Lucas 11:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At nagpalabas siya ng isang demoniong pipi. At nangyari, nang makalabas na ang demonio, ang pipi ay nangusap; at nangagtaka ang mga karamihan.
15 Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.
16 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.
Read full chapter
Lucas 11:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Jesus at si Beelzebul(A)
14 Minsan ay nagpalayas si Jesus ng demonyo ng pagiging pipi. Nang lumabas na ang demonyo, nakapagsalita ang pipi kaya namangha ang mga tao. 15 Ngunit ilan sa kanila ang nagsabi, “Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 16 Dahil nais siyang subukin ng iba, hinahanapan siya ng mga ito ng tanda mula sa langit.
Read full chapter
Lucas 11:14-16
Ang Biblia, 2001
Jesus at Beelzebul(A)
14 At noon ay nagpalayas si Jesus[a] ng isang demonyong pipi. Nang makalabas na ang demonyo, ang dating pipi ay nagsalita at namangha ang maraming tao.
15 Subalit(B) sinabi ng ilan sa kanila, “Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, na pinuno ng mga demonyo.”
16 At(C) ang iba naman upang siya ay subukin ay hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 11:14 Sa Griyego ay siya .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
