Add parallel Print Page Options

Ang Taon ng Pagpapabalik

“Bibilang ka ng pitong Sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at lahat ng mga araw ng pitong Sabbath ng mga taon ay magiging apatnapu't siyam na taon sa inyo.

At iyong patutunugin nang malakas ang trumpeta sa ikasampung araw ng ikapitong buwan; sa araw ng pagtubos ay patutunugin mo ang tambuli sa inyong buong lupain.

10 Ipangingilin ninyo ang ikalimampung taon, at ipahahayag ninyo ang kalayaan sa buong lupain sa lahat ng mga mamamayan; at ito'y magiging jubileo sa inyo; at ang bawat isa sa inyo ay babalik sa kanyang sariling ari-arian, at ang bawat isa sa inyo ay babalik sa kanyang sariling sambahayan.

Read full chapter
'Levitico 25:8-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang taon ng kaligayahan.

At bibilang ka ng pitong sabbath ng taon, makapitong pitong taon; at magiging sa iyo'y mga araw ng pitong sabbath ng mga taon, sa makatuwid baga'y apat na pu't siyam na taon.

Kung magkagayo'y maguutos ka na lumibot sa bayan ang pakakak na matunog sa ikasangpung araw ng ika pitong buwan; (A)sa araw ng pagtubos patutunugin ninyo ang pakakak sa buong lupain ninyo.

10 At ipangingilin ninyo ang ikalimang pung taon, (B)at ihahayag ninyo sa buong lupain ang kalayaan sa lahat na tumatahan sa lupain: iya'y magiging kapistahan ng jubileo sa inyo; (C)at bawa't isa sa inyo ay babalik sa kaniyang pagaari, at bawa't isa'y babalik sa kaniyang sangbahayan.

Read full chapter