Add parallel Print Page Options

26 Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.

27 Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.

28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.

Read full chapter

26 Subalit ang Kaagapay, ang Banal na Espiritu na isusugo ng Ama sa pangalan ko ay magtuturo sa inyo ng lahat, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi tulad ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag ninyong hayaang mabagabag ang inyong kalooban o kaya'y matakot. 28 Narinig ninyo na sinabi ko sa inyo, ‘Aalis ako, at darating ako sa inyo.’ Kung minamahal ninyo ako, magagalak kayo na pupunta ako sa Ama, sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.

Read full chapter

26 Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo.

27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.

28 Narinig ninyong sinabi ko sa inyo, ‘Ako ay aalis, at babalik ako sa inyo. Kung ako'y inyong minamahal, kayo'y magagalak sapagkat ako'y pupunta sa Ama; sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.’

Read full chapter

26 Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong puso ni mangamba.

28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo: Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin.

Read full chapter