Add parallel Print Page Options

27 Hindi nila naunawaan na siya ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Ama.

28 Sinabi ni Jesus, “Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na ako nga siya, at wala akong ginagawa mula sa aking sarili kundi sinasabi ko ang mga bagay ayon sa itinuro sa akin ng Ama.

29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya ako pinabayaang nag-iisa; sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kanya.”

Read full chapter

27 Hindi nila naintindihan na ang tinutukoy niya ay ang Ama. 28 Kaya sinabi ni Jesus, “Kapag itinaas ninyo ang Anak ng Tao, mauunawaan ninyo na ako siya, at wala akong ginagawang mula sa sarili ko, kundi, sinasabi ko ang mga bagay na ito na ayon sa itinuro sa akin ng Ama. 29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko. Hindi niya ako iniwang mag-isa, sapagkat lagi kong ginagawa ang bagay na nakalulugod sa kanya.”

Read full chapter

27 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.

28 Sinabi nga ni Jesus, (A)Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at (B)wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, (C)ayon sa itinuro sa akin ng Ama.

29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; (D)hindi niya ako binayaang nagiisa; (E)sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.

Read full chapter