Font Size
Karunungan ni Solomon 5:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Karunungan ni Solomon 5:15-17
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Taong Matuwid
15 Ngunit ang matuwid ay mabubuhay magpakailanman,
gagantimpalaan sila ng Panginoon,
iingatan sila ng Kataas-taasang Diyos.
16 Sila'y bibigyan ng maringal na karangalan
at puputungan ng maningning na korona.
Sila'y lulukuban ng kanang kamay niyang matuwid,
at ipagtatanggol ng kanyang malalakas na bisig.
17 Sasalakayin(A) niya ang kanyang mga kaaway hanggang sa malipol,
at gagamitin niyang sandata ang sangnilikha.