Josue 12:1-2
Magandang Balita Biblia
Ang mga Haring Natalo ng mga Israelita
12 Nasakop(A) ng mga Israelita ang lupain sa silangan ng Ilog Jordan, buhat sa Ilog Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, at nalupig nila ang mga hari roon. 2 Ang una'y si Sihon, ang hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon. Sakop niya buhat sa bayan ng Aroer sa Ilog Arnon, pati ang kalahati ng libis nito, hanggang sa Batis ng Jabok sa may hangganan ng mga Ammonita. Samakatuwid, sakop niya ang kalahati ng Gilead,
Read full chapter
Josue 12:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang kabuoan ng pananagumpay ni Josue, at ang mga haring kaniyang tinalo.
12 Ang mga ito nga ang mga hari sa lupain na sinaktan ng mga anak ni Israel, at inari ang kanilang lupain sa dako roon ng Jordan na dakong sinisikatan ng araw mula sa (A)libis ng Arnon hanggang sa bundok ng (B)Hermon, at ng buong Araba na dakong silanganan:
2 (C)Si Sehon na hari ng mga Amorrheo, na nanahan sa Hesbon at nagpuno mula sa (D)Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang bayan na nasa gitna ng libis, at ang kalahati ng Galaad, hanggang sa ilog (E)Jaboc, na hangganan ng mga anak ni Ammon;
Read full chapter
Josue 12:1-2
Ang Biblia, 2001
Mga Haring Tinalo ni Moises
12 Ang(A) mga ito ang mga hari sa lupain na pinatay ng mga anak ni Israel, at inangkin ang kanilang lupain sa kabila ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon, at ang buong Araba na dakong silangan:
2 si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at namuno mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon at ang gitna ng libis, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa ilog Jaboc na hangganan ng mga anak ni Ammon;
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.