Add parallel Print Page Options

23 Sapagkat(A) ang tao'y hindi nilikha ng Diyos para mamatay,
kundi upang maging larawan niyang buháy.

Read full chapter

17 Nilikha(A) ng Panginoon ang tao mula sa alabok,
    at ito'y sa alabok din uuwi.
Binigyan niya ang tao ng maikling buhay,
    ngunit ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.
Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,
    at ginawa silang kawangis niya.
4-5 Niloob ng Panginoon na ang lahat ng may buhay ay matakot sa tao,
    at maghari ito sa mga hayop sa lupa at ibon sa himpapawid.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4-5 at maghari…himpapawid: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Binigyan sila ng Panginoon ng limang patnubay sa pag-unawa, at binigyan pa rin ng pang-anim: ang katalinuhan. Ang pampito ay pangangatuwiran, at sa pamamagitan nito, nabibigyan nila ng kahulugan ang nagdaraan sa pandamdam .