Add parallel Print Page Options

10 Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.

Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.

Hindi titiisin ng Panginoon na magutom ang kaluluwa ng matuwid: nguni't kaniyang itinatakuwil ang nasa ng masama.

Siya'y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni't yumayaman ang kamay ng masipag.

Siyang nagtitipon sa taginit ay pantas na anak: nguni't siyang natutulog sa pagaani ay anak na kahiyahiya.

Mga pagpapala ay nangasa ulo ng matuwid: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

Ang alaala sa ganap ay pinagpapala: nguni't ang pangalan ng masama ay mapaparam.

Ang pantas sa puso ay tatanggap ng mga utos: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.

Siyang lumalakad ng matuwid ay lumalakad na tiwasay: nguni't siyang sumisira ng kaniyang mga lakad ay makikilala.

10 Siyang kumikindat ng mata ay nagpapapanglaw: nguni't ang madaldal na musmos ay mabubuwal.

11 Ang bibig ng matuwid, ay bukal ng kabuhayan: nguni't tinatakpan ng karahasan ang bibig ng masama.

12 Ang pagtatanim ay humihila ng mga kaalitan: nguni't tinatakpan ng pagibig ang lahat ng pagsalangsang.

13 Nasusumpungan sa mga labi ng mabait ang karunungan: nguni't ang pamalo ay sa likod ng walang unawa.

14 Ang mga pantas ay nagiimbak ng kaalaman: nguni't ang bibig ng mangmang ay kasalukuyang ikapapahamak.

15 Ang kayamanan ng mayaman ay ang kaniyang matibay na bayan: ang kapahamakan ng dukha ay ang kanilang karalitaan.

16 Ang gawa ng matuwid ay patungo sa buhay; ang bunga ng dukha ay sa pagkakasala.

17 Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng saway: nguni't siyang nagpapabaya ng saway ay nagkakamali.

18 Siyang nagkukubli ng mga pagtatanim ay sa mga magdarayang labi; at siyang nagpaparatang ay mangmang.

19 Sa karamihan ng mga salita ay hindi nagkukulang ng pagsalangsang: nguni't siyang nagpipigil ng kaniyang mga labi ay gumagawang may kapantasan.

20 Ang dila ng matuwid ay parang piling pilak: ang puso ng masama ay kaunti ang halaga.

21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami: nguni't ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa.

22 Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.

23 Isang paglilibang sa mangmang ang paggawa ng kasamaan: at gayon ang karunungan sa taong naguunawa.

24 Ang takot ng masama ay darating sa kaniya: at ang nasa ng matuwid ay ipagkakaloob.

25 Pagka ang ipoipo ay dumadaan ay nawawala ang masama: nguni't ang matuwid ay walang hanggang patibayan.

26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at kung paano ang usok sa mata, gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kaniya.

27 Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapalaon ng mga kaarawan: nguni't ang mga taon ng masama ay mangangaunti.

28 Ang pagasa ng matuwid ay magiging kasayahan: nguni't ang pagasa ng masama ay mawawala.

29 Ang daan ng Panginoon ay katibayan sa matuwid; nguni't kapahamakan sa mga manggagawa ng kasamaan.

30 Ang matuwid ay hindi makikilos kailan man: nguni't ang masama ay hindi tatahan sa lupain.

31 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan: nguni't ang magdarayang dila ay ihihiwalay.

32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakalulugod: nguni't ang bibig ng masama ay nagsasalita ng karayaan.

Ang mga Pangaral ni Solomon

10 Mga kawikaan ni Solomon.

Ang matalinong anak ay nakapagpapaligaya sa ama,
    ngunit ang hangal na anak ay kalungkutan sa kanyang ina.
Ang mga kayamanan na mula sa kasamaan ay hindi mapapakinabangan,
    ngunit ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang matuwid,
    ngunit ang nasa ng masama ay kanyang pinapatid.
Ang mapagpabayang kamay ay dahilan ng kahirapan,
    ngunit ang kamay ng masipag ay nagpapayaman.
Isang pantas na anak siyang nagtitipon sa tag-araw,
    ngunit siyang natutulog sa tag-ani ay nagdadala ng kahihiyan.
Nasa ulo ng matuwid ang mga pagpapala,
    ngunit nagtatago ng karahasan ang bibig ng masama.
Ang alaala ng matuwid ay isang pagpapala,
    ngunit ang pangalan ng masama ay mapapariwara.
Ang pantas sa puso ay susunod sa mga kautusan,
    ngunit ang madaldal na hangal ay mabubuwal.
Siyang lumalakad sa katapatan ay lumalakad nang tiwasay,
    ngunit ang sumisira ng kanyang mga lakad ay matutuklasan.
10 Siyang kumikindat ng mata ay pinagmumulan ng kaguluhan,
    ngunit ang madaldal na hangal ay mabubuwal.
11 Ang bibig ng matuwid ay bukal ng buhay,
    ngunit ang bibig ng masama ay nagtatago ng karahasan.
12 Ang(A) pagkamuhi ay nagbubunsod ng alitan,
    ngunit tinatakpan ng pag-ibig ang lahat ng pagsuway.
13 Nasusumpungan sa mga labi ng may unawa ang karunungan,
    ngunit ang pamalo ay para sa likod ng walang kaunawaan.
14 Ang mga pantas ay nag-iimbak ng kaalaman,
    ngunit ang kadaldalan ng hangal ay naglalapit sa kapahamakan.
15 Ang kayamanan ng mayaman ang kanyang lunsod na matibay;
    ang kahirapan ng dukha ang kanilang kapahamakan.
16 Ang kabayaran ng matuwid ay patungo sa buhay;
    ang pakinabang ng masama ay tungo sa kasalanan.
17 Nasa daan ng buhay siyang nakikinig ng pangaral,
    ngunit siyang tumatanggi sa saway ay naliligaw.
18 Siyang nagkukubli ng pagkamuhi ay may labing mapanlinlang,
    at siyang naninirang-puri ay isang hangal.
19 Sa dami ng mga salita ay hindi mawawalan ng pagsalangsang,
    ngunit siyang nagpipigil ng kanyang mga labi ay may karunungan.
20 Ang dila ng matuwid ay piling pilak ang katulad,
    ang isipan ng masama ay maliit ang katumbas.
21 Ang mga labi ng matuwid ay nagpapakain ng marami,
    ngunit ang hangal ay namamatay sa kakulangan ng bait sa sarili.
22 Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman,
    at hindi niya ito dinaragdagan ng kapanglawan.
23 Isang libangan sa hangal ang paggawa ng kasamaan,
    ngunit ang matalinong asal, sa taong may unawa ay kasiyahan.
24 Ang kinatatakutan ng masama, sa kanya ay sasapit,
    ngunit ipagkakaloob ang nasa ng matuwid.
25 Pagdaan ng unos, ang masama'y napaparam,
    ngunit ang matuwid ay matatag magpakailanman.
26 Kung paano ang suka sa mga ngipin, at ang usok sa mga mata,
    gayon ang tamad sa mga nagsusugo sa kanya.
27 Ang takot sa Panginoon ay nagpapahaba ng buhay,
    ngunit ang mga taon ng masama ay maiikli lamang.
28 Ang pag-asa ng matuwid ay hahantong sa kaligayahan,
    ngunit ang inaasam ng masama ay mapaparam.
29 Ang daan ng Panginoon sa matuwid ay tanggulan,
    ngunit kapahamakan sa mga gumagawa ng kasamaan.
30 Ang matuwid ay hindi makikilos kailanman,
    ngunit ang masama, sa lupain ay hindi tatahan.
31 Ang bibig ng matuwid ay nagbibigay ng karunungan,
    ngunit ang mandarayang dila ay ihihiwalay.
32 Nalalaman ng mga labi ng matuwid ang nakakalugod,
    ngunit ang bibig ng masama, ang alam ay baluktot.