Juan 7:30-32
Ang Biblia, 2001
30 Kaya't sinikap nilang siya'y hulihin, subalit walang taong sumunggab sa kanya, sapagkat hindi pa dumating ang kanyang oras.
31 Gayunma'y marami sa mga tao ang sumampalataya sa kanya at kanilang sinabi, “Pagdating ng Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa mga ginawa ng taong ito?”
Nagpadala ng mga Kawal upang Dakpin si Jesus
32 Narinig ng mga Fariseo ang bulung-bulungan ng mga tao tungkol kay Jesus.[a] Nagsugo ang mga punong pari at ang mga Fariseo ng mga kawal upang siya'y hulihin.
Read full chapterFootnotes
- Juan 7:32 Sa Griyego ay sa kanya .
Juan 7:30-32
Ang Dating Biblia (1905)
30 Pinagsisikapan nga nilang siya'y hulihin: at walang taong sumunggab sa kaniya, sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.
31 Datapuwa't sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya sa kaniya; at kanilang sinasabi, Pagparito ng Cristo, ay gagawa pa baga siya ng lalong maraming tanda kay sa mga ginawa ng taong ito?
32 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulongbulungan ng karamihan tungkol sa kaniya; at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang siya'y hulihin.
Read full chapter