Juan 19:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Sila ay sumigaw: Alisin siya! Alisin siya! Ipako siya sa krus!
Sinabi ni Pilato sa kanila: Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?
Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: Wala kaming hari maliban kay Cesar.
16 Kaya nga, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.
Ipinako Nila sa Krus si Jesus
Kinuha nila si Jesus at siya ay inilayo.
17 Lumabas siya habang pasanniya ang kaniyang krus. Pumunta siya sa dakong tinatawag na Pook ng Bungo. Ito ay tinatawag sa wikang Hebreo na Golgotha.
Read full chapter
Juan 19:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Kaya sumigaw sila, “Alisin! Alisin ang taong iyan! Ipako siya sa krus!” Tinanong sila ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador.” 16 Kaya ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.
Ang Pagpako kay Jesus sa Krus
Kinuha nga nila si Jesus. 17 Habang pasan ni Jesus ang krus, lumabas siya tungo sa Lugar ng Bungo, na sa Hebreo ay tinatawag na Golgotha.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
