Add parallel Print Page Options

19 Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas.

At ang mga kawal ay nangagkamakama ng isang putong na tinik, at ipinutong sa kaniyang ulo, at siya'y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube;

At sila'y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! at siya'y kanilang pinagsuntukanan.

At si Pilato ay lumabas na muli, at sa kanila'y sinabi, Narito, siya'y inilabas ko sa inyo, upang inyong matalastas na wala akong masumpungang anomang kasalanan sa kaniya.

Lumabas nga si Jesus, na may putong na tinik at balabal na kulay-ube. Sa kanila'y sinabi ni Pilato, Narito, ang tao!

Pagkakita nga sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga punong kawal, ay sila'y nangagsigawan, na sinasabi, Ipako siya sa krus, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Kunin ninyo siya, at ipako ninyo siya sa krus: sapagka't ako'y walang masumpungang kasalanan sa kaniya.

Nagsisagot sa kaniya ang mga Judio, Kami'y mayroong isang kautusan, at ayon sa kautusang yaon ay nararapat siyang mamatay, sapagka't siya'y nagpapanggap na Anak ng Dios.

Pagkarinig nga ni Pilato ng salitang ito, ay lalong sinidlan siya ng takot;

At siya'y muling pumasok sa Pretorio, at sinabi kay Jesus, Taga saan ka? Nguni't hindi siya sinagot ni Jesus.

10 Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Sa akin ay hindi ka nagsasalita? Hindi mo baga nalalaman na ako'y may kapangyarihang sa iyo'y magpawala, at may kapangyarihang sa iyo'y magpako sa krus?

11 Sumagot si Jesus sa kaniya, Anomang kapangyarihan ay hindi ka magkakaroon laban sa akin malibang ito'y ibinigay sa iyo mula sa itaas: kaya't ang nagdala sa iyo sa akin ay may lalong malaking kasalanan.

12 Dahil dito'y pinagsisikapan ni Pilato na siya'y pawalan: nguni't ang mga Judio ay nagsisigawan, na nangagsasabi, Kung pawalan mo ang taong ito, ay hindi ka kaibigan ni Cesar: ang bawa't isang nagpapanggap na hari ay nagsasalita ng laban kay Cesar.

13 Nang marinig nga ni Pilato ang mga salitang ito, ay inilabas niya si Jesus, at siya'y naupo sa hukuman sa dakong tinatawag na Pavimento, datapuwa't sa Hebreo ay Gabbatha.

14 Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!

15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.

16 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.

17 Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:

18 Na doo'y ipinako nila siya sa krus, at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawa't tagiliran, at si Jesus sa gitna.

19 At sumulat din naman si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.

20 Marami nga sa mga Judio ang nakabasa ng pamagat na ito, sapagka't ang dakong pinagpakuan kay Jesus ay malapit sa bayan; at ito'y nasusulat sa Hebreo, at sa Latin, at sa Griego.

21 Sinabi nga kay Pilato ng mga pangulong saserdote ng mga Judio, Huwag mong isulat, Ang Hari ng mga Judio; kundi, ang kanyang sinabi, Hari ako ng mga Judio.

22 Sumagot si Pilato, Ang naisulat ko ay naisulat ko.

23 Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.

24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.

25 Ang mga bagay ngang ito ay ginawa ng mga kawal. Datapuwa't nangakatayo sa piling ng krus ni Jesus ang kaniyang ina, at ang kapatid ng kaniyang ina, na si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena.

26 Pagkakita nga ni Jesus sa kanyang ina, at sa nakatayong alagad na kaniyang iniibig, ay sinabi niya sa kaniyang ina, Babae, narito, ang iyong anak!

27 Nang magkagayo'y sinabi niya sa alagad, Narito, ang iyong ina! At buhat nang oras na yaon ay tinanggap siya ng alagad sa kaniyang sariling tahanan.

28 Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako.

29 Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig.

30 Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.

31 Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.

32 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:

33 Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:

34 Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig.

35 At ang nakakita ay nagpatotoo, at ang kaniyang patotoo ay totoo: at nalalaman niyang siya'y nagsasabi ng totoo, upang kayo naman ay magsisampalataya.

36 Sapagka't ang mga bagay na ito ay nangyari, upang matupad ang kasulatan, Ni isa mang buto niya'y hindi mababali.

37 At sinabi naman sa ibang kasulatan, Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan.

38 At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay.

39 At naparoon naman si Nicodemo, yaong naparoon nang una sa kaniya nang gabi, na may dalang isang pinaghalong mirra at mga aloe, na may mga isang daang libra.

40 Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing.

41 Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman.

42 Doon nga, dahil sa Paghahanda ng mga Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus.

Ang Paglibak ng mga Kawal kay Jesus

19 Pagkatapos ay ipinakuha niya si Jesus at ipinahagupit. Gumawa ng koronang tinik ang mga kawal at inilagay ito sa kanyang ulo, at isinuot sa kanya ang isang balabal na kulay ube. Lumapit sila sa kanya at nagsabing, “Mabuhay ang hari ng mga Judio!” at siya'y kanilang pinagsasampal. Muling lumabas si Pilato at sinabi sa kanila, “Tingnan ninyo, ilalabas ko siya sa inyo upang malaman ninyo na wala akong nakitang anumang dahilan laban sa kanya.” Kaya lumabas si Jesus, suot ang koronang tinik at kulay ubeng balabal. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Masdan ninyo ang taong ito!” Nang makita siya ng mga punong pari at ng mga kawal, sumigaw sila, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya at kayo ang magpako sa kanya; wala akong nakitang anuman laban sa kanya.” Sumagot ang mga Judio sa kanya, “Mayroon kaming batas, at ayon sa batas na iyon kailangan siyang mamatay sapagkat inaangkin niyang siya ay Anak ng Diyos.” Nang marinig ito ni Pilato, lalo siyang natakot. Pumasok muli siya ng punong-himpilan at tinanong si Jesus, “Tagasaan ka ba?” Ngunit hindi sumagot si Jesus. 10 Kaya sinabi sa kanya ni Pilato, “Ayaw mo ba akong kausapin? Hindi mo ba alam na ako'y may kapangyarihang palayain ka at ipapako sa krus?” 11 (A)Sumagot si Jesus, “Hindi ako saklaw ng iyong kapangyarihan malibang ibigay ito sa iyo mula sa itaas. Dahil dito, mas mabigat ang kasalanan ng nagdala sa akin sa iyo.” 12 Mula noon, humanap ng paraan si Pilato na palayain siya, ngunit nagsisigaw ang mga Judio, “Kung palalayain mo ang taong ito, hindi ka kakampi ng Emperador.[a] Sinumang nag-aangking siya'y hari ay kumakalaban sa Emperador.” 13 Nang marinig ito ni Pilato, dinala niya si Jesus sa labas at naupo siya sa upuan ng hukom, sa lugar na tinatawag na Platapormang Bato, na sa Hebreo ay Gabbatha. 14 Araw noon ng Paghahanda para sa Paskuwa, at magtatanghaling tapat na. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Masdan ninyo ang inyong hari!” 15 Kaya sumigaw sila, “Alisin! Alisin ang taong iyan! Ipako siya sa krus!” Tinanong sila ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador.” 16 Kaya ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.

Ang Pagpako kay Jesus sa Krus

Kinuha nga nila si Jesus. 17 Habang pasan ni Jesus ang krus, lumabas siya tungo sa Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgotha. 18 Ipinako nila roon si Jesus, kasama ang dalawa pa, ang isa ay nasa kanan niya, at ang isa ay sa kaliwa. 19 Sumulat si Pilato ng ganitong pahayag at inilagay sa krus: “Si Jesus na taga-Nazareth, ang Hari ng mga Judio.” 20 Nakasulat ito sa wikang Hebreo, Latin at Griyego. Maraming Judio ang nakabasa sa pahayag na ito sapagkat malapit sa lungsod ang lugar na pinagpakuan kay Jesus. 21 Kaya sinabi ng mga punong pari kay Pilato, “Huwag mong isulat, ‘Ang Hari ng mga Judio,’ kundi, ‘Sinabi ng taong ito, “Ako ang Hari ng mga Judio.” ’ ” 22 Sumagot si Pilato, “Ang naisulat ko ay naisulat ko na.” 23 Pagkatapos ipako ng mga kawal si Jesus, kinuha nila ang damit niya at hinati ito sa apat na bahagi, isa para sa bawat kawal. Kinuha rin nila ang kanyang damit-panloob; wala itong tahi at hinabi nang buo mula sa itaas. 24 (B)Kaya sinabi nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin; magpalabunutan na lang tayo kung kanino ito mapupunta.” Naganap ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan,

“Pinaghati-hatian nila ang aking kasuotan, at para sa aking damit sila'y nagpalabunutan.”

Gayon nga ang ginawa ng mga kawal. 25 Samantala, nakatayong malapit sa krus ni Jesus ang kanyang ina, ang kapatid nitong si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria Magdalena. 26 Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang alagad na kanyang minamahal na nakatayo sa tabi nito, sinabi niya sa kanyang ina, “Ginang, narito ang iyong anak.” 27 At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina.” At mula noon, kinupkop na ng alagad si Maria sa kanyang tahanan.

Ang Pagkamatay ni Jesus

28 (C)Pagkatapos nito, nang malaman ni Jesus na ang lahat ay naganap na, sinabi niya, upang matupad ang Kasulatan, “Nauuhaw ako.” 29 Isang sisidlang puno ng maasim na alak ang naroon. Kaya isinawsaw nila sa maasim na alak ang isang espongha at inilagay ito sa sanga ng isopo at inilapit sa bibig ni Jesus. 30 Matapos tanggapin ni Jesus ang alak, sinabi niya, “Naganap na.” Pagkatapos, yumuko siya at isinuko ang kanyang espiritu.

Ang Pagtusok sa Tagiliran ni Jesus

31 Dahil araw noon ng Paghahanda, ayaw ng mga Judio na manatili ang mga bangkay sa krus sa araw ng Sabbath, lalo na't ang Sabbath na iyon ay dakila. Kaya hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nakapako sa krus at alisin ang mga bangkay. 32 Kaya dumating ang mga kawal at binali ang mga binti ng una at ng isa pang lalaki na kasama ni Jesus na ipinako. 33 Subalit nang dumating sila kay Jesus at nakitang siya ay patay na, hindi na nila binali ang kanyang mga binti. 34 Tinusok na lang ng sibat ang kanyang tagiliran ng isang kawal, at kaagad na lumabas ang dugo at tubig. 35 (Siya na nakakita nito ay nagpapatotoo upang kayo ay maniwala. Ang kanyang pagpapatunay ay totoo, at alam niya na totoo ang kanyang sinasabi.) 36 (D)Nangyari ang mga ito upang maganap ang Kasulatan, “Wala ni isa man sa kanyang mga buto ang babaliin.” 37 (E)At muli, sinasabi rin ng isa pang bahagi ng Kasulatan, “Pagmamasdan nila ang tinusok nila ng sibat.”

Ang Paglilibing kay Jesus

38 Pagkatapos ng mga ito, hiniling ni Jose na taga-Arimatea na payagan siyang kunin ang katawan ni Jesus. Siya ay isang lihim na alagad ni Jesus dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio. Pumayag si Pilato, kaya pumunta si Jose at tinanggal ang katawan ni Jesus sa krus. 39 (F)Dumating din si Nicodemo, na nagpunta noon kay Jesus isang gabi. May dala siyang mga pabango, na pinaghalong mira at mga aloe na may isang daang libra ang timbang. 40 Kinuha nila ang katawan ni Jesus at binalot ito ng mga telang may pabango ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing. 41 May halamanan sa lugar na pinagpakuan kay Jesus. Doon ay may isang libingang kailanman ay hindi pa nagagamit. 42 Dahil ang libingan ay di-kalayuan, at noon ay araw ng Paghahanda ng mga Judio, doon nila inilibing si Jesus.

Footnotes

  1. Juan 19:12 Emperador, Sa Griyego, Cesar.

The Soldiers Mock Jesus(A)

19 So then (B)Pilate took Jesus and scourged Him. And the soldiers twisted a crown of thorns and put it on His head, and they put on Him a purple robe. [a]Then they said, “Hail, King of the Jews!” And they (C)struck Him with their hands.

Pilate then went out again, and said to them, “Behold, I am bringing Him out to you, (D)that you may know that I find no fault in Him.”

Pilate’s Decision

Then Jesus came out, wearing the crown of thorns and the purple robe. And Pilate said to them, “Behold the Man!”

(E)Therefore, when the chief priests and officers saw Him, they cried out, saying, “Crucify Him, crucify Him!

Pilate said to them, “You take Him and crucify Him, for I find no fault in Him.”

The Jews answered him, (F)“We have a law, and according to [b]our law He ought to die, because (G)He made Himself the Son of God.”

Therefore, when Pilate heard that saying, he was the more afraid, and went again into the Praetorium, and said to Jesus, “Where are You from?” (H)But Jesus gave him no answer.

10 Then Pilate said to Him, “Are You not speaking to me? Do You not know that I have [c]power to crucify You, and power to release You?”

11 Jesus answered, (I)“You could have no power at all against Me unless it had been given you from above. Therefore (J)the one who delivered Me to you has the greater sin.”

12 From then on Pilate sought to release Him, but the Jews cried out, saying, “If you let this Man go, you are not Caesar’s friend. (K)Whoever makes himself a king speaks against Caesar.”

13 (L)When Pilate therefore heard that saying, he brought Jesus out and sat down in the judgment seat in a place that is called The Pavement, but in Hebrew, Gabbatha. 14 Now (M)it was the Preparation Day of the Passover, and about the sixth hour. And he said to the Jews, “Behold your King!”

15 But they cried out, “Away with Him, away with Him! Crucify Him!”

Pilate said to them, “Shall I crucify your King?”

The chief priests answered, (N)“We have no king but Caesar!”

16 (O)Then he delivered Him to them to be crucified. Then they took Jesus [d]and led Him away.

The King on a Cross(P)

17 (Q)And He, bearing His cross, (R)went out to a place called the Place of a Skull, which is called in Hebrew, Golgotha, 18 where they crucified Him, and (S)two others with Him, one on either side, and Jesus in the center. 19 (T)Now Pilate wrote a title and put it on the cross. And the writing was:

JESUS OF NAZARETH, THE KING OF THE JEWS.

20 Then many of the Jews read this title, for the place where Jesus was crucified was near the city; and it was written in Hebrew, Greek, and Latin.

21 Therefore the chief priests of the Jews said to Pilate, “Do not write, ‘The King of the Jews,’ but, ‘He said, “I am the King of the Jews.” ’ ”

22 Pilate answered, “What I have written, I have written.”

23 (U)Then the soldiers, when they had crucified Jesus, took His garments and made four parts, to each soldier a part, and also the tunic. Now the tunic was without seam, woven from the top in one piece. 24 They said therefore among themselves, “Let us not tear it, but cast lots for it, whose it shall be,” that the Scripture might be fulfilled which says:

(V)“They divided My garments among them,
And for My clothing they cast lots.”

Therefore the soldiers did these things.

Behold Your Mother

25 (W)Now there stood by the cross of Jesus His mother, and His mother’s sister, Mary the wife of (X)Clopas, and Mary Magdalene. 26 When Jesus therefore saw His mother, and (Y)the disciple whom He loved standing by, He said to His mother, (Z)“Woman, behold your son!” 27 Then He said to the disciple, “Behold your mother!” And from that hour that disciple took her (AA)to his own home.

It Is Finished

28 After this, Jesus, [e]knowing that all things were now accomplished, (AB)that the Scripture might be fulfilled, said, “I thirst!” 29 Now a vessel full of sour wine was sitting there; and (AC)they filled a sponge with sour wine, put it on hyssop, and put it to His mouth. 30 So when Jesus had received the sour wine, He said, (AD)“It is finished!” And bowing His head, He gave up His spirit.

Jesus’ Side Is Pierced

31 (AE)Therefore, because it was the Preparation Day, (AF)that the bodies should not remain on the cross on the Sabbath (for that Sabbath was a (AG)high day), the Jews asked Pilate that their legs might be broken, and that they might be taken away. 32 Then the soldiers came and broke the legs of the first and of the other who was crucified with Him. 33 But when they came to Jesus and saw that He was already dead, they did not break His legs. 34 But one of the soldiers pierced His side with a spear, and immediately (AH)blood and water came out. 35 And he who has seen has testified, and his testimony is (AI)true; and he knows that he is telling the truth, so that you may (AJ)believe. 36 For these things were done that the Scripture should be fulfilled, (AK)“Not one of His bones shall be broken.” 37 And again another Scripture says, (AL)“They shall look on Him whom they pierced.”

Jesus Buried in Joseph’s Tomb(AM)

38 (AN)After this, Joseph of Arimathea, being a disciple of Jesus, but secretly, (AO)for fear of the Jews, asked Pilate that he might take away the body of Jesus; and Pilate gave him permission. So he came and took the body of Jesus. 39 And (AP)Nicodemus, who at first came to Jesus by night, also came, bringing a mixture of (AQ)myrrh and aloes, about a hundred pounds. 40 Then they took the body of Jesus, and (AR)bound it in strips of linen with the spices, as the custom of the Jews is to bury. 41 Now in the place where He was crucified there was a garden, and in the garden a new tomb in which no one had yet been laid. 42 So (AS)there they laid Jesus, (AT)because of the Jews’ Preparation Day, for the tomb was nearby.

Footnotes

  1. John 19:3 NU And they came up to Him and said
  2. John 19:7 NU the law
  3. John 19:10 authority
  4. John 19:16 NU omits and led Him away
  5. John 19:28 M seeing

Jesus Flogged and Mocked

19 Then Pilate took Jesus and had him flogged. The soldiers also twisted together a crown(A) of thorns, put it on his head, and clothed him in a purple robe. And they kept coming up to him(B) and saying, “Hail, king of the Jews!” and were slapping his face.

Pilate went outside again and said to them, “Look, I’m bringing him out to you to let you know I find no grounds(C) for charging him.” Then Jesus came out wearing the crown of thorns and the purple robe.(D) Pilate said to them, “Here is the man!” (E)

Pilate Sentences Jesus to Death

When the chief priests and the temple servants[a] saw him, they shouted, “Crucify! Crucify!”

Pilate responded, “Take him and crucify him yourselves, since I find no grounds for charging him.”

“We have a law,” the Jews replied to him, “and according to that law he ought to die,(F) because he made himself the Son of God.”(G)

When Pilate heard this statement, he was more afraid than ever. He went back into the headquarters(H) and asked Jesus, “Where are you from?” But Jesus did not give him an answer.(I) 10 So Pilate said to him, “Do you refuse to speak to me? Don’t you know that I have the authority to release you and the authority to crucify you?”

11 “You would have no authority over me at all,” Jesus answered him, “if it hadn’t been given you from above. This is why the one who handed me over to you has the greater sin.”(J)

12 From that moment Pilate kept trying[b] to release him. But the Jews shouted, “If you release this man, you are not Caesar’s friend. Anyone who makes himself a king opposes Caesar!”

13 When Pilate heard these words, he brought Jesus outside. He sat down on the judge’s seat in a place called the Stone Pavement (but in Aramaic,[c] Gabbatha). 14 It was the preparation day for the Passover, and it was about noon.[d] Then he told the Jews, “Here is your king!”

15 They shouted, “Take him away! Take him away! Crucify him!”

Pilate said to them, “Should I crucify your king?”

“We have no king but Caesar!” the chief priests answered.

16 Then he handed him over to be crucified.

The Crucifixion

Then they took Jesus away.[e] 17 Carrying(K) the cross by himself,(L) he went out to what is called Place of the Skull, which in Aramaic is called Golgotha. 18 There they crucified him and two others with him, one on either side, with Jesus in the middle. 19 Pilate also had a sign made and put on the cross. It said: Jesus of Nazareth, the King of the Jews. 20 Many of the Jews read this sign, because the place where Jesus was crucified was near the city,(M) and it was written in Aramaic, Latin, and Greek. 21 So the chief priests of the Jews said to Pilate, “Don’t write, ‘The king of the Jews,’(N) but that he said, ‘I am the king of the Jews.’”

22 Pilate replied, “What I have written, I have written.”

23 When the soldiers crucified Jesus, they took his clothes and divided them into four parts, a part for each soldier. They also took the tunic, which was seamless, woven in one piece from the top. 24 So they said to one another, “Let’s not tear it, but cast lots for it, to see who gets it.” This happened that the Scripture(O) might be fulfilled(P) that says: They divided my clothes among themselves, and they cast lots for my clothing.[f](Q) This is what the soldiers did.

Jesus’s Provision for His Mother

25 Standing(R) by the cross(S) of Jesus were his mother,(T) his mother’s sister, Mary the wife of Clopas, and Mary Magdalene.(U) 26 When Jesus saw his mother and the disciple he loved(V) standing there, he said to his mother, “Woman, here is your son.” 27 Then he said to the disciple, “Here is your mother.” And from that hour the disciple took her into his home.

The Finished Work of Jesus

28 After(W) this, when Jesus knew that everything was now finished(X) that the Scripture might be fulfilled, he said, “I’m thirsty.”(Y) 29 A jar full of sour wine was sitting there; so they fixed a sponge full of sour wine on a hyssop branch(Z) and held it up to his mouth.

30 When Jesus had received the sour wine, he said, “It is finished.”(AA) Then bowing his head, he gave up his spirit.(AB)

Jesus’s Side Pierced

31 Since it was the preparation day,(AC) the Jews did not want the bodies(AD) to remain on the cross(AE) on the Sabbath(AF) (for that Sabbath was a special[g] day). They requested that Pilate have the men’s legs broken and that their bodies be taken away.(AG) 32 So the soldiers came and broke the legs of the first man and of the other one who had been crucified with him. 33 When they came to Jesus, they did not break his legs since they saw that he was already dead.(AH) 34 But one of the soldiers pierced(AI) his side(AJ) with a spear, and at once blood and water(AK) came out. 35 He who saw this has testified(AL) so that you also may believe. His testimony is true, and he knows he is telling the truth.(AM) 36 For these things happened so that the Scripture would be fulfilled:(AN) Not one of his bones will be broken.[h](AO) 37 Also, another Scripture says: They will look at the one they pierced.[i](AP)

Jesus’s Burial

38 After(AQ) this, Joseph of Arimathea, who was a disciple of Jesus—but secretly because of his fear of the Jews—asked Pilate that he might remove Jesus’s body.(AR) Pilate gave him permission; so he came and took his body away. 39 Nicodemus(AS) (who had previously come to him at night) also came, bringing a mixture of about seventy-five pounds[j] of myrrh and aloes. 40 They took Jesus’s body(AT) and wrapped it in linen cloths(AU) with the fragrant spices, according to the burial(AV) custom of the Jews. 41 There was a garden in the place where he was crucified. A new tomb was in the garden; no one had yet been placed in it. 42 They placed Jesus there because of the Jewish day of preparation and since the tomb was nearby.

Footnotes

  1. 19:6 Or temple police, or officers
  2. 19:12 Lit Pilate was trying
  3. 19:13 Or Hebrew, also in vv. 17,20
  4. 19:14 Lit about the sixth hour
  5. 19:16 Other mss add and led him out
  6. 19:24 Ps 22:18
  7. 19:31 Lit great
  8. 19:36 Ex 12:46; Nm 9:12; Ps 34:20
  9. 19:37 Zch 12:10
  10. 19:39 Lit a hundred litrai; a Roman litrai = 12 ounces