Lucas 1:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Nangyari nga, na samantalang ginaganap niya ang pagkasaserdote sa harapan ng Dios (A)ayon sa kapanahunan ng kaniyang pulutong,
9 Alinsunod sa kaugalian ng tungkuling pagkasaserdote, ay naging palad niya ang pumasok sa templo ng Panginoon at (B)magsunog ng kamangyan.
10 At ang buong karamihan (C)ng mga tao ay nagsisipanalangin (D)sa labas sa oras ng kamangyan.
Read full chapter
Lucas 1:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Isang araw, ginagampanan ni Zacarias ang kanyang tungkulin bilang pari noong manungkulan ang kanyang pangkat, 9 nabunot ang kanyang pangalan ayon sa kaugalian ng mga pari, upang pumasok sa templo ng Panginoon at magsunog ng insenso. 10 Sa oras ng paghahandog ng insenso, maraming tao ang nananalangin sa labas.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
