Levitico 22
Ang Biblia (1978)
Batas ng kalinisan para sa mga saserdote.
22 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak (A)na sila'y magsihiwalay sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, (B)na ikinagiging banal nila sa akin, at huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: ako ang Panginoon.
3 Sabihin mo sa kanila, Sinomang lalake sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong lahi, na lumapit sa mga banal na bagay na ikinagiging banal ng mga anak ni Israel sa Panginoon, (C)na taglay ang kaniyang karumihan, ay ihihiwalay ang taong iyon sa harap ko: ako ang Panginoon.
4 Sinomang lalake sa binhi ni Aaron na may ketong o (D)may agas; ay hindi kakain ng mga banal na bagay (E)hanggang siya'y malinis. At (F)ang humipo ng alin mang bagay na karumaldumal dahil sa patay, o (G)lalaking nilabasan ng binhi nito;
5 O sinomang (H)humipo ng anomang umuusad na makapagpaparumi, o (I)lalaking makakahawa dahil sa alin mang karumihan niya;
6 Ang lalaking humipo ng gayon ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon, at hindi kakain ng mga banal na bagay maliban na (J)maligo siya sa tubig.
7 At pagkalubog ng araw, ay magiging malinis siya; at pagkatapos ay makakakain ng mga banal na bagay, (K)sapagka't siya niyang tinapay.
8 Yaong bagay na namatay sa sarili, o nilapa ng mga ganid, ay huwag niyang kakanin, na makapagpapahawa sa kaniya: ako ang Panginoon.
9 Iingatan nga nila ang aking bilin, (L)baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
10 (M)Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.
11 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay (N)ay makakakain ng kaniyang tinapay.
12 At kung ang isang anak na babae ng saserdote ay magasawa sa isang taga ibang bayan, ay hindi makakakain sa handog na itinaas sa mga banal na bagay.
13 Datapuwa't kung ang anak na babae ng saserdote ay bao o inihiwalay, na walang anak (O)at bumalik sa bahay ng kaniyang ama (P)na gaya rin ng kaniyang pagkadalaga, ay makakakain ng tinapay ng kaniyang ama, nguni't ang sinomang taga ibang bayan ay hindi makakakain niyaon.
14 (Q)At kung ang sinomang lalake ay magkamaling kumain ng banal na bagay, ay kaniyang daragdagan pa nga ng ikalimang bahagi yaon, at ibibigay niya sa saserdote ang banal na bagay.
15 (R)At huwag nilang dudumhan ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na inihahandog sa Panginoon;
16 At (S)gayon papasanin ang kasamaan ng nagtataglay ng sala, pagka kanilang kinakain ang kanilang mga banal na bagay: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.
Ang hayop na maaaring maging handog
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
18 Salitain mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (T)Sinoman sa sangbahayan ni Israel, o sa mga taga ibang bayan sa Israel, na maghahandog ng kaniyang alay, maging anomang panata nila, o maging anomang kusang handog nila, na kanilang inihahandog sa Panginoon na pinaka handog na susunugin;
19 (U)Upang kayo'y tanggapin, ang inyong ihahandog ay lalaking hayop na walang kapintasan, sa mga baka, sa mga tupa, o sa mga kambing.
20 (V)Datapuwa't alin mang may kapintasan, ay huwag ninyong ihahandog; sapagka't hindi tatanggapin sa inyo.
21 (W)At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, (X)sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.
22 (Y)Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o (Z)galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na (AA)pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.
23 Maging toro o tupa (AB)na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.
24 Yaong niluluslusan, o napisa, o nabasag, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon; ni huwag kayong gagawa ng ganyan sa inyong lupain.
25 Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na (AC)pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: (AD)sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo.
26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
27 (AE)Pagka may ipinanganak, na baka, o tupa, o kambing ay mapapasa kaniyang ina ngang pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ay tatanggaping alay sa Panginoon na handog na pinaraan sa apoy.
28 At maging baka o tupa (AF)ay huwag ninyong papatayin sa isang araw siya at ang kaniyang anak.
29 (AG)At pagka kayo'y maghahandog ng haing pasalamat sa Panginoon, ay inyong ihahain upang kayo'y tanggapin.
30 Sa araw ding iyan kakanin; (AH)huwag kayong magtitira ng anoman niyan hanggang sa umaga: ako ang Panginoon.
31 (AI)Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tutuparin: ako ang Panginoon.
32 (AJ)At huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; (AK)kundi ako'y sasambahin sa gitna ng mga anak ni Israel: (AL)ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa inyo,
33 (AM)Na naglabas sa inyo sa lupain ng Egipto, upang ako'y maging inyong Dios: ako ang Panginoon.
Levitico 22
Ang Biblia, 2001
Ang Kabanalan ng mga Handog
22 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na sila'y magsilayo sa mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na kanilang itinalaga sa akin upang huwag nilang lapastanganin ang aking banal na pangalan: Ako ang Panginoon.
3 Sabihin mo sa kanila, ‘Sinuman sa lahat ng inyong binhi sa buong panahon ng inyong salinlahi na lumapit sa mga banal na bagay na itinalaga ng mga anak ni Israel sa Panginoon na nasa kalagayang marumi, ang taong iyon ay ititiwalag sa aking harapan: Ako ang Panginoon.
4 Sinuman sa binhi ni Aaron na may ketong o may tulo ay hindi kakain ng mga banal na bagay hanggang siya'y maging malinis. At ang humipo ng alinmang bagay na marumi dahil sa patay, o lalaking nilabasan ng binhi nito,
5 o sinumang humipo ng anumang gumagapang na makakapagparumi sa kanya o humipo sa lalaking makakapagparumi sa kanya, sa pamamagitan ng alinman sa kanyang karumihan,
6 ang tao na humipo sa gayon ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Huwag siyang kakain ng mga banal na bagay, kundi paliliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
7 Pagkalubog ng araw, siya ay magiging malinis at pagkatapos ay makakakain na siya ng mga banal na bagay, sapagkat iyon ay kanyang pagkain.
8 Hindi niya kakainin ang anumang kusang namatay o nilapa ng hayop, sapagkat marurumihan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan nito: Ako ang Panginoon.’
9 Kaya't tutuparin nila ang aking bilin, at hindi nila iyon ipagkakasala, upang sila ay huwag mamatay kapag kanilang nilapastangan ito: Ako ang Panginoon na nagpapabanal sa kanila.
10 “Ang isang taga-ibang bayan ay huwag kakain ng mga banal na bagay; sinumang manunuluyan sa pari, o aliping upahan niya ay huwag kakain ng banal na bagay.
11 Ngunit kung ang pari ay bumili ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang salapi, siya ay makakakain din nito; gayundin ang ipinanganak sa kanyang bahay ay makakakain ng kanyang tinapay.
12 Kung ang isang anak na babae ng pari ay mag-asawa sa isang dayuhan, ang babae ay hindi makakakain ng handog ng mga banal na bagay.
13 Subalit kung ang anak na babae ng pari ay balo o hiwalay sa asawa at walang anak at bumalik sa bahay ng kanyang ama na gaya rin nang kanyang kabataan, siya ay makakakain ng tinapay ng kanyang ama, ngunit ang sinumang dayuhan ay hindi makakakain niyon.
14 At kung ang sinumang lalaki ay magkamaling kumain ng banal na bagay, iyon ay kanyang daragdagan ng ikalimang bahagi at ibibigay iyon sa pari kasama ng banal na bagay.
15 Huwag lalapastanganin ng mga pari ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, na kanilang inihahandog sa Panginoon;
16 sapagkat iyon ay magbubunga ng pagpasan nila ng kasamaan at pagkakasala sa pamamagitan ng pagkain ng kanilang mga banal na bagay; sapagkat ako ang Panginoon na nagpapabanal sa kanila.”
17 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
18 “Sabihin mo kay Aaron, sa kanyang mga anak, at sa lahat ng mga anak ni Israel: Sinuman sa sambahayan ni Israel o sa mga dayuhan sa Israel, na maghahandog ng kanyang alay, maging kabayaran sa isang panata o bilang inialay sa Panginoon bilang handog na sinusunog,
19 upang tanggapin, ang inyong ihahandog ay isang lalaki na walang kapintasan, mula sa mga toro, sa mga tupa, o sa mga kambing.
20 Huwag(A) ninyong ihahandog ang anumang may kapintasan, sapagkat ito ay hindi tatanggapin para sa inyo.
21 At kapag ang isang tao ay naghandog sa Panginoon ng handog pangkapayapaan, sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang-loob na handog mula sa bakahan o sa kawan, ito ay kailangang sakdal upang matanggap; ito ay kailangang walang kapintasan.
22 Ang bulag, may bali, may kapansanan, may tulo, may pangangati, o may galis, ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon, ni gagawin ang mga ito bilang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.
23 Ang toro o tupa na may bahaging napakahaba o napakaikli ay maaari mong ialay bilang kusang-loob na handog, subalit hindi matatanggap para sa isang panata.
24 Anumang hayop na nasira ang kasarian, nadurog, o naputol ay huwag ninyong ihahandog sa Panginoon, o iaalay sa loob ng inyong lupain.
25 Huwag ninyong ihahandog bilang pagkain ng inyong Diyos ang anumang gayong hayop na nakuha mula sa isang dayuhan, yamang ang mga ito ay may kapintasan dahil sa kanilang kapansanan; hindi iyon tatanggapin para sa inyo.”
26 At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
27 “Kapag ipinanganak ang isang baka, tupa, o kambing, ito ay mananatili sa kanyang ina sa loob ng pitong araw; at mula sa ikawalong araw hanggang sa haharapin ito ay tatanggapin bilang alay, handog na pinaraan sa apoy para sa Panginoon;
28 subalit huwag ninyong papatayin sa gayon ding araw ang baka, o tupa at ang kanyang anak.
29 Kapag kayo'y maghahandog ng handog na pasasalamat sa Panginoon, iaalay ninyo ito upang kayo ay tanggapin;
30 at ito ay kakainin sa araw ding iyon, huwag kayong magtitira ng anuman hanggang sa umaga: Ako ang Panginoon.
31 “Kaya't inyong iingatan ang aking mga utos, at inyong tuparin ang mga iyon: Ako ang Panginoon.
32 Huwag ninyong lalapastanganin ang aking banal na pangalan; kundi ako'y pakakabanalin sa bayan ng Israel; ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo,
33 na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ako'y maging inyong Diyos: Ako ang Panginoon.”
Leviticus 22
New International Version
22 The Lord said to Moses, 2 “Tell Aaron and his sons to treat with respect the sacred offerings(A) the Israelites consecrate to me, so they will not profane my holy name.(B) I am the Lord.(C)
3 “Say to them: ‘For the generations to come, if any of your descendants is ceremonially unclean and yet comes near the sacred offerings that the Israelites consecrate to the Lord,(D) that person must be cut off from my presence.(E) I am the Lord.
4 “‘If a descendant of Aaron has a defiling skin disease[a] or a bodily discharge,(F) he may not eat the sacred offerings until he is cleansed. He will also be unclean if he touches something defiled by a corpse(G) or by anyone who has an emission of semen, 5 or if he touches any crawling thing(H) that makes him unclean, or any person(I) who makes him unclean, whatever the uncleanness may be. 6 The one who touches any such thing will be unclean(J) till evening.(K) He must not eat any of the sacred offerings unless he has bathed himself with water.(L) 7 When the sun goes down, he will be clean, and after that he may eat the sacred offerings, for they are his food.(M) 8 He must not eat anything found dead(N) or torn by wild animals,(O) and so become unclean(P) through it. I am the Lord.(Q)
9 “‘The priests are to perform my service(R) in such a way that they do not become guilty(S) and die(T) for treating it with contempt. I am the Lord, who makes them holy.(U)
10 “‘No one outside a priest’s family may eat the sacred offering, nor may the guest of a priest or his hired worker eat it.(V) 11 But if a priest buys a slave with money, or if slaves are born in his household, they may eat his food.(W) 12 If a priest’s daughter marries anyone other than a priest, she may not eat any of the sacred contributions. 13 But if a priest’s daughter becomes a widow or is divorced, yet has no children, and she returns to live in her father’s household as in her youth, she may eat her father’s food. No unauthorized person, however, may eat it.
14 “‘Anyone who eats a sacred offering by mistake(X) must make restitution to the priest for the offering and add a fifth of the value(Y) to it. 15 The priests must not desecrate the sacred offerings(Z) the Israelites present to the Lord(AA) 16 by allowing them to eat(AB) the sacred offerings and so bring upon them guilt(AC) requiring payment.(AD) I am the Lord, who makes them holy.(AE)’”
Unacceptable Sacrifices
17 The Lord said to Moses, 18 “Speak to Aaron and his sons and to all the Israelites and say to them: ‘If any of you—whether an Israelite or a foreigner residing in Israel(AF)—presents a gift(AG) for a burnt offering to the Lord, either to fulfill a vow(AH) or as a freewill offering,(AI) 19 you must present a male without defect(AJ) from the cattle, sheep or goats in order that it may be accepted on your behalf.(AK) 20 Do not bring anything with a defect,(AL) because it will not be accepted on your behalf.(AM) 21 When anyone brings from the herd or flock(AN) a fellowship offering(AO) to the Lord to fulfill a special vow or as a freewill offering,(AP) it must be without defect or blemish(AQ) to be acceptable.(AR) 22 Do not offer to the Lord the blind, the injured or the maimed, or anything with warts or festering or running sores. Do not place any of these on the altar as a food offering presented to the Lord. 23 You may, however, present as a freewill offering an ox[b] or a sheep that is deformed or stunted, but it will not be accepted in fulfillment of a vow. 24 You must not offer to the Lord an animal whose testicles are bruised, crushed, torn or cut.(AS) You must not do this in your own land, 25 and you must not accept such animals from the hand of a foreigner and offer them as the food of your God.(AT) They will not be accepted on your behalf, because they are deformed and have defects.(AU)’”
26 The Lord said to Moses, 27 “When a calf, a lamb or a goat(AV) is born, it is to remain with its mother for seven days.(AW) From the eighth day(AX) on, it will be acceptable(AY) as a food offering presented to the Lord. 28 Do not slaughter a cow or a sheep and its young on the same day.(AZ)
29 “When you sacrifice a thank offering(BA) to the Lord, sacrifice it in such a way that it will be accepted on your behalf. 30 It must be eaten that same day; leave none of it till morning.(BB) I am the Lord.(BC)
31 “Keep(BD) my commands and follow them.(BE) I am the Lord. 32 Do not profane my holy name,(BF) for I must be acknowledged as holy by the Israelites.(BG) I am the Lord, who made you holy(BH) 33 and who brought you out of Egypt(BI) to be your God.(BJ) I am the Lord.”
Footnotes
- Leviticus 22:4 The Hebrew word for defiling skin disease, traditionally translated “leprosy,” was used for various diseases affecting the skin.
- Leviticus 22:23 The Hebrew word can refer to either male or female.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

