Add parallel Print Page Options

Isinugo(A) ko si Moises at si Aaron, at sa pamamagitan ng mga salot ay pinahirapan ko ang mga Egipcio. Pagkatapos ay inilabas ko kayo roon. Inilabas(B) ko sa Egipto ang inyong mga ninuno at nakarating sila sa Dagat na Pula.[a] Hinabol sila ng mga Egipciong sakay ng mga karwahe at kabayo hanggang sa may dagat. Ang inyong mga ninuno'y humingi ng tulong sa akin, at naglagay ako ng dilim sa pagitan nila at ng mga Egipcio. Pinagsama kong muli ang nahating dagat at sila'y natabunan ng tubig. Nasaksihan ninyo ang mga ginawa ko sa mga Egipcio. At matagal kayong nanirahan sa ilang.

Read full chapter

Footnotes

  1. Josue 24:6 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .