Add parallel Print Page Options

Ang kabuoan ng pananagumpay ni Josue, at ang mga haring kaniyang tinalo.

12 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa (A)libis ng Arnon hanggang sa bundok ng (B)Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:

(C)Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa (D)Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog (E)Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;

At (F)ang Araba hanggang sa dagat ng Cinneroth, na dakong silanganan, at hanggang sa dagat ng Araba, Dagat na Alat, na dakong silanganan, na daang patungo sa (G)Beth-jesimoth; at sa timugan sa ilalim ng mga tagudtod ng Pisga:

At ang hangganan ni (H)Og na hari sa Basan, sa nalabi ng mga Rephaim na nanahan sa (I)Astaroth at sa Edrei,

At nagpuno sa (J)bundok ng Hermon, at sa (K)Salca, at sa buong Basan, (L)hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Maachateo, at ng kalahati ng Galaad, na hangganan ni Sehon na hari sa Hesbon.

(M)Sinaktan sila ni Moises na (N)lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel: at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pinakaari sa mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.

At ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na (O)sinaktan ni Josue at ng mga anak ni Israel sa dako roon ng Jordan na dakong kalunuran, mula sa Baal-gad na libis ng Libano hanggang sa bundok ng Halac, na pasampa sa Seir (at ibinigay ni Josue na pinakaari sa mga lipi ng Israel (P)ayon sa kanilang pagkakabahagi;

(Q)Sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga tagudtod, at sa ilang, at sa Timugan; ang Hatheo, ang Amorrheo, at ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);

Ang (R)hari sa Jerico, isa; ang (S)hari sa Hai na nasa tabi ng Beth-el, isa;

10 Ang (T)hari sa Jerusalem, isa; ang hari sa Hebron, isa.

11 Ang hari sa Jarmuth, isa; ang hari sa Lachis, isa;

12 Ang hari sa Eglon, isa; ang hari sa (U)Gezer, isa;

13 Ang hari sa Debir, isa; ang hari sa Geder, isa;

14 Ang hari sa Horma, isa; ang hari sa Arad, isa;

15 Ang (V)hari sa Libna, isa; ang (W)hari sa Adullam, isa;

16 Ang hari sa Maceda, isa; ang (X)hari sa Beth-el, isa;

17 Ang hari sa Tappua, isa; ang (Y)hari sa Hepher, isa;

18 Ang hari sa Aphec, isa; ang (Z)hari sa Lasaron, isa;

19 Ang hari sa Madon, isa; ang hari sa Hasor, isa;

20 Ang hari sa Simron-meron, isa; ang hari sa Achsaph, isa;

21 Ang hari sa Taanach, isa; ang (AA)hari sa Megiddo, isa;

22 Ang hari sa Chedes, isa; ang hari sa Jocneam sa Carmel, isa;

23 Ang hari sa Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang (AB)hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;

24 Ang (AC)hari sa Tirsa, isa; lahat ng hari ay tatlong pu't isa;

Mga Haring Tinalo ni Moises

12 Ang(A) mga ito ang mga hari sa lupain na pinatay ng mga anak ni Israel, at inangkin ang kanilang lupain sa kabila ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ang buong Araba na dakong silangan:

si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at namuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang gitna ng libis, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa ilog Jaboc na hangganan ng mga anak ni Ammon;

at ang Araba hanggang sa dagat ng Cinerot patungong silangan, at sa dakong Bet-jesimot hanggang sa dagat ng Araba, sa Dagat na Alat, patungong timog sa paanan ng mga libis ng Pisga;

at ang hangganan ni Og na hari sa Basan, sa nalabi sa mga Refaim na nakatira sa Astarot at sa Edrei,

at namuno sa bundok ng Hermon, at sa Saleca, at sa buong Basan, hanggang sa hangganan ng mga Geshureo at ng mga Maacatita, at ng kalahati ng Gilead, na hangganan ni Sihon na hari sa Hesbon.

Pinatay(B) sila ni Moises na lingkod ng Panginoon at ng mga anak ni Israel; at ibinigay ni Moises na lingkod ng Panginoon na pag-aari ng mga Rubenita, at sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ni Manases.

Mga Haring Tinalo ni Josue

Ang mga ito'y ang mga hari ng lupain na tinalo ni Josue at ng mga anak ni Israel sa kabila ng Jordan na dakong kanluran, mula sa Baal-gad na libis ng Lebanon hanggang sa bundok ng Halak, na paahon sa Seir (at ibinigay ni Josue na pag-aari sa mga lipi ng Israel ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi;

sa lupaing maburol, at sa mababang lupain, at sa Araba, at sa mga libis, at sa ilang, at sa Timog; ang lupain ng mga Heteo, ang Amoreo, at ang Cananeo, ang Perezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo);

ang hari ng Jerico, isa; ang hari sa Ai na nasa tabi ng Bethel, isa;

10 ang hari ng Jerusalem, isa; ang hari ng Hebron, isa;

11 ang hari ng Jarmut, isa; ang hari ng Lakish, isa;

12 ang hari ng Eglon, isa; ang hari ng Gezer, isa;

13 ang hari ng Debir, isa; ang hari ng Geder, isa;

14 ang hari ng Horma, isa; ang hari ng Arad, isa;

15 ang hari ng Libna, isa; ang hari ng Adullam, isa;

16 ang hari ng Makeda, isa; ang hari ng Bethel, isa;

17 ang hari ng Tapua, isa; ang hari ng Hefer, isa;

18 ang hari ng Afec, isa; ang hari ng Lasaron, isa;

19 ang hari ng Madon, isa; ang hari ng Hazor, isa;

20 ang hari ng Simron-meron, isa; ang hari ng Acsaf, isa;

21 ang hari ng Taanac, isa; ang hari ng Megido, isa;

22 ang hari ng Kedes, isa; ang hari ng Jokneam sa Carmel, isa;

23 ang hari ng Dor sa kaitaasan ng Dor, isa; ang hari ng mga bansa sa Gilgal, isa;

24 ang hari ng Tirsa, isa; lahat ng mga hari ay tatlumpu't isa.

Ang mga Hari na Natalo sa Silangan ng Jordan

12 1-2 Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Lambak ng Jordan.[a] Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:

Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Heshbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Lambak ng Jabok, na siyang hangganan ng lupain ng mga Ammonita. Sakop din niya ang silangan ng Lambak ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet Jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay[b] at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.

Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Ashtarot at sa Edrei. Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Geshur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Heshbon, na ang hari ay si Sihon. Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase bilang mana nila.

Ang mga Hari na Natalo sa Kanluran ng Jordan

7-8 Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal Gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran,[c] ang Lambak ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negev. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:

ang hari ng Jerico

ang hari ng Ai (malapit sa Betel)

10 ang hari ng Jerusalem

ang hari ng Hebron

11 ang hari ng Jarmut

ang hari ng Lakish

12 ang hari ng Eglon

ang hari ng Gezer

13 ang hari ng Debir

ang hari ng Geder,

14 ang hari ng Horma

ang hari ng Arad

15 ang hari ng Libna

ang hari ng Adulam

16 ang hari ng Makeda

ang hari ng Betel

17 ang hari ng Tapua

ang hari ng Hefer

18 ang hari ng Afek

ang hari ng Lasharon

19 ang hari ng Madon

ang hari ng Hazor

20 ang hari ng Shimron Meron

ang hari ng Acshaf

21 ang hari ng Taanac

ang hari ng Megido

22 ang hari ng Kedesh

ang hari ng Jokneam (sa Carmel)

23 ang hari ng Dor (sa Nafat Dor)

ang hari ng Goyim (sa Gilgal)

24 ang hari ng Tirza.

Ang mga haring ito ay 31 lahat.

Footnotes

  1. 12:1-2 Lambak ng Jordan: Tingnan ang “footnote” sa 11:2a. Ganito rin sa talatang 3 at 7.
  2. 12:3 Dagat na Patay: sa Hebreo, Dagat ng Araba, ang pinakamaalat na dagat.
  3. 12:7-8 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.