Kawikaan 14:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Ang marunong na babae ay pinatatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babae ay sinisira ang kanyang sariling tahanan.
2 Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.
3 Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya.
Kawikaan 14:26-27
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
26 Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.
27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay[a] at maglalayo sa iyo sa kamatayan.
Footnotes
- 14:27 magpapabuti … buhay: sa literal, bukal na nagbibigay-buhay.
Kawikaan 14:33
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
33 Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang[a] nalalamang kahit ano tungkol sa karunungan.
Footnotes
- 14:33 wala: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint at sa Syriac.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®