Josue 5:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Hindi(A) na muling umulan pa ng manna nang makakain na sila ng mga inani nila sa lupain ng Canaan. Kaya't mula nang taóng iyon, pagkaing inaani na sa Canaan ang kanilang kinakain.
Si Josue at ang Pinuno ng Hukbo ni Yahweh
13 Minsa'y napadako si Josue malapit sa Jerico, nang biglang nagpakita sa kanya ang isang lalaking may hawak na tabak. Nilapitan ito ni Josue at tinanong, “Ikaw ba'y isang kakampi, o isang kaaway?”
14 “Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ni Yahweh.”
Nagpatirapa si Josue at sumamba. Sinabi niya, “Ano po ang ipinag-uutos ni Yahweh sa kanyang alipin?”
Read full chapter
Josue 5:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At ang (A)mana ay naglikat nang kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng imbak na trigo ng lupain; at hindi naman nagkaroon pa ng mana ang mga anak ni Israel; kundi sila'y kumain ng bunga ng lupain ng Canaan ng taong yaon.
Ang pangitain ni Josue.
13 At nangyari, nang si Josue ay malapit sa Jerico, na kaniyang itiningin ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, nakatayo ang (B)isang lalake sa tapat niya na may kaniyang (C)tabak sa kaniyang kamay na bunot: at si Josue ay naparoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba'y sa amin, o sa aming mga kaaway?
14 At kaniyang sinabi, Hindi; kundi ako'y naparito ng parang (D)prinsipe ng hukbo ng Panginoon. At si Josue ay (E)nagpatirapa sa lupa at sumamba, at nagsabi sa kaniya, Anong sabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?
Read full chapter
Josue 5:12-14
Ang Biblia, 2001
12 At(A) ang manna ay huminto kinabukasan, pagkatapos na sila'y makakain ng bunga ng lupain; at hindi na nagkaroon pa ng manna ang mga anak ni Israel kundi kanilang kinain ang bunga ng lupain ng Canaan ng taong iyon.
Si Josue at ang Lalaking may Tabak
13 Nang si Josue ay nasa may Jerico, kanyang itinaas ang kanyang paningin at nakita niyang nakatayo ang isang lalaki sa tapat niya na may tabak sa kanyang kamay. Lumapit sa kanya si Josue at sinabi sa kanya, “Ikaw ba'y sa panig namin o sa aming mga kaaway?”
14 At kanyang sinabi, “Hindi; ako'y naparito bilang pinuno ng hukbo ng Panginoon.” At si Josue ay sumubsob sa lupa at sumamba, at sinabi sa kanya, “Anong ipinag-uutos ng aking panginoon sa kanyang lingkod?”
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
