Lucas 10:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Mas kahahabagan pa ang mga taga-Tiro at taga-Sidon kaysa inyo sa Araw ng Paghuhukom. 15 At(A) kayong mga taga-Capernaum, nais pala ninyong itaas ang inyong sarili hanggang langit? Ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay!
16 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang(B) nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
Read full chapter
Lucas 10:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Subalit mas mabuti pa ang sasapitin ng Tiro at Sidon sa araw ng paghuhukom kaysa inyo. 15 At ikaw, Capernaum, sa akala mo ba'y iaakyat ka sa langit? Hades ang iyong kababagsakan!” 16 Sinabi niya sa mga alagad, “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, at ang mga ayaw tumanggap sa inyo ay ako ang ayaw nilang tanggapin. At ang ayaw tumanggap sa akin ay ayaw tumanggap sa nagsugo sa akin.”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
