Add parallel Print Page Options

At si Josue na anak ni Nun ay nagsugong lihim mula sa Sittim ng dalawang lalake na pinakatiktik, na sinasabi, Yumaon kayo na inyong kilalanin ang lupain, at ang Jerico. At sila'y yumaon at pumasok sa isang bahay ng isang patutot na ang pangalan ay Rahab, at nakituloy doon.

At ito'y nasaysay sa hari sa Jerico, na sinasabi, Narito, may mga lalake, sa mga anak ni Israel na pumasok dito ngayong gabi upang kilalanin ang lupain.

At ang hari sa Jerico ay nagsugo kay Rahab, na sinasabi, Ilabas mo ang mga lalake na naparito sa iyo, na pumasok sa iyong bahay; sapagka't sila'y naparito upang kilalanin ang buong lupain.

At ipinagsama ng babae ang dalawang lalake at ikinubli, at sinabi niya, Oo, ang mga lalake ay naparito sa akin, nguni't hindi ko talastas kung sila'y taga saan:

At nangyari, sa may oras ng pagsasara ng pintuang-bayan, nang madilim na, na ang mga lalake ay lumabas; hindi ko talastas kung saan naparoon ang mga lalaking yaon; habulin ninyong madali sila; sapagka't inyo silang aabutan.

Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.

At hinabol ng mga tao sila sa daan na patungo sa Jordan hanggang sa mga tawiran: at pagkalabas ng humabol sa kanila, ay kanilang sinarhan ang pintuang-bayan.

At bago sila nahiga, ay sinampa niya sila sa bubungan.

At sinabi niya sa mga lalake, Talastas ko na ibinigay sa inyo ng Panginoon ang lupain, at dinatnan kami ng pangingilabot sa inyo at ang lahat na nananahan sa lupain ay nauupos sa harap ninyo.

10 Sapagka't aming nabalitaan kung paanong tinuyo ng Panginoon ang tubig sa Dagat na Mapula sa harap ninyo, nang kayo'y lumabas sa Egipto; at kung ano ang inyong ginawa sa dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako roon ng Jordan, kay Sehon at kay Og, na inyong lubos na pinuksa.

11 At pagkabalita namin, ay nanglumo ang aming puso, ni walang diwa na naiwan sa kanino mang tao, dahil sa inyo; sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios sa langit sa itaas, at sa lupa sa ibaba.

12 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, sumumpa kayo sa akin sa pangalan ng Panginoon, na kung paanong ako'y nagmagandang loob sa inyo ay magmamagandang loob naman kayo sa sangbahayan ng aking magulang, at bibigyan ninyo ako ng tunay na tanda;

13 At inyong ililigtas na buhay ang aking ama, at ang aking ina, at ang aking mga kapatid na lalake at babae, at ang lahat nilang tinatangkilik, at inyong ililigtas ang aming mga buhay sa kamatayan.

14 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Ang aming buhay ay ilalagak namin sa inyo, kung hindi ninyo ihahayag itong aming pakay; at mangyayari, na pagka ibinigay sa amin ng Panginoon ang lupain, kami ay magmamagandang loob at magtatapat sa inyo.

15 Nang magkagayo'y kaniyang pinababa sila sa pamamagitan ng isang lubid sa dungawan: sapagka't ang kaniyang bahay ay nasa kuta ng bayan, at siya'y tumatahan sa kuta.

16 At sinabi niya sa kanila, Pumaroon kayo sa bundok, baka kayo'y abutan ng manghahabol sa inyo; at kayo'y magkubli roon na tatlong araw, hanggang sa magsibalik ang mga manghahabol: at pagkatapos ay makayayaon kayo ng inyong lakad.

17 At sinabi ng mga lalake sa kaniya, Kami ay hindi magpapakasala sa sumpang ito, na iyong ipinasumpa sa amin.

18 Narito, pagka kami ay pumasok sa lupain, ay iyong itatali itong panaling pula sa dungawan na iyong pinagpababaan sa amin: at iyong pipisanin sa iyo sa loob ng bahay ang iyong ama, at ang iyong ina, at ang iyong mga kapatid, at ang buong sangbahayan ng iyong ama.

19 At mangyayari, na sinomang lalabas sa mga pintuan ng iyong bahay sa lansangan, ay mabububo sa kaniyang ulo ang kaniyang dugo at hindi namin magiging kasalanan: at sinomang kasama mo sa bahay ay mahuhulog sa aming ulo ang dugo niya, kung may magbuhat sa kaniya ng kamay.

20 Nguni't kung iyong ihayag itong aming pakay, ay hindi namin ipagkakasala ang pagkapanumpa sa iyo, na iyong ipinapanumpa sa amin.

21 At kaniyang sinabi, Ayon sa inyong mga salita, ay siya nawang mangyari. At kaniyang pinapagpaalam sila at sila'y yumaon: at kaniyang itinali ang panaling pula sa dungawan.

22 At sila'y yumaon at naparoon sa bundok, at tumahan doon na tatlong araw, hanggang sa nagsibalik ang mga manghahabol; at hinanap sila ng mga manghahabol sa lahat ng daan, nguni't hindi sila nasumpungan.

23 Nang magkagayo'y nagsibalik ang dalawang lalake at bumaba sa bundok, at tumawid at naparoon kay Josue na anak ni Nun; at kanilang isinaysay sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila.

24 At kanilang sinabi kay Josue, Tunay na ibinigay ng Panginoon sa ating mga kamay ang buong lupain; at bukod dito'y nangliliit ang lahat na nananahan sa lupain sa harap natin.

Rahab Hides the Spies(A)

Now Joshua the son of Nun sent out two men (B)from [a]Acacia Grove to spy secretly, saying, “Go, view the land, especially Jericho.”

So they went, and (C)came to the house of a harlot named (D)Rahab, and [b]lodged there. And (E)it was told the king of Jericho, saying, “Behold, men have come here tonight from the children of Israel to search out the country.”

So the king of Jericho sent to Rahab, saying, “Bring out the men who have come to you, who have entered your house, for they have come to search out all the country.”

(F)Then the woman took the two men and hid them. So she said, “Yes, the men came to me, but I did not know where they were from. And it happened as the gate was being shut, when it was dark, that the men went out. Where the men went I do not know; pursue them quickly, for you may overtake them.” (But (G)she had brought them up to the roof and hidden them with the stalks of flax, which she had laid in order on the roof.) Then the men pursued them by the road to the Jordan, to the fords. And as soon as those who pursued them had gone out, they shut the gate.

Now before they lay down, she came up to them on the roof, and said to the men: (H)“I know that the Lord has given you the land, that (I)the terror of you has fallen on us, and that all the inhabitants of the land (J)are fainthearted because of you. 10 For we have heard how the Lord (K)dried up the water of the Red Sea for you when you came out of Egypt, and (L)what you did to the two kings of the Amorites who were on the other side of the Jordan, Sihon and Og, whom you (M)utterly destroyed. 11 And as soon as we (N)heard these things, (O)our hearts melted; neither did there remain any more courage in anyone because of you, for (P)the Lord your God, He is God in heaven above and on earth beneath. 12 Now therefore, I beg you, (Q)swear to me by the Lord, since I have shown you kindness, that you also will show kindness to (R)my father’s house, and (S)give me [c]a true token, 13 and (T)spare my father, my mother, my brothers, my sisters, and all that they have, and deliver our lives from death.”

14 So the men answered her, “Our lives for yours, if none of you tell this business of ours. And it shall be, when the Lord has given us the land, that (U)we will deal kindly and truly with you.”

15 Then she (V)let them down by a rope through the window, for her house was on the city wall; she dwelt on the wall. 16 And she said to them, “Get to the mountain, lest the pursuers meet you. Hide there three days, until the pursuers have returned. Afterward you may go your way.”

17 So the men said to her: “We will be (W)blameless[d] of this oath of yours which you have made us swear, 18 (X)unless, when we come into the land, you bind this line of scarlet cord in the window through which you let us down, (Y)and unless you [e]bring your father, your mother, your brothers, and all your father’s household to your own home. 19 So it shall be that whoever goes outside the doors of your house into the street, his blood shall be on his own head, and we will be [f]guiltless. And whoever is with you in the house, (Z)his [g]blood shall be on our head if a hand is laid on him. 20 And if you tell this business of ours, then we will be [h]free from your oath which you made us swear.”

21 Then she said, “According to your words, so be it.” And she sent them away, and they departed. And she bound the scarlet cord in the window.

22 They departed and went to the mountain, and stayed there three days until the pursuers returned. The pursuers sought them all along the way, but did not find them. 23 So the two men returned, descended from the mountain, and crossed over; and they came to Joshua the son of Nun, and told him all that had befallen them. 24 And they said to Joshua, “Truly (AA)the Lord has delivered all the land into our hands, for indeed all the inhabitants of the country are fainthearted because of us.”

Footnotes

  1. Joshua 2:1 Heb. Shittim
  2. Joshua 2:1 Lit. lay down
  3. Joshua 2:12 a pledge of truth
  4. Joshua 2:17 free from obligation to this oath
  5. Joshua 2:18 Lit. gather
  6. Joshua 2:19 free from obligation
  7. Joshua 2:19 guilt of bloodshed
  8. Joshua 2:20 free from obligation to