Add parallel Print Page Options

Ang Pagsusugo ni Jesus ng Pitumpu't Dalawa

10 Pagkatapos ng mga ito, humirang ang Panginoon ng pitumpu't dalawa[a] at sila ay dala-dalawa niyang pinauna sa bawat bayan at pook na kanyang pupuntahan. Sinabi niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin, subalit kakaunti lamang ang manggagawa. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng manggagawa sa kanyang aanihin. Humayo kayo; isinusugo ko kayo na tulad ng mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lalagyan ng salapi, o ng supot, o ng mga sandalyas. At huwag kayong bumati kaninuman sa daan. Sa alinmang bahay na inyong tuluyan, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa sambahayang ito.’ At kung mayroon doon na maibigin sa kapayapaan, mananatili sa kanya ang inyong kapayapaan. Kung wala naman, babalik sa inyo ang inyong basbas. Manatili kayo sa iisang bahay at huwag magpalipat-lipat. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kanyang sahod. Sa alinmang bayan na inyong puntahan at tanggapin kayo ng mga tagaroon, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo. Pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila, ‘Malapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos.’ 10 Subalit sa alinmang bayan na puntahan ninyo at hindi kayo tanggapin ng mga tagaroon, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin, 11 ‘Ipinapagpag namin laban sa inyo maging ang mga alikabok ng inyong bayan na kumapit sa aming paa. Subalit pakatandaan ninyong lumapit na sa inyo ang paghahari ng Diyos.’ 12 Sinasabi ko sa inyo, mas mabuti pa ang sasapitin ng Sodoma kaysa sasapitin ng bayang iyon sa araw ng paghuhukom.”

Ang Masaklap na Sasapitin ng mga Bayang Hindi Nagsisi(A)

13 “Kaysaklap ng sasapitin mo, Corazin! Kaysaklap ng sasapitin mo, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon nangyari ang mga kababalaghang ginawa sa inyo, marahil ay matagal na silang nagsisi na nakaupong may damit-sako at abo. 14 Subalit mas mabuti pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. 15 At ikaw, Capernaum, sa akala mo ba'y iaakyat ka sa langit? Hades ang iyong kababagsakan!” 16 Sinabi niya sa mga alagad, “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, at ang mga ayaw tumanggap sa inyo ay ako ang ayaw nilang tanggapin. At ang ayaw tumanggap sa akin ay ayaw tumanggap sa nagsugo sa akin.”

Ang Pagbabalik ng Pitumpu't Dalawa

17 Bumalik ang pitumpu't dalawa[b] at nagagalak na nagsabi kay Jesus, “Panginoon, maging ang mga demonyo ay nagpapasakop sa amin dahil sa inyong pangalan!” 18 At sinabi niya sa kanila, “Nakita ko si Satanas na bumulusok mula sa langit tulad ng kidlat. 19 Tingnan ninyo, binibigyan ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at mangibabaw sa kapangyarihan ng kaaway. Walang makapananakit sa inyo. 20 Gayunman, huwag ninyong ikagalak na nagpapasakop sa inyo ang mga espiritu. Sa halip, ikagalak ninyo na ang inyong pangalan ay nakasulat sa langit.”

Nagalak si Jesus(B)

21 Nang oras ding iyon, napuspos si Jesus ng kagalakan mula sa Banal na Espiritu. Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga ito sa mga marurunong at matatalino at ipinahayag mo sa mga sanggol. Oo, Ama, sapagkat gayon ang nakalulugod sa iyo. 22 Ibinigay na sa akin ng Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at kaninumang pinagpahayagan ng Anak.” 23 Humarap siya sa mga alagad at sinabi sa kanila nang sarilinan, “Pinagpala ang mga matang nakakakita ng inyong nakikita. 24 Sapagkat sinasabi ko sa inyo maraming propeta at mga haring naghangad makakita ng mga nakita ninyo ngunit hindi nakakita nito at makarinig ng inyong narinig ngunit hindi nila narinig.”

Ang Talinghaga ng Mabuting Samaritano

25 May isang dalubhasa sa Kautusan na tumayo at nagsabi nang ganito upang subukin si Jesus, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” 26 “Ano ba ang nasusulat sa Kautusan?” sagot ni Jesus. “Ano ang pagkaunawa mo?” 27 Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, at nang buong kaluluwa, at nang buong lakas, at nang buong pag-iisip mo; at mahalin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” 28 At sinabi niya sa kanya, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyon at mabubuhay ka.” 29 Ngunit sa pagnanais niyang hindi magmukhang kahiya-hiya, sinabi niya kay Jesus, “Sino naman ang aking kapwa?” 30 Sumagot si Jesus, “May isang lalaking bumaba mula Jerusalem patungong Jerico na naging biktima ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito, binugbog, at pagkatapos ay tumakas at iniwan ang lalaki na halos patay na. 31 Nagkataong isang pari ang dumaan din doon. Nang makita ng pari ang lalaki, lumihis iyon sa kabila. 32 Ganoon din ang ginawa ng isang Levita. Dumaan din ito doon at nang makita ang lalaki ay lumihis din sa kabila. 33 Subalit isang Samaritano na naglalakbay ang lumapit sa lalaki, at nang makita ito ay nahabag siya. 34 Nilapitan ng Samaritano ang lalaki, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat, at pagkatapos ay binendahan. Isinakay niya ang lalaki sa kanyang sariling hayop, at pagkatapos ay dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang denaryo ang may-ari ng bahay-panuluyan at pinagbilinan ito, ‘Alagaan mo siya at anumang dagdag na gastusin mo ay babayaran ko sa iyo sa aking pagbabalik.’ 36 Sa palagay mo, sino sa tatlong iyon ang naging kapwa-tao sa lalaking naging biktima ng mga tulisan?” 37 At sinabi niya, “Ang taong nahabag sa kanya.” Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka at ganoon din ang gawin mo.”

Dinalaw ni Jesus sina Marta at Maria

38 Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, pumasok si Jesus sa isang nayon. Isang babae roon, na ang pangala'y Marta, ang malugod na tumanggap kay Jesus sa kanyang bahay. 39 Mayroon siyang kapatid na babae na ang pangalan ay Maria, na naupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa mga sinasabi ni Jesus. 40 Ngunit nag-aalala si Marta sa dami ng gawain kaya't lumapit siya kay Jesus at nagsabi, “Panginoon, wala bang anuman sa inyo na pinababayaan ako ng aking kapatid na maglingkod mag-isa? Sabihin ninyo sa kanya na tumulong sa akin.” 41 Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Marta, Marta, nag-aalala ka at nababagabag sa maraming bagay. 42 ngunit isang bagay lamang ang kailangan. Pinili ni Maria ang mabuting bahagi at ito'y hindi kukunin sa kanya.”

Footnotes

  1. Lucas 10:1 Sa ibang manuskrito ay pitumpu.
  2. Lucas 10:17 pitumpu't dalawa: Sa ibang manuskrito ay pitumpu.

Jesus Sends Out the Seventy-Two

10 After this the Lord appointed (A)seventy-two[a] others and (B)sent them on ahead of him, two by two, into every town and place where he himself was about to go. (C)And he said to them, “The harvest is plentiful, but the laborers are few. (D)Therefore pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest. Go your way; (E)behold, I am sending you out as lambs in the midst of wolves. (F)Carry no moneybag, no knapsack, no sandals, and (G)greet no one on the road. Whatever house you enter, first say, (H)‘Peace be to this house!’ And if a son of peace is there, your peace will rest upon him. But if not, (I)it will return to you. And remain in the same house, eating and drinking what they provide, for (J)the laborer deserves his wages. Do not go from house to house. Whenever you enter a town and they receive you, eat what is set before you. Heal the sick in it and say to them, (K)‘The kingdom of God has come near to you.’ 10 But whenever you enter a town and they do not receive you, go into its streets and say, 11 (L)‘Even the dust of your town that clings to our feet we wipe off against you. Nevertheless know this, that (M)the kingdom of God has come near.’ 12 I tell you, (N)it will be more bearable on (O)that day for Sodom than for that town.

Woe to Unrepentant Cities

13 (P)“Woe to you, Chorazin! Woe to you, Bethsaida! For if the mighty works done in you had been done in (Q)Tyre and Sidon, they would have repented long ago, sitting in sackcloth and ashes. 14 (R)But it will be more bearable in the judgment for (S)Tyre and Sidon than for you. 15 And you, Capernaum, (T)will you be exalted to heaven? You shall be brought down to (U)Hades.

16 (V)“The one who hears you hears me, and (W)the one who rejects you rejects me, and (X)the one who rejects me rejects him who sent me.”

The Return of the Seventy-Two

17 (Y)The seventy-two returned with joy, saying, “Lord, (Z)even the demons are subject to us in your name!” 18 And he said to them, (AA)“I saw Satan (AB)fall like lightning from heaven. 19 Behold, I have given you authority (AC)to tread on serpents and scorpions, and over all the power of (AD)the enemy, and (AE)nothing shall hurt you. 20 (AF)Nevertheless, do not rejoice in this, that the spirits are subject to you, but rejoice that (AG)your names are written in heaven.”

Jesus Rejoices in the Father's Will

21 (AH)In that same hour (AI)he rejoiced (AJ)in the Holy Spirit and said, “I thank you, Father, (AK)Lord of heaven and earth, that (AL)you have hidden these things from the wise and understanding and (AM)revealed them to little children; yes, Father, for (AN)such was your gracious will.[b] 22 (AO)All things have been handed over to me by my Father, and no one knows who the Son is (AP)except the Father, or who the Father is (AQ)except the Son and anyone (AR)to whom the Son chooses to reveal him.”

23 Then turning to the disciples he said privately, (AS)“Blessed are the eyes that see what you see! 24 For I tell you (AT)that many prophets and kings desired to see what you see, and did not see it, and to hear what you hear, and did not hear it.”

The Parable of the Good Samaritan

25 (AU)And behold, a (AV)lawyer stood up to (AW)put him to the test, saying, “Teacher, what shall I do to (AX)inherit eternal life?” 26 He said to him, “What is written in the Law? How do you read it?” 27 And he answered, (AY)“You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your strength and with all your mind, and (AZ)your neighbor as yourself.” 28 And he said to him, “You have answered correctly; (BA)do this, and you will live.”

29 But he, (BB)desiring to justify himself, said to Jesus, “And who is my neighbor?” 30 Jesus replied, “A man (BC)was going down from Jerusalem to Jericho, and he fell among robbers, who stripped him and beat him and departed, leaving him half dead. 31 Now by chance a (BD)priest was going down that road, and when he saw him he passed by on the other side. 32 So likewise (BE)a Levite, when he came to the place and saw him, passed by on the other side. 33 But a (BF)Samaritan, as he journeyed, came to where he was, and when he saw him, he had compassion. 34 He went to him and (BG)bound up his wounds, pouring on (BH)oil and wine. Then he set him on his own animal and brought him to an inn and took care of him. 35 And the next day he took out two (BI)denarii[c] and gave them to the innkeeper, saying, ‘Take care of him, and whatever more you spend, I will repay you when I come back.’ 36 Which of these three, do you think, proved to be a neighbor to the man who fell among the robbers?” 37 He said, “The one who showed him mercy.” And Jesus said to him, “You go, and do likewise.”

Martha and Mary

38 Now as they went on their way, Jesus[d] entered a village. And a woman named (BJ)Martha (BK)welcomed him into her house. 39 And she had a sister called (BL)Mary, who (BM)sat at the Lord's feet and listened to his teaching. 40 But Martha was distracted with much serving. And she went up to him and said, “Lord, do you not care that my sister has left me to serve alone? Tell her then to help me.” 41 But the Lord answered her, “Martha, Martha, you are (BN)anxious and troubled about many things, 42 but one thing is necessary.[e] Mary has chosen (BO)the good portion, which will not be taken away from her.”

Footnotes

  1. Luke 10:1 Some manuscripts seventy; also verse 17
  2. Luke 10:21 Or for so it pleased you well
  3. Luke 10:35 A denarius was a day's wage for a laborer
  4. Luke 10:38 Greek he
  5. Luke 10:42 Some manuscripts few things are necessary, or only one