Karunungan ni Solomon 18:20-25
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Iniligtas ang mga Israelita
20 Ang(A) mga matuwid man ay nakaranas din ng kamatayan sa kanilang paglalakbay sa ilang,
ngunit hindi iyon nagtagal at tumigil.
21 Isang taong walang kasalanan ang nagligtas sa kanila noon.
Ginawa niya ang nararapat niyang gawin bilang pari.
Nanalangin siya at nagsunog ng insenso.
Nanindigan siya sa harap ng iyong poot.
Ipinakilala niyang siya ay iyong lingkod.
22 Nagtagumpay siya sa poot na iyon,[a]
hindi sa pamamagitan ng lakas
kundi sa pamamagitan ng panalangin,
at pagbanggit sa iyong mga pangako sa kanilang mga ninuno.
23 Nang nakabunton na ang mga patay, namagitan na siya,
at napigil niya ang galit ng Diyos,
at tumigil ang salot.
24 Sa mahaba niyang balabal ay nakalarawan ang buong daigdig.
Ang alaala ng kanilang mga ninuno ay nakaukit sa apat na hilera ng mamahaling bato,
at ang iyong karangalan ay nasa korona sa kanyang ulo.
25 Dahil sa mga ito, napahinuhod ang Anghel ng Kamatayan.[b]
At ang karanasang iyon ay sapat na upang matakot ang bayan mo.
Hindi na kailangang danasin nila ang buong bigat ng galit mo.