Juan 3:31-33
Ang Biblia, 2001
Siya na Mula sa Langit
31 Ang nanggagaling sa itaas ay mataas sa lahat, ang galing sa lupa ay taga-lupa nga, at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa; ang nanggagaling sa langit ay mataas sa lahat.
32 Nagpapatotoo siya ng kanyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap ng kanyang patotoo.
33 Ang tumatanggap ng kanyang patotoo ay nagpapatunay[a] dito na ang Diyos ay totoo.
Read full chapterFootnotes
- Juan 3:33 Sa Griyego ay naglalagay ng tatak .
Juan 3:31-33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Nagmula sa Langit
31 Siya na nanggaling sa itaas ang pinakamataas; siya na mula sa lupa ay kabilang sa lupa, at nagsasalita nang ayon sa lupa; siya na mula sa langit ang pinakamataas. 32 Nagpapatotoo siya sa kanyang nakita at narinig, ngunit walang tumatanggap ng kanyang patotoo. 33 Ang tumatanggap ng kanyang patotoo ay nagpapatunay na ang Diyos ay totoo.
Read full chapter
Juan 3:31-33
Ang Dating Biblia (1905)
31 Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.
32 At kaniyang nakita at narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo.
33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang Dios ay totoo.
Read full chapter
Juan 3:31-33
Ang Biblia (1978)
31 (A)Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: (B)ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.
32 At kaniyang (C)nakita at (D)narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at (E)walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo.
33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang (F)Dios ay totoo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
