Judas
Ang Biblia (1978)
1 Si Judas, na (A)alipin ni Jesucristo, at kapatid ni (B)Santiago, sa mga (C)tinawag, na minamahal sa Dios Ama, at (D)iniingatang para kay Jesucristo:
2 Kaawaan at (E)kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa'y paramihin.
3 Mga minamahal, samantalang ako'y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo (F)tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong (G)makipaglabang masikap dahil (H)sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal.
4 Sapagka't may ilang taong (I)nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, (J)na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang (K)Guro at Panginoong si Jesucristo.
5 Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo, bagama't nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay, na nang mailigtas (L)ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay (M)nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya.
6 At (N)ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling (O)pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.
7 Gayon din ang (P)Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang (Q)laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata (R)ng parusang apoy na walang hanggan.
8 Gayon ma'y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman, at hinahamak ang mga paghahari, at nilalait ang mga puno.
9 Datapuwa't (S)ang arkanghel (T)Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo (U)tungkol sa katawan ni Moises, ay (V)hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, (W)Sawayin ka nawa ng Panginoon.
10 Datapuwa't (X)ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
11 Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni (Y)Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian (Z)ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang (AA)ni Core.
12 Ang mga ito'y pawang mga batong natatago (AB)sa inyong piging ng pagiibigan, kung sila'y nakikipagpiging sa inyo, mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili; (AC)mga alapaap na walang tubig, na (AD)tinatangay ng mga hangin; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga, na makalawang namatay, na binunot pati ugat;
13 Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man.
14 At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc, na (AE)ikapito sa bilang mula kay Adam, na nagsabi, Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga (AF)laksalaksang banal,
15 Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan, at sa lahat ng mga bagay na mabibigat (AG)na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama.
16 Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang (AH)kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), (AI)nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
17 Nguni't kayo, mga minamahal, (AJ)ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una'y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo;
18 Kung paanong sinabi sa inyo, (AK)Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita.
19 Ang mga ito (AL)ang nagsisigawa ng paghihiwalay, (AM)malalayaw, na (AN)walang taglay na Espiritu.
20 Nguni't kayo, mga minamahal, (AO)papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, (AP)na manalangin sa Espiritu Santo,
21 Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, (AQ)na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.
22 At (AR)ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan;
23 At ang (AS)iba'y inyong iligtas, (AT)na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati (AU)ng damit na nadungisan ng laman.
24 Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo'y (AV)makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.
25 Sa (AW)iisang Dios na (AX)ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978