Add parallel Print Page Options

Tuntunin sa Paglilinis ng Nanganak

12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ganito ang sabihin mo sa bayang Israel: Kung ang isang babae ay manganak ng lalaki, pitong araw siyang ituturing na marumi, tulad nang panahong siya'y may regla. Pagdating(A) ng ikawalong araw, dapat nang tuliin ang sanggol. Tatlumpu't tatlong araw pa ang hihintayin ng ina bago siya ituring na malinis. Hindi siya dapat humawak ng anumang bagay na sagrado at hindi rin dapat pumasok sa santuwaryo hanggang hindi natatapos ang takdang panahon. Kung babae naman ang kanyang anak, labing-apat na araw siyang ituturing na marumi, gaya rin nang siya'y may regla. Animnapu't anim na araw pa siyang maghihintay bago siya ituring na malinis.

“Kung tapos na ang panahon ng kanyang paglilinis, siya'y maghahandog kay Yahweh, maging lalaki o babae man ang kanyang anak. Magdadala siya sa pari sa may pintuan ng Toldang Tipanan ng isang tupang isang taóng gulang bilang handog na susunugin, at isang kalapati o batu-bato bilang handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Ihahandog ito ng pari para sa nanganak, at ang babae'y ituturing na malinis. Ganito ang tuntuning dapat sundin ng isang nanganak.

“Kung(B) hindi niya kayang maghandog ng tupa, kukuha siya ng dalawang batu-bato o dalawang kalapati; ang isa'y handog na susunugin at ang isa nama'y handog para sa kapatawaran ng kasalanan. Matapos ihandog ng pari ang mga ito, ituturing nang malinis ang ina.”

Purification After Childbirth

12 The Lord said to Moses, “Say to the Israelites: ‘A woman who becomes pregnant and gives birth to a son will be ceremonially unclean for seven days, just as she is unclean during her monthly period.(A) On the eighth day(B) the boy is to be circumcised.(C) Then the woman must wait thirty-three days to be purified from her bleeding. She must not touch anything sacred or go to the sanctuary until the days of her purification are over. If she gives birth to a daughter, for two weeks the woman will be unclean, as during her period. Then she must wait sixty-six days to be purified from her bleeding.

“‘When the days of her purification for a son or daughter are over,(D) she is to bring to the priest at the entrance to the tent of meeting a year-old lamb(E) for a burnt offering and a young pigeon or a dove for a sin offering.[a](F) He shall offer them before the Lord to make atonement for her, and then she will be ceremonially clean from her flow of blood.

“‘These are the regulations for the woman who gives birth to a boy or a girl. But if she cannot afford a lamb, she is to bring two doves or two young pigeons,(G) one for a burnt offering and the other for a sin offering.(H) In this way the priest will make atonement for her, and she will be clean.(I)’”

Footnotes

  1. Leviticus 12:6 Or purification offering; also in verse 8