Juan 8:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Kahit na nagpapatotoo ako para sa aking sarili, ang patotoo ko ay tunay, sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta, ngunit hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Humuhusga kayo nang naaayon sa laman, ako'y hindi humuhusga kanino man. 16 Ngunit kahit na humusga ako, ang paghuhusga ko ay totoo, sapagkat hindi lang ako mag-isang humuhusga, kundi ako at siya na nagsugo sa akin.
Read full chapter
Juan 8:14-16
Ang Salita ng Diyos
14 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Bagamat ako ang nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko naman ay totoo sapagkat alam ko kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. Hindi ninyo alam kung saan ako nanggaling at kung saan ako pupunta. 15 Humahatol kayo ayon sa pamantayan ng tao. Wala akong hinahatulang sinuman. 16 Ngayong humahatol ako, ang aking hatol ay totoo dahil ako ay hindi nag-iisa. Kasama ko ang aking Ama na nagsugo sa akin.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1998 by Bibles International
