Add parallel Print Page Options

15 Ipapatong ng matatanda ng kapulungan ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harapan ng Panginoon, at papatayin ang toro sa harapan ng Panginoon.

16 Pagkatapos, dadalhin ang dugo ng toro sa toldang tipanan ng paring binuhusan ng langis,

17 at ilulubog ng pari ang kanyang daliri sa dugo, at iwiwisik nang pitong ulit sa harapan ng Panginoon sa harap ng tabing.

Read full chapter

15 At (A)ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.

16 (B)At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan:

17 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing.

Read full chapter

15 At ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.

16 At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan:

17 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing.

Read full chapter

15 Pagkatapos, ipapatong ng mga tagapamahala ng Israel ang kanilang kamay sa ulo ng toro at saka papatayin sa presensya ng Panginoon. 16 Kukuha ng dugo ng toro ang punong pari at dadalhin niya sa loob ng Tolda. 17 At ilulubog niya ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ng pitong beses sa tabing na tumatabing sa Pinakabanal na Lugar, sa presensya ng Panginoon.

Read full chapter