”

53 As he went away from there, the scribes and the Pharisees began to press him hard and to provoke him to speak about many things, 54 (CP)lying in wait for him, (CQ)to catch him in something he might say.

Footnotes

  1. Luke 11:1 Greek he
  2. Luke 11:3 Or our bread for tomorrow
  3. Luke 11:8 Or persistence
  4. Luke 11:11 Some manuscripts insert bread, will give him a stone; or if he asks for
  5. Luke 11:37 Greek he