Add parallel Print Page Options

13 Si Josue nga'y matanda at puspos ng mga taon; at sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ikaw ay matanda at puspos ng mga taon, at may nalalabi pang totoong maraming lupain na aariin.

Ito ang lupain na nalalabi pa: ang lahat na lupain ng mga Filisteo, at ang lahat na Gessureo:

Mula sa Sihor na nasa tapat ng Egipto, hanggang sa hangganan ng Accaron na dakong hilagaan, na nabilang sa mga Cananeo: ang limang pangulo ng mga Filisteo, ang mga Gazeo, ang mga Asdodeo, ang mga Ascaloneo, ang mga Getheo, ang mga Accaronneo; gayon din ang mga Heveo,

Sa dakong timugan: ang lahat na lupain ng mga Cananeo, at ang Mehara, na nauukol sa mga Sidonio hanggang sa Aphec, na hangganan ng mga Amorrheo;

At ang lupain ng mga Gebalita at ang buong Libano, sa dakong sinisikatan ng araw, mula sa Baal-gad, sa ibaba ng bundok Hermon hanggang sa pasukan sa Hamat:

Ang lahat ng taga lupaing maburol mula sa Libano hanggang sa Misrephoth-maim, sa makatuwid baga'y lahat ng mga Sidonio; sila'y aking itataboy mula sa harap ng mga anak ni Israel: iyo lamang bahagihin sa Israel na pinakamana, gaya ng iniutos ko sa iyo.

Iyo ngang bahagihin ang lupaing ito na pinakamana sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi ni Manases.

Sa kaniya'y tinanggap ng mga Rubenita at ng mga Gadita, ang kanilang mana, na ibinigay sa kanila ni Moises, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan gaya ng ibinigay sa kanila ni Moises na lingkod ng Panginoon;

Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ng buong kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon:

10 At ang lahat na bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na naghahari sa Hesbon hanggang sa hangganan ng mga anak ni Ammon;

11 At ang Galaad, at ang hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo at ang buong bundok ng Hermon, at ang buong Basan hanggang sa Salca;

12 Ang buong kaharian ni Og sa Basan, na naghari sa Astaroth at sa Edrei (na siyang naiwang labi sa mga Rephaim); sapagka't sinaktan ang mga ito ni Moises at mga itinaboy.

13 Gayon ma'y hindi itinaboy ng mga anak ni Israel ang mga Gessureo, ni ang mga Maachateo; kundi ang Gessureo at ang Maachateo ay tumahan sa gitna ng Israel hanggang sa araw na ito.

14 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi niya binigyan ng mana; ang mga handog sa Panginoon, sa Dios ng Israel na pinaraan sa apoy ay siyang kaniyang mana, gaya ng sinalita niya sa kaniya.

15 At nagbigay si Moises sa lipi ng mga anak ni Ruben ng ayon sa kanilang mga angkan.

16 At ang kanilang hangganan ay mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at ang bayang nasa gitna ng libis, at ang buong kapatagan sa tabi ng Medeba;

17 Ang Hesbon at ang lahat ng mga bayan niyaon na nasa kapatagan; ang Dibon at ang Bamoth-baal, at ang Beth-baal-meon;

18 At ang Jaas, at ang Ced-demoth, at ang Mephaath;

19 At ang Chiriataim, at ang Sibma, at ang Zereth-shahar, sa bundok ng libis;

20 At ang Beth-peor, at ang mga tagudtod ng Pisga, at ng Beth-jesimoth;

21 At ang lahat ng mga bayan sa kapatagan at ang buong kaharian ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na naghari sa Hesbon, na siyang sinaktan ni Moises na gayon din ang mga pinuno sa Madian, si Hevi, si Recem, at si Sur, at si Hur, at si Reba, na mga prinsipe ni Sehon, na tumahan sa lupain.

22 Si Balaam man na anak ni Beor na manghuhula, ay pinatay ng mga anak ni Israel ng tabak sa gitna ng nalabi sa kanilang nangapatay.

23 At ang hangganan ng mga anak ni Ruben ay ang Jordan, at ang hangganan niyaon. Ito ang mana ng mga anak ni Ruben ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

24 At si Moises ay nagbigay sa lipi ni Gad, sa mga anak ni Gad, ng ayon sa kanilang mga angkan.

25 At ang kanilang hangganan ay ang Jacer, at ang lahat na bayan ng Galaad, at ang kalahati ng lupain ng mga anak ni Ammon hanggang sa Aroer na nasa tapat ng Rabba;

26 At mula sa Hesbon hanggang sa Ramathmizpe, at sa Betonim; at mula sa Mahanaim hanggang sa hangganan ng Debir.

27 At sa libis, ang Beth-aram, at ang Beth-nimra, at ang Sucoth, at ang Saphon, na labis ng kaharian ni Sehon na hari sa Hesbon, ang Jordan at ang hangganan niyaon, hanggang sa kaduluduluhang bahagi ng dagat ng Cinnereth, sa dako roon ng Jordan na dakong silanganan.

28 Ito ang mana ng mga anak ni Gad ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at ang mga nayon niyaon.

29 At si Moises ay nagbigay ng mana sa kalahating lipi ni Manases: at yao'y sa kalahating lipi ng mga anak ni Manases ayon sa kanilang mga angkan.

30 At ang kanilang hangganan ay mula sa Mahanaim, ang buong Basan, ang buong kaharian ni Og na hari sa Basan at ang lahat ng mga bayan ng Jair na nasa Basan, anim na pung bayan.

31 At ang kalahati ng Galaad at ang Astaroth at ang Edrei, ang mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan, ay sa mga anak ni Machir na anak ni Manases, sa makatuwid baga'y sa kalahati ng mga anak ni Machir ayon sa kanilang mga angkan.

32 Ito ang mga mana na binahagi ni Moises sa mga kapatagan ng Moab, sa dako roon ng Jordan sa Jerico, na dakong silanganan.

33 Nguni't sa lipi ni Levi ay walang ibinigay si Moises na mana: ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay siyang kanilang mana, gaya ng kaniyang sinalita sa kanila.

Land Still to Be Taken

13 When Joshua had grown old,(A) the Lord said to him, “You are now very old, and there are still very large areas of land to be taken over.

“This is the land that remains: all the regions of the Philistines(B) and Geshurites,(C) from the Shihor River(D) on the east of Egypt to the territory of Ekron(E) on the north, all of it counted as Canaanite though held by the five Philistine rulers(F) in Gaza, Ashdod,(G) Ashkelon,(H) Gath and Ekron; the territory of the Avvites(I) on the south; all the land of the Canaanites, from Arah of the Sidonians as far as Aphek(J) and the border of the Amorites;(K) the area of Byblos;(L) and all Lebanon(M) to the east, from Baal Gad below Mount Hermon(N) to Lebo Hamath.(O)

“As for all the inhabitants of the mountain regions from Lebanon to Misrephoth Maim,(P) that is, all the Sidonians, I myself will drive them out(Q) before the Israelites. Be sure to allocate this land to Israel for an inheritance, as I have instructed you,(R) and divide it as an inheritance(S) among the nine tribes and half of the tribe of Manasseh.”

Division of the Land East of the Jordan

The other half of Manasseh,[a] the Reubenites and the Gadites had received the inheritance that Moses had given them east of the Jordan, as he, the servant of the Lord, had assigned(T) it to them.(U)

It extended from Aroer(V) on the rim of the Arnon Gorge, and from the town in the middle of the gorge, and included the whole plateau(W) of Medeba as far as Dibon,(X) 10 and all the towns of Sihon king of the Amorites, who ruled in Heshbon,(Y) out to the border of the Ammonites.(Z) 11 It also included Gilead,(AA) the territory of the people of Geshur and Maakah, all of Mount Hermon and all Bashan as far as Salekah(AB) 12 that is, the whole kingdom of Og in Bashan,(AC) who had reigned in Ashtaroth(AD) and Edrei.(AE) (He was the last of the Rephaites.(AF)) Moses had defeated them and taken over their land.(AG) 13 But the Israelites did not drive out the people of Geshur(AH) and Maakah,(AI) so they continue to live among the Israelites to this day.(AJ)

14 But to the tribe of Levi he gave no inheritance, since the food offerings presented to the Lord, the God of Israel, are their inheritance, as he promised them.(AK)

15 This is what Moses had given to the tribe of Reuben, according to its clans:

16 The territory from Aroer(AL) on the rim of the Arnon Gorge, and from the town in the middle of the gorge, and the whole plateau past Medeba(AM) 17 to Heshbon and all its towns on the plateau,(AN) including Dibon,(AO) Bamoth Baal,(AP) Beth Baal Meon,(AQ) 18 Jahaz,(AR) Kedemoth,(AS) Mephaath,(AT) 19 Kiriathaim,(AU) Sibmah,(AV) Zereth Shahar on the hill in the valley, 20 Beth Peor,(AW) the slopes of Pisgah, and Beth Jeshimoth— 21 all the towns on the plateau(AX) and the entire realm of Sihon king of the Amorites, who ruled at Heshbon. Moses had defeated him and the Midianite chiefs,(AY) Evi, Rekem, Zur, Hur and Reba(AZ)—princes allied with Sihon—who lived in that country. 22 In addition to those slain in battle, the Israelites had put to the sword Balaam son of Beor,(BA) who practiced divination.(BB) 23 The boundary of the Reubenites was the bank of the Jordan. These towns and their villages were the inheritance of the Reubenites, according to their clans.(BC)

24 This is what Moses had given to the tribe of Gad, according to its clans:

25 The territory of Jazer,(BD) all the towns of Gilead(BE) and half the Ammonite country as far as Aroer, near Rabbah;(BF) 26 and from Heshbon(BG) to Ramath Mizpah and Betonim, and from Mahanaim(BH) to the territory of Debir;(BI) 27 and in the valley, Beth Haram, Beth Nimrah,(BJ) Sukkoth(BK) and Zaphon(BL) with the rest of the realm of Sihon king of Heshbon (the east side of the Jordan, the territory up to the end of the Sea of Galilee[b](BM)). 28 These towns and their villages were the inheritance of the Gadites,(BN) according to their clans.

29 This is what Moses had given to the half-tribe of Manasseh, that is, to half the family of the descendants of Manasseh, according to its clans:

30 The territory extending from Mahanaim(BO) and including all of Bashan,(BP) the entire realm of Og king of Bashan(BQ)—all the settlements of Jair(BR) in Bashan, sixty towns, 31 half of Gilead, and Ashtaroth and Edrei (the royal cities of Og in Bashan).(BS) This was for the descendants of Makir(BT) son of Manasseh—for half of the sons of Makir, according to their clans.(BU)

32 This is the inheritance Moses had given when he was in the plains of Moab(BV) across the Jordan east of Jericho.(BW) 33 But to the tribe of Levi, Moses had given no inheritance;(BX) the Lord, the God of Israel, is their inheritance,(BY) as he promised them.(BZ)

Footnotes

  1. Joshua 13:8 Hebrew With it (that is, with the other half of Manasseh)
  2. Joshua 13:27 Hebrew Kinnereth