Font Size
Levitico 22:21-23
Ang Biblia (1978)
Levitico 22:21-23
Ang Biblia (1978)
21 (A)At sinomang maghandog sa Panginoon ng haing handog tungkol sa kapayapaan, (B)sa pagtupad ng isang panata o kaya'y kusang handog, na mula sa bakahan o sa kawan ay kinakailangang sakdal, upang tanggapin; anomang kapintasan ay huwag magkakaroon.
22 (C)Bulag, o may bali, o may hiwa, o may sugat, o (D)galisin, o malangib, ay huwag ninyong ihahandog ang mga ito sa Panginoon, ni huwag kayong maghahandog sa Panginoon ng mga iyan na (E)pinaraan sa apoy sa ibabaw ng dambana.
23 Maging toro o tupa (F)na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978