Add parallel Print Page Options

14 Araw noon ng Paghahanda para sa Paskuwa, at magtatanghaling tapat na. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Masdan ninyo ang inyong hari!” 15 Kaya sumigaw sila, “Alisin! Alisin ang taong iyan! Ipako siya sa krus!” Tinanong sila ni Pilato, “Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Sumagot ang mga punong pari, “Wala kaming hari kundi ang Emperador.” 16 Kaya ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.

Ang Pagpako kay Jesus sa Krus

Kinuha nga nila si Jesus.

Read full chapter

14 Noon ay paghahanda ng Paglagpas.

Nang mag-iikaanim na ang oras, sinabi ni Pilato sa mga Judio: Tingnan ninyo ang inyong hari.

15 Sila ay sumigaw: Alisin siya! Alisin siya! Ipako siya sa krus!

Sinabi ni Pilato sa kanila: Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?

Ang mga pinunong-saserdote ay sumagot: Wala kaming hari maliban kay Cesar.

16 Kaya nga, ibinigay ni Pilato si Jesus sa kanila upang ipako sa krus.

Ipinako Nila sa Krus si Jesus

Kinuha nila si Jesus at siya ay inilayo.

Read full chapter

14 Noon nga'y Paghahanda ng paskua: at noo'y magiikaanim ng oras. At sinabi niya sa mga Judio, Narito, ang inyong Hari!

15 Sila nga'y nagsigawan, Alisin siya, alisin siya, ipako siya sa krus! Sinabi sa kanila ni Pilato, Ipapako ko baga sa krus ang inyong Hari? Nagsisagot ang mga pangulong saserdote, Wala kaming hari kundi si Cesar.

16 Nang magkagayon nga'y ibinigay siya sa kanila upang maipako sa krus.

Read full chapter

14 It was the day of Preparation(A) of the Passover; it was about noon.(B)

“Here is your king,”(C) Pilate said to the Jews.

15 But they shouted, “Take him away! Take him away! Crucify him!”

“Shall I crucify your king?” Pilate asked.

“We have no king but Caesar,” the chief priests answered.

16 Finally Pilate handed him over to them to be crucified.(D)

The Crucifixion of Jesus(E)

So the soldiers took charge of Jesus.

Read full chapter