Leviticus 25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Taon ng Pamamahinga ng Lupa
25 Noong si Moises ay nasa bundok ng Sinai, inutusan siya ng Panginoon 2 na sabihin ito sa mga Israelita:
Kapag naroon na kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid tuwing ikapitong taon para akoʼy inyong maparangalan. 3-4 Sa loob ng anim na taon ay makakapagtanim kayo at makakapag-ani, pero sa ikapitong taon ay dapat ninyong pagpahingahin ang lupa. Huwag ninyong tataniman ang inyong mga bukid at puputulan ng mga sanga ang inyong mga ubas. 5 At huwag din ninyong aanihin ang mga butil o pipitasin ang mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo. 6 Pero maaari kayong kumuha nito para may makain kayo, ang inyong mga alipin mga manggagawa, mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, 7 mga alaga nʼyong hayop, at mga hayop sa gubat na nasa inyong lupain.
Ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli
8-9 Tuwing ika-49 na taon,[a] sa ikasampung araw ng ikapitong buwan, ang Araw ng Pagtubos, patunugin ninyo ang mga trumpeta sa buong lupain. 10 Ang ika-50 taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay panahon ng pagpapalaya ng mga alipin para silaʼy makabalik na sa sarili nilang sambahayan. Panahon din ito ng pagsasauli sa may-ari ng mga lupain na ipinagbili niya. 11-12 Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo, pero pwede kayong kumuha para may makain kayo. Itoʼy banal na taon para sa inyo.
13 Sa taong ito, lahat ng mga ari-ariang ipinagbili sa inyo ay ibalik ninyo sa may-ari. 14 Kaya kung kayoʼy magbebenta o bibili ng lupain sa inyong kapwa Israelita, huwag kayong magdadayaan. 15 Ang halaga ng lupa ay ibabatay ayon sa dami ng taon ng pamumunga nito bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 16 Kung mahaba pa ang mga taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, taasan ninyo ang halaga ng lupa, pero kung maigsi na lang, babaan ninyo. Sapagkat ang binibili ninyo ay hindi ang lupang iyon kundi ang dami ng magiging ani nito. 17 Huwag kayong magdadayaan, sa halip ay matakot kayo sa akin, dahil ako ang Panginoon na inyong Dios. 18-19 Sundin ninyo ang mga tuntunin at utos ko para kayoʼy mamuhay ng mapayapa sa lupaing inyong titirhan at hindi kayo mawawalan ng pagkain dahil sa masaganang ani ng lupain. 20 Huwag kayong mababahala sa kung ano ang inyong kakainin sa ikapitong taon na hindi kayo makakapagtanim o makakapag-ani. 21 Pagpapalain ko ang inyong mga bukid tuwing ikaanim na taon upang maging masagana ang ani para maging sapat para sa tatlong taon. 22 Kaya sa tuwing magtatanim kayo sa ikawalong taon, ang kakainin ninyo ay ang inyong ani pa rin noong ikaanim na taon, at magiging marami pa ang pagkain ninyo hanggang sa dumating ang tag-ani sa ikasiyam na taon.
23 Huwag ninyong ipagbibili ang inyong lupain na hindi na ninyo matutubos pa, dahil ang lupaing ito ay akin. Pinatitirhan at pinasasakahan ko lang ito sa inyo. 24 Kaya payagan ninyong matubos pa ng may-ari ang kanyang lupain na ipinagbili sa inyo. Ganyan ang gawin ninyo sa lahat ng lupaing binili ninyo.
25 Kung maghirap ang inyong kapwa Israelita at napilitan siyang ipagbili ang kanyang lupain, ang pinakamalapit niyang kamag-anak ang tutubos ng lupaing kanyang ipinagbili. 26 Pero kung wala siyang kamag-anak na tutubos nito para sa kanya, maaari pa rin niya itong tubusin kapag kaya na niya. 27 Kapag nangyari ito, babayaran niya ang bumili ng kanyang lupain ng halagang ayon sa maaani sa lupain hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, at saka pa lang niya maaaring bawiin ang kanyang lupain. 28 Pero kung kulang ang perang pantubos niya, mananatili ang lupain sa bumili hanggang sa dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. At sa taong iyon, ibabalik na sa kanya ang lupain niya nang walang bayad.
29 Kung may taong magbenta ng kanyang bahay na nasa napapaderang lungsod, maaari pa rin niya itong tubusin sa loob ng isang taon pagkatapos niyang ipagbili. 30 Pero kung hindi niya ito matubos sa loob ng isang taon, ang bahay na iyon ay lubusan nang magiging pag-aari ng bumili at ng mga angkan nito magpakailanman. Hindi na ito maaaring bawiin ng may-ari sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 31 Ngunit ang mga bahay sa mga baryo na walang pader ay ituturing na katulad ng bukid na maaaring matubos o mabawi sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.
32 Maaaring tubusin ng mga Levita kahit kailan ang kanilang mga bahay na nasa kanilang bayan. 33 Kung hindi nila iyon matubos, ibabalik iyon sa kanila sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Sapagkat ang mga bahay sa kanilang bayan ay para sa kanila dahil bahagi nila ito na ibinigay ng kapwa nila Israelita. 34 Pati ang mga pastulang nasa palibot ng kanilang bayan ay hindi dapat ipagbili, dahil iyon ay pag-aari nila magpakailanman.
35 Kung maghirap ang kapwa ninyo Israelita at hindi na niya kayang buhayin ang kanyang sarili, tulungan nʼyo siya katulad ng inyong pagtulong sa isang dayuhan o bisita para patuloy siyang makapamuhay kasama ninyo. 36-37 Pahiramin ninyo siya ng pera na walang tubo, at pagbilhan ninyo siya ng pagkain na walang tubo para patuloy siyang naninirahang kasama ninyo. Gawin ninyo ito para ipakita na may takot kayo sa akin na inyong Dios. 38 Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto para maibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan upang akoʼy maging Dios ninyo.
39 Kung sa labis na kahirapan ng inyong kapwa Israelita ay napilitang ipagbili ang sarili upang maging alipin, huwag ninyo siyang pagtrabahuhin katulad ng pangkaraniwang alipin. 40 Ituring ninyo siyang isang upahang manggagawa o isang panauhing nakatira sa inyo. Magtatrabaho siya sa inyo hanggang sa sumapit ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 41 Sa taong iyon, malaya na siya at ang mga anak niya, at makakabalik na sila sa kanilang mga kamang-anak at mapapasakanilang muli ang mga pag-aari ng kanilang mga ninuno. 42 Kayoʼy mga alipin ko, kayoʼy mga Israelitang inilabas ko sa Egipto. Kaya huwag ninyong ipagbibili ang inyong sarili para maging alipin. 43 Huwag ninyong pagmamalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo. Ipakita ninyong kayoʼy may takot sa akin na inyong Dios.
44 Kung gusto ninyong kayoʼy may alipin, bumili kayo sa mga bansa sa palibot ninyo. 45 Maaari rin kayong bumili ng mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, o ng kanilang mga anak na ipinanganak sa inyong lugar. At ang mga aliping nabili ninyo sa kanila ay magiging pag-aari na ninyo. 46 At maaari nʼyo silang ipamana sa inyong mga anak upang maglingkod sa kanila habang silaʼy nabubuhay. Pero huwag ninyong pagmalupitan ang inyong kapwa Israelita na alipin ninyo.
47 Kung sa labis na kahirapan ay ipinagbili ng isang Israelita ang kanyang sarili bilang alipin sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo, o sa kamag-anak ng dayuhang iyon, 48 ang Israelitang iyon ay maaari pang tubusin. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid, 49 tiyuhin, pinsan, o sinumang malapit niyang kamag-anak. Maaari ring siya mismo ang tumubos ng kanyang sarili kung kaya na niya. 50-52 Kukuwentahin niya at ng bumili sa kanya kung ilang taon siyang naglingkod at kung magkano ang katumbas na halaga nito kung babayaran siya katulad ng isang upahang manggagawa. At ang halaga nito ay ibabawas niya sa halagang ibinayad sa kanya noong siya ay binili bilang isang alipin. (Ang halagang iyon ay batay sa dami ng taon mula nang siyaʼy binili hanggang sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli.) At kung magkano ang natira, iyon ang babayaran niya para matubos ang kanyang sarili. 53 Kinakailangang ituring siya ng dayuhang bumili sa kanya na parang isang upahang manggagawa at huwag siyang pagmamalupitan. 54 Kung hindi siya makakalaya at ang mga anak niya sa ganoong paraan, maaari pa rin silang lumaya sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 55 Kaya hindi kayo magiging alipin ng inyong mga kababayan magpakailanman, dahil alipin ko kayo, ako ang naglabas sa inyo mula sa Egipto. Ako ang Panginoon na inyong Dios.
Footnotes
- 25:8-9 Tuwing ika-49 na taon: sa literal, pitong taon na Pamamahinga.
Leviticus 25
New King James Version
The Sabbath of the Seventh Year(A)
25 And the Lord spoke to Moses on Mount (B)Sinai, saying, 2 “Speak to the children of Israel, and say to them: ‘When you come into the land which I give you, then the land shall (C)keep a sabbath to the Lord. 3 Six years you shall sow your field, and six years you shall prune your vineyard, and gather its fruit; 4 but in the (D)seventh year there shall be a sabbath of solemn (E)rest for the land, a sabbath to the Lord. You shall neither sow your field nor prune your vineyard. 5 (F)What grows of its own accord of your harvest you shall not reap, nor gather the grapes of your untended vine, for it is a year of rest for the land. 6 And the sabbath produce of the land shall be food for you: for you, your male and female servants, your hired man, and the stranger who dwells with you, 7 for your livestock and the beasts that are in your land—all its produce shall be for food.
The Year of Jubilee
8 ‘And you shall count seven sabbaths of years for yourself, seven times seven years; and the time of the seven sabbaths of years shall be to you forty-nine years. 9 Then you shall cause the trumpet of the Jubilee to sound on the tenth day of the seventh month; (G)on the Day of Atonement you shall make the trumpet to sound throughout all your land. 10 And you shall consecrate the fiftieth year, and (H)proclaim liberty throughout all the land to all its inhabitants. It shall be a Jubilee for you; (I)and each of you shall return to his possession, and each of you shall return to his family. 11 That fiftieth year shall be a Jubilee to you; in it (J)you shall neither sow nor reap what grows of its own accord, nor gather the grapes of your untended vine. 12 For it is the Jubilee; it shall be holy to you; (K)you shall eat its produce from the field.
13 (L)‘In this Year of Jubilee, each of you shall return to his possession. 14 And if you sell anything to your neighbor or buy from your neighbor’s hand, you shall not (M)oppress one another. 15 (N)According to the number of years after the Jubilee you shall buy from your neighbor, and according to the number of years of crops he shall sell to you. 16 According to the multitude of years you shall increase its price, and according to the fewer number of years you shall diminish its price; for he sells to you according to the number of the years of the crops. 17 Therefore (O)you shall not [a]oppress one another, (P)but you shall fear your God; for I am the Lord your God.
Provisions for the Seventh Year
18 (Q)‘So you shall observe My statutes and keep My judgments, and perform them; (R)and you will dwell in the land in safety. 19 Then the land will yield its fruit, and (S)you will eat your fill, and dwell there in safety.
20 ‘And if you say, (T)“What shall we eat in the seventh year, since (U)we shall not sow nor gather in our produce?” 21 Then I will (V)command My blessing on you in the (W)sixth year, and it will bring forth produce enough for three years. 22 (X)And you shall sow in the eighth year, and eat (Y)old produce until the ninth year; until its produce comes in, you shall eat of the old harvest.
Redemption of Property
23 ‘The land shall not be sold permanently, for (Z)the land is Mine; for you are (AA)strangers and sojourners with Me. 24 And in all the land of your possession you shall grant redemption of the land.
25 (AB)‘If one of your brethren becomes poor, and has sold some of his possession, and if (AC)his redeeming relative comes to redeem it, then he may redeem what his brother sold. 26 Or if the man has no one to redeem it, but he himself becomes able to redeem it, 27 then (AD)let him count the years since its sale, and restore the remainder to the man to whom he sold it, that he may return to his possession. 28 But if he is not able to have it restored to himself, then what was sold shall remain in the hand of him who bought it until the Year of Jubilee; (AE)and in the Jubilee it shall be released, and he shall return to his possession.
29 ‘If a man sells a house in a walled city, then he may redeem it within a whole year after it is sold; within a full year he may redeem it. 30 But if it is not redeemed within the space of a full year, then the house in the walled city shall belong permanently to him who bought it, throughout his generations. It shall not be released in the Jubilee. 31 However the houses of villages which have no wall around them shall be counted as the fields of the country. They may be redeemed, and they shall be released in the Jubilee. 32 Nevertheless (AF)the cities of the Levites, and the houses in the cities of their possession, the Levites may redeem at any time. 33 And if a man purchases a house from the Levites, then the house that was sold in the city of his possession shall be released in the Jubilee; for the houses in the cities of the Levites are their possession among the children of Israel. 34 But (AG)the field of the common-land of their cities may not be (AH)sold, for it is their perpetual possession.
Lending to the Poor
35 ‘If one of your brethren becomes poor, and [b]falls into poverty among you, then you shall (AI)help him, like a stranger or a sojourner, that he may live with you. 36 (AJ)Take no usury or interest from him; but (AK)fear your God, that your brother may live with you. 37 You shall not lend him your money for usury, nor lend him your food at a profit. 38 (AL)I am the Lord your God, who brought you out of the land of Egypt, to give you the land of Canaan and to be your God.
The Law Concerning Slavery
39 ‘And if one of your brethren who dwells by you becomes poor, and sells himself to you, you shall not compel him to serve as a slave. 40 As a hired servant and a sojourner he shall be with you, and shall serve you until the Year of Jubilee. 41 And then he shall depart from you—he and his children (AM)with him—and shall return to his own family. He shall return to the possession of his fathers. 42 For they are (AN)My servants, whom I brought out of the land of Egypt; they shall not be sold as slaves. 43 (AO)You shall not rule over him (AP)with [c]rigor, but you (AQ)shall fear your God. 44 And as for your male and female slaves whom you may have—from the nations that are around you, from them you may buy male and female slaves. 45 Moreover you may buy (AR)the children of the strangers who dwell among you, and their families who are with you, which they beget in your land; and they shall become your property. 46 And (AS)you may take them as an inheritance for your children after you, to inherit them as a possession; they shall be your permanent slaves. But regarding your brethren, the children of Israel, you shall not rule over one another with rigor.
47 ‘Now if a sojourner or stranger close to you becomes rich, and one of your brethren who dwells by him becomes poor, and sells himself to the stranger or sojourner close to you, or to a member of the stranger’s family, 48 after he is sold he may be redeemed again. One of his brothers may redeem him; 49 or his uncle or his uncle’s son may redeem him; or anyone who is near of kin to him in his family may redeem him; or if he is able he may redeem himself. 50 Thus he shall reckon with him who bought him: The price of his release shall be according to the number of years, from the year that he was sold to him until the Year of Jubilee; it shall be (AT)according to the time of a hired servant for him. 51 If there are still many years remaining, according to them he shall repay the price of his redemption from the money with which he was bought. 52 And if there remain but a few years until the Year of Jubilee, then he shall reckon with him, and according to his years he shall repay him the price of his redemption. 53 He shall be with him as a yearly hired servant, and he shall not rule with rigor over him in your sight. 54 And if he is not redeemed in these years, then he shall be released in the Year of Jubilee—he and his children with him. 55 For the children of Israel are servants to Me; they are My servants whom I brought out of the land of Egypt: I am the Lord your God.
Footnotes
- Leviticus 25:17 mistreat
- Leviticus 25:35 Lit. his hand fails
- Leviticus 25:43 severity
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

