Add parallel Print Page Options

Ang Gantimpala sa mga Masunurin(A)

26 Huwag kayong gagawa ng mga dios-diosan katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios.

Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga at igalang ninyo ang lugar na pinagsasambahan ninyo sa akin. Ako ang Panginoon.

Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos, pauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy. Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo ng walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo. Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila. Tatalunin ng lima sa inyo ang 100, at ang 100 sa inyo ay tatalo ng 10,000. Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo. 10 At dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito. 11 Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan. 12 Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Dios ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko. 13 Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto para huwag na kayong maging mga alipin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.

Ang Parusa sa mga Sumusuway(B)

14-15 Pero kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo. 16 Kaya ganito ang gagawin ko sa inyo. Bigla kayong masisindak sa takot dahil padadalhan ko kayo ng mga sakit na hindi gumagaling, at lagnat na magpapadilim ng inyong paningin at magpapahina ng inyong katawan. Magtatanim kayo, pero hindi rin ninyo pakikinabangan dahil sasalakayin kayo ng inyong mga kalaban at kukunin nila at kakainin ang inyong mga ani. 17 Pababayaan ko kayong matalo ng inyong mga kalaban, at kayoʼy sasakupin nitong mga napopoot sa inyo. At dahil sa takot sa kanila, tatakas kayo kahit na walang humahabol sa inyo. 18 At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.[a] 19 Aalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.[b] 20 Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagtatrabaho, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.

21 At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo. 22 Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang lumalakad sa daan ninyo.

23 Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin, 24 ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses. 25 Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban. 26 Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.

27 At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin, 28 magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.[c] 29 Gugutumin ko kayo, at mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak. 30 Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar,[d] pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga patay nʼyong dios-diosan. At itatakwil ko kayo. 31 Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi ko na nanaisin ang mabangong samyo ng inyong mga handog. 32 Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito. 33 Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan na gigiba ng inyong mga bayan at mga lungsod, at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. 34-35 Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Pero ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.

36-37 Kayong mga natitirang buhay na binihag at dinala ng inyong mga kalaban sa kanilang lugar ay padadalhan ko ng labis na pagkatakot. At kahit na kaluskos lang ng dahon sa ihip ng hangin ay katatakutan ninyo, tatakas kayong parang hinahabol upang patayin, kahit walang humahabol sa inyo. At habang tumatakas kayo, magbabanggaan kayo at magkakandarapa. Hindi kayo makakalaban sa inyong mga kalaban. 38 Mamamatay kayo sa lugar ng inyong mga kalaban. 39 At ang matitira sa inyoʼy unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan at sa kasalanan ng inyong mga ninuno.

40-41 Dahil sa inyong pagtataksil at pagsuway sa akin, kinalaban ko kayo at ipinabihag sa inyong mga kalaban. Pero kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan at ang kasalanan ng inyong mga ninuno, at titigilan na ang inyong pagmamatigas, at tatanggapin ang mga parusa para sa inyong mga kasalanan, 42 tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob at ibabalik ko kayo sa inyong lupain. 43 Pero kinakailangang paalisin ko muna kayo sa inyong lupain bilang parusa sa inyong mga kasalanan dahil sa pagsuway ninyo sa aking mga utos at mga tuntunin. At para makapagpahinga ang lupain ninyo habang wala kayo roon. 44 Ngunit kahit na pinarurusahan ko kayo, hindi ko kayo itatakwil habang kayoʼy nasa lupain ng inyong mga kalaban. Hindi ko kayo lilipulin na walang matitira sa inyo. Sapagkat hindi ko maaaring sirain ang kasunduan ko sa inyo, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios. 45 Tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na inilabas ko sa Egipto para maipakita ko sa mga bansa ang aking kapangyarihan. Ginawa ko ito sa inyong mga ninuno para maging Dios nila ako. Ako ang Panginoon.

46 Ito ang mga utos at mga tuntuning ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita roon sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.

Footnotes

  1. 26:18 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi. Ganito rin sa talatang 21 at 24.
  2. 26:19 hindi … lupain: sa literal, Gagawin ko ang ulap na gaya ng bakal at ang bukid na gaya ng tanso.
  3. 26:28 pitong beses: Tingnan ang “footnote” sa 26:18.
  4. 26:30 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.
'Levitico 26 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Promise of Blessing and Retribution(A)

26 ‘You shall (B)not make idols for yourselves;

neither a carved image nor a sacred pillar shall you rear up for yourselves;

nor shall you set up an engraved stone in your land, to bow down to it;

for I am the Lord your God.

(C)You shall [a]keep My Sabbaths and reverence My sanctuary:

I am the Lord.

(D)‘If you walk in My statutes and keep My commandments, and perform them,

(E)then I will give you rain in its season, (F)the land shall yield its produce, and the trees of the field shall yield their fruit.

(G)Your threshing shall last till the time of vintage, and the vintage shall last till the time of sowing;

you shall eat your bread to the full, and (H)dwell in your land safely.

(I)I will give peace in the land, and (J)you shall lie down, and none will make you afraid;

I will rid the land of (K)evil[b] beasts,

and (L)the sword will not go through your land.

You will chase your enemies, and they shall fall by the sword before you.

(M)Five of you shall chase a hundred, and a hundred of you shall put ten thousand to flight;

your enemies shall fall by the sword before you.

‘For I will (N)look on you favorably and (O)make you fruitful, multiply you and confirm My (P)covenant with you.

10 You shall eat the (Q)old harvest, and clear out the old because of the new.

11 (R)I will set My [c]tabernacle among you, and My soul shall not abhor you.

12 (S)I will walk among you and be your God, and you shall be My people.

13 I am the Lord your God, who brought you out of the land of Egypt, that you should not be their slaves;

I have broken the bands of your (T)yoke and made you walk [d]upright.

14 ‘But if you do not obey Me, and do not observe all these commandments,

15 and if you despise My statutes, or if your soul abhors My judgments, so that you do not perform all My commandments, but break My covenant,

16 I also will do this to you:

I will even appoint terror over you, (U)wasting disease and fever which shall (V)consume the eyes and (W)cause sorrow of heart.

And (X)you shall sow your seed [e]in vain, for your enemies shall eat it.

17 I will [f]set (Y)My face against you, and (Z)you shall be defeated by your enemies.

(AA)Those who hate you shall reign over you, and you shall (AB)flee when no one pursues you.

18 ‘And after all this, if you do not obey Me, then I will punish you (AC)seven times more for your sins.

19 I will (AD)break the pride of your power;

I (AE)will make your heavens like iron and your earth like bronze.

20 And your (AF)strength shall be spent in vain;

for your (AG)land shall not yield its produce, nor shall the trees of the land yield their fruit.

21 ‘Then, if you walk contrary to Me, and are not willing to obey Me, I will bring on you seven times more plagues, according to your sins.

22 (AH)I will also send wild beasts among you, which shall rob you of your children, destroy your livestock, and make you few in number;

and (AI)your highways shall be desolate.

23 ‘And if (AJ)by these things you are not reformed by Me, but walk contrary to Me,

24 (AK)then I also will walk contrary to you, and I will punish you yet seven times for your sins.

25 And (AL)I will bring a sword against you that will execute the vengeance of the covenant;

when you are gathered together within your cities (AM)I will send pestilence among you;

and you shall be delivered into the hand of the enemy.

26 (AN)When I have cut off your supply of bread, ten women shall bake your bread in one oven, and they shall bring back your bread by weight, (AO)and you shall eat and not be satisfied.

27 ‘And after all this, if you do not obey Me, but walk contrary to Me,

28 then I also will walk contrary to you in fury;

and I, even I, will chastise you seven times for your sins.

29 (AP)You[g] shall eat the flesh of your sons, and you shall eat the flesh of your daughters.

30 (AQ)I will destroy your high places, cut down your incense altars, and cast your carcasses on the lifeless forms of your idols;

and My soul shall abhor you.

31 I will lay your (AR)cities waste and (AS)bring your sanctuaries to desolation, and I will not (AT)smell the fragrance of your [h]sweet aromas.

32 (AU)I will bring the land to desolation, and your enemies who dwell in it shall be astonished at it.

33 (AV)I will scatter you among the nations and draw out a sword after you;

your land shall be desolate and your cities waste.

34 (AW)Then the land shall enjoy its sabbaths as long as it lies desolate and you are in your enemies’ land;

then the land shall rest and enjoy its sabbaths.

35 As long as it lies desolate it shall rest—

for the time it did not rest on your (AX)sabbaths when you dwelt in it.

36 ‘And as for those of you who are left, I will send (AY)faintness[i] into their hearts in the lands of their enemies;

the sound of a shaken leaf shall cause them to flee;

they shall flee as though fleeing from a sword, and they shall fall when no one pursues.

37 (AZ)They shall stumble over one another, as it were before a sword, when no one pursues;

and (BA)you shall have no power to stand before your enemies.

38 You shall (BB)perish among the nations, and the land of your enemies shall eat you up.

39 And those of you who are left (BC)shall [j]waste away in their iniquity in your enemies’ lands;

also in their (BD)fathers’ iniquities, which are with them, they shall waste away.

40 But (BE)if they confess their iniquity and the iniquity of their fathers, with their unfaithfulness in which they were unfaithful to Me, and that they also have walked contrary to Me,

41 and that I also have walked contrary to them and have brought them into the land of their enemies;

if their (BF)uncircumcised hearts are (BG)humbled, and they (BH)accept their guilt—

42 then I will (BI)remember My covenant with Jacob, and My covenant with Isaac and My covenant with Abraham I will remember;

I will (BJ)remember the land.

43 (BK)The land also shall be left empty by them, and will enjoy its sabbaths while it lies desolate without them;

they will accept their guilt, because they (BL)despised My judgments and because their soul abhorred My statutes.

44 Yet for all that, when they are in the land of their enemies, (BM)I will not cast them away, nor shall I abhor them, to utterly destroy them and break My covenant with them;

for I am the Lord their God.

45 But (BN)for their sake I will remember the covenant of their ancestors, (BO)whom I brought out of the land of Egypt (BP)in the sight of the nations, that I might be their God:

I am the Lord.’ ”

46 (BQ)These are the statutes and judgments and laws which the Lord made between Himself and the children of Israel (BR)on Mount Sinai by the hand of Moses.

Footnotes

  1. Leviticus 26:2 observe
  2. Leviticus 26:6 wild beasts
  3. Leviticus 26:11 dwelling place
  4. Leviticus 26:13 erect
  5. Leviticus 26:16 without profit
  6. Leviticus 26:17 oppose you
  7. Leviticus 26:29 In time of famine
  8. Leviticus 26:31 pleasing
  9. Leviticus 26:36 fear
  10. Leviticus 26:39 rot away