Add parallel Print Page Options

Ang Sasapitin ng Masasama

16 Ang matuwid at banal, kahit mamatay at sumakabilang-buhay,
siya'y magiging sumbat sa mga nabubuhay sa kasamaan.
Ang matandang namuhay ng di wasto, ay mapapahiya sa mga batang maagang nagtamo ng Karunungan.
17 Makikita ng mga masama ang pagkamatay ng mga matuwid,
ngunit hindi nila mauunawaan na ito ang paraan ng pagliligtas ng Panginoon.
18 Pagtatawanan nila ang pagkamatay ng banal,
ngunit sa huli'y sila ang pagtatawanan ng Panginoon.
Pagkamatay nila, bangkay nila ay hindi pararangalan,
at maging sa libinga'y kukutyain sila at kamumuhian ng mga patay magpakailanman.

Read full chapter