Kawikaan 10:1-2
Ang Dating Biblia (1905)
10 Mga kawikaan ni Salomon. Ang pantas na anak ay nakapagpapasaya sa ama: nguni't ang mangmang na anak ay pasan ng kaniyang ina.
2 Mga kayamanan ng kasamaan ay hindi napapakinabangan: nguni't ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Read full chapter
Mga Kawikaan 10:1-2
Ang Biblia, 2001
Ang mga Pangaral ni Solomon
10 Mga kawikaan ni Solomon.
Ang matalinong anak ay nakapagpapaligaya sa ama,
    ngunit ang hangal na anak ay kalungkutan sa kanyang ina.
2 Ang mga kayamanan na mula sa kasamaan ay hindi mapapakinabangan,
    ngunit ang katuwiran ay nagliligtas sa kamatayan.
Kawikaan 10:1-2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Kawikaan ni Solomon
10 Narito ang mga kawikaan ni Solomon:
Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.
2 Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
