Add parallel Print Page Options

42 At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.

Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas”[a] (na ang katumbas ay Pedro[b]).

Ang Pagkatawag kina Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, minabuti ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nakita niya roon si Felipe at sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” 44 Si Felipe ay taga-Bethsaida, tulad nina Andres at Pedro.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:42 CEFAS: Sa wikang Aramaico, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.
  2. Juan 1:42 PEDRO: Sa wikang Griego, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.

42 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, (A)Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang (B)Cefas (na kung liliwanagin, ay (C)Pedro).

43 Nang kinabukasan ay pinasiyahan niyang pumaroon sa Galilea, at kaniyang nasumpungan si Felipe: at sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Sumunod ka sa akin.

44 Si (D)Felipe nga ay taga Betsaida, sa bayan ni Andres at ni Pedro.

Read full chapter

42 Kanyang dinala si Simon kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus at sinabi, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Tatawagin kang Cefas”—(na kung isasalin ang kahulugan ay Pedro.)

Tinawagan ni Jesus sina Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan ay ipinasiya ni Jesus na pumunta sa Galilea. Kanyang nakita si Felipe, at sa kanya'y sinabi ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.”

44 Si Felipe nga ay taga-Bethsaida, sa lunsod nina Andres at Pedro.

Read full chapter