Levitico 27
Ang Biblia (1978)
Batas tungkol sa mga pangako.
27 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinoman ay tutupad ng panata (B)ayon sa iyong inihalaga, ay magiging sa Panginoon ang mga tao.
3 At ang iyong inihalaga tungkol sa lalake, na mula sa may dalawang pung taong gulang hanggang sa may anim na pu, ay limang pung siklong pilak,[a] ang iyong ihahalaga (C)ayon sa siklo ng santuario.
4 At kung tungkol sa babae tatlong pung siklo ang ihahalaga mo.
5 At kung mula sa may limang taon hanggang sa may dalawang pung taon, ay dalawang pung siklo, ang ihahalaga mo sa lalake at sa babae ay sangpung siklo.
6 At kung mula sa may isang buwan hanggang sa may limang taon ay limang siklong pilak ang iyong ihahalaga sa lalake at sa babae ay tatlong siklong pilak ang iyong ihahalaga.
7 At kung sa may anim na pung taon na patanda; kung lalake, ay labing limang siklo ang iyong ihahalaga, at sa babae ay sangpung siklo.
8 Nguni't kung kapos ng ikababayad sa iyong inihalaga, ay pahaharapin mo siya sa harap ng saserdote, at hahalagahan siya ng saserdote; (D)ayon sa ikakakaya ng may panata, ay siyang ihahalaga sa kaniya ng saserdote.
9 At kung hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat na ibibigay niyaon ng sinoman sa Panginoon ay magiging banal.
10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti: at kung sa anomang paraan ay palitan ang isang hayop ng iba, ay magiging kapuwa banal yaon at ang kapalit niyaon.
11 At kung yao'y anomang hayop na karumaldumal na sa hindi maihahandog na alay sa Panginoon, ay ilalagay nga niya ang hayop sa harap ng saserdote:
12 At hahalagahan ng saserdote, maging mabuti o masama: ayon sa inihalaga ng saserdote ay magiging gayon.
13 (E)Datapuwa't kung tunay na kaniyang tutubusin, ay magdadagdag nga siya ng ikalimang bahagi niyaon sa inihalaga mo.
14 At pagka ang sinoman ay magtatalaga ng kaniyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan nga ng saserdote, kung mabuti o masama: ayon sa ihahalaga ng saserdote ay magiging gayon.
15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kaniyang bahay, ay magdadagdag nga ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga mo roon, at magiging kaniya.
16 At kung ang sinoman ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kaniyang pagaari, ay ayon sa hasik doon ang iyong ihahalaga nga: ang hasik na isang omer[b] na cebada ay hahalagahan ng limang pung siklong pilak.[c]
17 Kung itatalaga niya ang kaniyang bukid mula sa taon ng jubileo, ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18 Datapuwa't kung italaga niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng jubileo, (F)ay bibilangan sa kaniya ng saserdote ng salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng jubileo at bababaan ang iyong inihalaga.
19 (G)At kung tutubusin ng nagtalaga ng bukid ay magdadagdag ng ikalimang bahagi ng salaping iyong inihalaga roon, at mapapasa kaniya.
20 At kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao ay hindi na niya matutubos:
21 (H)Kundi ang bukid pagka naalis sa jubileo, ay magiging banal sa Panginoon, na parang (I)bukid na itinalaga: (J)ang kapangyarihan doon ay mapapasa saserdote.
22 At kung ang sinoman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na binili, (K)na hindi sa bukid na kaniyang pagaari;
23 (L)Ay ibibilang nga sa kaniya ng saserdote ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng jubileo, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, na parang banal na bagay sa Panginoon.
24 (M)Sa taon ng jubileo ay mababalik ang bukid doon sa kaniyang binilhan, doon sa kinararapatan ng pagaari ng lupa.
25 At ang buo mong ihahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuario: dalawang pung gera (N)ang isang siklo.
26 (O)Ang panganay lamang sa mga hayop na iniukol ang pagkapanganay sa Panginoon, ang hindi maitatalaga ninoman; maging baka o tupa, ay ukol sa Panginoon.
27 At kung hayop na karumaldumal, ay kaniyang tutubusin nga yaon sa iyong inihalaga (P)at idadagdag pa niya ang ikalimang bahagi niyaon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28 (Q)Gayon ma'y walang bagay na itinalaga, na itatalaga ninoman sa Panginoon, sa lahat ng sariling kaniya, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kaniyang pagaari, ay maipagbibili o matutubos: bawa't bagay na itinalaga ay kabanalbanalan sa Panginoon.
29 (R)Walang itinalaga na itatalaga ng mga tao, ay matutubos: papataying walang pagsala.
Batas tungkol sa mga buwis.
30 (S)At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon.
31 (T)At kung ang sinoman ay tutubos ng alin mang bahagi ng kaniyang ikasangpung bahagi ay idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyaon.
32 At lahat ng ikasangpung bahagi sa bakahan o sa kawan, (U)anomang madaan sa tungkod, ay magiging banal sa Panginoon ang ikasangpung bahagi.
33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, (V)ni huwag niyang papalitan: at kung sa anomang paraan ay palitan niya, ay kapuwa magiging banal; hindi matutubos.
34 (W)Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises, (X)sa bundok ng Sinai hinggil sa mga anak ni Israel.
Footnotes
- Levitico 27:3 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa ating kuwalta.
- Levitico 27:16 Ang isang omer ay katimbang ng 300 litro o 4 na kaban.
- Levitico 27:16 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa kuwalta natin.
Levitico 27
Ang Biblia, 2001
Mga Batas tungkol sa mga Handog sa Panginoon
27 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Magsalita ka sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila: Kapag ang isang tao ay gumawa ng isang maliwanag na panata sa Panginoon tungkol sa katumbas ng isang tao,
3 ang katumbas para sa isang lalaki ay: mula sa dalawampung taong gulang hanggang sa may animnapu ay limampung siklong[a] pilak, na ihahalaga ayon sa siklo ng santuwaryo.
4 Kapag babae, ang katumbas ay tatlumpung siklo.
5 Kung may gulang na mula sa limang taon hanggang sa may dalawampung taon, ang itutumbas mo ay dalawampung siklo ang sa lalaki at ang sa babae ay sampung siklo.
6 Kung may gulang na mula sa isang buwan hanggang sa limang taon, tutumbasan mo ng limang siklong pilak para sa lalaki at sa babae ay tatlong siklong pilak.
7 Kung may gulang na animnapung taon pataas ay labinlimang siklo ang iyong itutumbas para sa lalaki at sa babae ay sampung siklo.
8 Ngunit kung siya ay mas dukha kaysa inyong itinakdang katumbas, siya ay patatayuin sa harapan ng pari, at tutumbasan siya ng pari; siya ay tutumbasan ng pari ayon sa kakayahan niya na may panata.
9 “At kung tungkol sa hayop na ihahandog na alay sa Panginoon, lahat ng ibibigay sa Panginoon ay banal.
10 Huwag niyang babaguhin o papalitan ang mabuti ng masama o ang masama ng mabuti; at kung sa anumang paraan ay palitan ng iba ang isang hayop, kapwa magiging banal ang kapalit at ang pinalitan.
11 At kung iyon ay alinmang hayop na marumi na hindi maihahandog na alay sa Panginoon, dadalhin niya ang hayop sa harapan ng pari;
12 at ito ay hahalagahan ng pari kung ito ay mabuti o masama; ayon sa paghahalaga ng pari ay magiging gayon.
13 Ngunit kung tunay na kanyang tutubusin, magdaragdag siya ng ikalimang bahagi sa ibinigay mong halaga.
14 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga ng kanyang bahay upang maging banal sa Panginoon, ay hahalagahan ito ng pari, kung mabuti o masama; ayon sa ihahalaga ng pari ay magiging gayon.
15 At kung tutubusin ng nagtalaga ang kanyang bahay, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salapi na inihalaga roon, at ito ay magiging kanya.
16 “Kapag ang isang tao ay magtatalaga sa Panginoon ng bahagi ng bukid na kanyang minana, ang iyong paghahalaga ay ayon sa binhi nito; isang omer[b] na binhi ng sebada sa halagang limampung siklong pilak.[c]
17 Kung itatalaga niya ang kanyang bukid mula sa taon ng pagdiriwang, ito ay magiging ayon sa iyong inihalaga.
18 Subalit kung italaga niya ang kanyang bukid pagkatapos ng pagdiriwang, bibilangin sa kanya ng pari ang salapi ayon sa mga taong natitira hanggang sa taon ng pagdiriwang at ito ay ibabawas sa iyong inihalaga.
19 Kung ang bukid ay tutubusin ng nagtalaga nito, siya ay magdaragdag ng ikalimang bahagi ng salaping inihalaga roon, at ito ay mapapasa-kanya.
20 At kung hindi niya tubusin ang bukid, o kung ipinagbili niya ang bukid sa ibang tao, ito ay hindi na matutubos.
21 Subalit ang bukid, kapag naalis sa pagdiriwang, ay magiging banal sa Panginoon, bilang bukid na itinalaga. Ito ay magiging pag-aari ng pari.
22 At kung ang sinuman ay magtalaga sa Panginoon ng bukid na kanyang binili, na hindi sa bukid na kanyang minana;
23 ay bibilangin sa kanya ng pari ang halaga ng iyong inihalaga hanggang sa taon ng pagdiriwang, at babayaran niya ang iyong inihalaga ng araw ding iyon, isang banal na bagay sa Panginoon.
24 Sa taon ng pagdiriwang, ibabalik ang bukid sa kanyang binilhan, sa kanya na nagmamay-ari ng lupa.
25 Lahat ng iyong paghahalaga ay magiging ayon sa siklo ng santuwaryo: bawat isang siklo ay katumbas ng labinlimang gramo.[d]
26 “Gayunman, walang sinumang magtatalaga ng panganay sa mga hayop. Ito ay panganay para sa Panginoon, maging baka o tupa ay para sa Panginoon.
27 At kung ito ay hayop na marumi, ito ay kanyang tutubusin ayon sa iyong inihalaga at idaragdag ang ikalimang bahagi niyon; o kung hindi tutubusin ay ipagbibili ayon sa iyong inihalaga.
28 “Ngunit(A) anumang bagay na itinalaga sa Panginoon mula sa lahat ng kanyang pag-aari, maging sa tao o sa hayop, o sa bukid na kanyang pag-aari, ay hindi maipagbibili o matutubos; bawat bagay na itinalaga ay kabanal-banalan sa Panginoon.
29 Walang taong itinalaga sa pagkawasak ang matutubos; siya ay tiyak na papatayin.
Batas tungkol sa mga Buwis
30 “Lahat(B) ng ikasampung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punungkahoy ay sa Panginoon; ito ay banal sa Panginoon.
31 Kung ang isang tao ay tutubos ng alinman sa kanyang ikasampung bahagi, idagdag niya roon ang ikalimang bahagi niyon.
32 At lahat ng ikasampung bahagi sa bakahan o sa kawan, lahat ng ikasampung bahagi na dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol ay banal sa Panginoon.
33 Huwag niyang sisiyasatin kung mabuti o masama, ni huwag niya itong papalitan; at kung palitan niya ito, kapwa magiging banal ito at ang ipinalit at hindi ito maaaring tubusin.”
34 Ito ang mga utos na iniutos ng Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai para sa mga anak ni Israel.
Footnotes
- Levitico 27:3 Ang isang siklo ay halos katumbas ng 15 gramo ng pilak nang panahong iyon.
- Levitico 27:16 Ang isang omer ay katimbang ng 300 litro o 4 na kaban.
- Levitico 27:16 Ang isang siklo ay halos katumbas ng 15 gramo ng pilak nang panahong iyon.
- Levitico 27:25 Sa Hebreo ay dalawampung gerah .
Leviticus 27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagtubos ng mga Bagay na Inihandog sa Panginoon
27 Inutusan ng Panginoon si Moises 2 na sabihin ito sa mga Israelita:
Kung ang isang tao ay inihandog sa Panginoon bilang pagtupad sa isang panata, ang taong iyon ay maaari pang matubos sa panatang iyon, 3-7 kung babayaran niya ng pilak, ang kanyang halaga ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari:
Sa edad na isang buwan hanggang apat na taon
lalaki: limang pirasong pilak
babae: tatlong pirasong pilak
Sa edad na lima hanggang 19 na taon
lalaki: 20 pirasong pilak
babae: sampung pirasong pilak
Sa edad na 20 hanggang 59 na taon
lalaki: 50 pirasong pilak
babae: 30 pirasong pilak
Sa edad na 60 taon pataas
lalaki: 15 pirasong pilak
babae: sampung pirasong pilak.
8 Kung dukha ang nagpanata at hindi kayang magbayad ng nasabing halaga, dadalhin niya sa pari ang taong ipinanata niyang ihahandog sa Panginoon, at ang pari ang siyang magbibigay ng halaga ayon sa makakayanan ng tao.
9 Kung ang panatang handog ay hayop na maaaring ihandog sa Panginoon, ang hayop na iyon ay sa Panginoon na. 10 Iyon ay hindi na niya maaaring palitan kahit mas maganda pa ang kanyang ipapalit. Kapag pinalitan niya ito, ang hayop na kanyang ipinanata pati ang ipinalit ay parehong sa Panginoon na. 11 Kung ang kanyang panatang hayop ay itinuturing na marumi at hindi maaaring ihandog sa Panginoon, dadalhin niya iyon sa pari. 12 Titingnan iyon ng pari kung mabuti ba ito o hindi, at bibigyan niya ito ng halaga[a] at hindi na maaaring baguhin pa. 13 Kung babawiin ng may-ari ang hayop. Kinakailangang bayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito.
14 Kung bahay naman ang panatang handog sa Panginoon, titingnan muna ng pari ang nasabing bahay kung mabuti ba ito o hindi, at saka niya bibigyan ng halaga at hindi na maaaring baguhin pa. 15 Kung babawiin ng may-ari ang kanyang bahay, kinakailangang bayaran niya ang halaga ng bahay at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito at saka ibabalik sa kanya ang bahay.
16 Kung ang inihandog naman sa Panginoon ay bahagi ng lupaing minana sa kanyang mga magulang, itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng binhing maaaring ihasik sa lupaing iyon: Sa bawat kalahating sako ng binhing maihahasik, ang halaga ng lupa ay 20 pirasong pilak. 17 Kung ihahandog niya ang kanyang bukid pagkatapos ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ganoon pa rin ang halaga nito. 18 Pero kung sa bandang huli na niya ihahandog, bibigyan ito ng halaga ng pari ng mas mababa, batay sa dami ng taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. 19 Kung babawiin ng may-ari ang kanyang bukid, kinakailangang bayaran niya ang halaga ng bukid at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito. At saka ibabalik sa kanya ang bukid. 20 Pero kung ipagbili niya ang bukid nang hindi pa niya natutubos, hindi na niya ito mababawi. 21 At pagsapit ng Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, iyon ay sa Panginoon na, at hindi na niya mababawi pa. Iyon ay magiging pag-aari na ng mga pari.
22 Kung ang inihandog naman ay lupang binili, 23 itoʼy bibigyan ng halaga ng pari ayon sa dami ng natitirang taon bago dumating ang Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli. Dapat itong tubusin ng taong iyon. At ang halagang itinubos ay sa Panginoon na. 24 Sa Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, ang nasabing lupain ay isasauli sa may-ari na nagbenta ng lupaing iyon.
25 Ang lahat ng halaga ng mga ito na inihandog sa Panginoon ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari.
26 Ang panganay na anak ng hayop ay sa Panginoon na, kaya itoʼy hindi na maaaring ihandog sa kanya. Ito ay sa Panginoon, maging baka man ito o tupa. 27 Pero kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito. Pero kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.
28 Ang anumang bagay na lubusang itinalaga[b] sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay sa Panginoon na. 29 Ang taong lubusang inihandog sa Panginoon ay hindi na maaaring tubusin. Dapat siyang patayin.
30 Ang ikasampung bahagi ng lahat ng ani ay sa Panginoon. 31 Kung tutubusin ng sinuman ang ikasampung bahagi ng kanyang ani, kinakailangan niyang bayaran ang halaga at dadagdagan pa ng 20 porsiyento ng halaga nito. 32 Kung bibilangin ninyo ang inyong mga baka, tupa, o kambing, lahat ng ikasampung bahagi ay ibibigay ninyo sa Panginoon. 33 Hindi ninyo ito dapat piliin o palitan. Kung papalitan ninyo ito, ang inyong ipinalit na hayop at ang pinalitan nito ay parehong ilalaan sa Panginoon na at hindi na maaaring tubusin.
34 Ito ang mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises doon sa bundok ng Sinai para sa mga Israelita.
Leviticus 27
New International Version
Redeeming What Is the Lord’s
27 The Lord said to Moses, 2 “Speak to the Israelites and say to them: ‘If anyone makes a special vow(A) to dedicate a person to the Lord by giving the equivalent value, 3 set the value of a male between the ages of twenty and sixty at fifty shekels[a] of silver, according to the sanctuary shekel[b];(B) 4 for a female, set her value at thirty shekels[c]; 5 for a person between the ages of five and twenty, set the value of a male at twenty shekels[d](C) and of a female at ten shekels[e]; 6 for a person between one month and five years, set the value of a male at five shekels[f](D) of silver and that of a female at three shekels[g] of silver; 7 for a person sixty years old or more, set the value of a male at fifteen shekels[h] and of a female at ten shekels. 8 If anyone making the vow is too poor to pay(E) the specified amount, the person being dedicated is to be presented to the priest, who will set the value(F) according to what the one making the vow can afford.
9 “‘If what they vowed is an animal that is acceptable as an offering to the Lord,(G) such an animal given to the Lord becomes holy.(H) 10 They must not exchange it or substitute a good one for a bad one, or a bad one for a good one;(I) if they should substitute one animal for another, both it and the substitute become holy. 11 If what they vowed is a ceremonially unclean animal(J)—one that is not acceptable as an offering to the Lord—the animal must be presented to the priest, 12 who will judge its quality as good or bad. Whatever value the priest then sets, that is what it will be. 13 If the owner wishes to redeem(K) the animal, a fifth must be added to its value.(L)
14 “‘If anyone dedicates their house as something holy to the Lord, the priest will judge its quality as good or bad. Whatever value the priest then sets, so it will remain. 15 If the one who dedicates their house wishes to redeem it,(M) they must add a fifth to its value, and the house will again become theirs.
16 “‘If anyone dedicates to the Lord part of their family land, its value is to be set according to the amount of seed required for it—fifty shekels of silver to a homer[i] of barley seed. 17 If they dedicate a field during the Year of Jubilee, the value that has been set remains. 18 But if they dedicate a field after the Jubilee,(N) the priest will determine the value according to the number of years that remain(O) until the next Year of Jubilee, and its set value will be reduced. 19 If the one who dedicates the field wishes to redeem it,(P) they must add a fifth to its value, and the field will again become theirs. 20 If, however, they do not redeem the field, or if they have sold it to someone else, it can never be redeemed. 21 When the field is released in the Jubilee,(Q) it will become holy,(R) like a field devoted to the Lord;(S) it will become priestly property.
22 “‘If anyone dedicates to the Lord a field they have bought, which is not part of their family land, 23 the priest will determine its value up to the Year of Jubilee,(T) and the owner must pay its value on that day as something holy to the Lord. 24 In the Year of Jubilee the field will revert to the person from whom it was bought,(U) the one whose land it was. 25 Every value is to be set according to the sanctuary shekel,(V) twenty gerahs(W) to the shekel.
26 “‘No one, however, may dedicate the firstborn of an animal, since the firstborn already belongs to the Lord;(X) whether an ox[j] or a sheep, it is the Lord’s. 27 If it is one of the unclean animals,(Y) it may be bought back at its set value, adding a fifth of the value to it. If it is not redeemed, it is to be sold at its set value.
28 “‘But nothing that a person owns and devotes[k](Z) to the Lord—whether a human being or an animal or family land—may be sold or redeemed; everything so devoted is most holy(AA) to the Lord.
29 “‘No person devoted to destruction[l] may be ransomed; they are to be put to death.(AB)
30 “‘A tithe(AC) of everything from the land, whether grain from the soil or fruit from the trees, belongs to the Lord; it is holy(AD) to the Lord. 31 Whoever would redeem(AE) any of their tithe must add a fifth of the value(AF) to it. 32 Every tithe of the herd and flock—every tenth animal that passes under the shepherd’s rod(AG)—will be holy to the Lord. 33 No one may pick out the good from the bad or make any substitution.(AH) If anyone does make a substitution, both the animal and its substitute become holy and cannot be redeemed.(AI)’”
34 These are the commands the Lord gave Moses at Mount Sinai(AJ) for the Israelites.(AK)
Footnotes
- Leviticus 27:3 That is, about 1 1/4 pounds or about 575 grams; also in verse 16
- Leviticus 27:3 That is, about 2/5 ounce or about 12 grams; also in verse 25
- Leviticus 27:4 That is, about 12 ounces or about 345 grams
- Leviticus 27:5 That is, about 8 ounces or about 230 grams
- Leviticus 27:5 That is, about 4 ounces or about 115 grams; also in verse 7
- Leviticus 27:6 That is, about 2 ounces or about 58 grams
- Leviticus 27:6 That is, about 1 1/4 ounces or about 35 grams
- Leviticus 27:7 That is, about 6 ounces or about 175 grams
- Leviticus 27:16 That is, probably about 300 pounds or about 135 kilograms
- Leviticus 27:26 The Hebrew word can refer to either male or female.
- Leviticus 27:28 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord.
- Leviticus 27:29 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

