Font Size
Josue 12:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Josue 12:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
6 Ang(A) dalawang ito'y nilupig ng mga Israelita, sa pamumuno ni Moises. Ibinigay ni Moises na lingkod ni Yahweh ang mga lupain nila sa lipi ni Ruben, ni Gad at sa kalahati ng lipi ni Manases.
Ang mga Haring Natalo ni Josue
7 Sa pamumuno ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang mga hari sa kanluran ng Ilog Jordan: buhat sa Baal-gad, sa kapatagan ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halac, sa pag-ahon ng Bundok Seir. Ang kanilang mga lupai'y pinaghati-hati ni Josue sa mga lipi ng Israel upang maging pag-aari ng mga ito habang panahon. 8 Saklaw ng mga lupaing iyon ang kaburulan, ang mga kapatagan, ang Araba, ang paanan ng mga bundok, ang ilang, at ang Negeb. Doon naninirahan ang mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hivita at Jebuseo.
Read full chapter