Josue 10:26-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
26 At pinatay ni Josue ang limang hari at ipinabitin sa limang puno hanggang hapon. 27 Nang lumubog na ang araw, ipinakuha ni Josue ang mga bangkay nila at ipinatapon sa kweba na pinagtaguan nila. Tinakpan nila ang bunganga ng kweba ng malalaking bato na hanggang ngayon ay naroon pa.
Sinakop ni Josue ang Iba pang mga Lugar ng mga Amoreo
28 Nang araw na iyon, sinakop ni Josue ang Makeda. Pinapatay niya ang lahat ng naninirahan dito, pati na ang hari nito. Nilipol niya ito nang lubusan, at walang naiwang buhay. Ginawa ni Josue sa hari ng Makeda ang ginawa rin niya sa hari ng Jerico.
Read full chapter
Josue 10:26-28
Ang Biblia (1978)
26 At pagkatapos ay sinaktan sila ni Josue, at ipinapatay sila, at ibinitin sila sa limang puno ng kahoy; at sila'y (A)nangabitin sa mga puno ng kahoy hanggang sa kinahapunan.
27 At nangyari sa paglubog ng araw, na si Josue ay nagutos at kanilang ibinaba sa mga punong kahoy, at kanilang inihagis sa yungib na kanilang pinagtaguan, at kanilang nilagyan ng mga (B)malaking bato ang bunganga ng yungib hanggang sa araw na ito.
Ang iba pang tagumpay ni Josue.
28 At sinakop ni Josue ang Maceda nang araw na yaon, at sinugatan ng talim ng tabak, at ang hari niyaon; kaniyang lubos silang nilipol at ang lahat na tao na nandoon, wala siyang iniwang nalabi: at kaniyang ginawa sa hari sa Maceda ang (C)gaya ng kaniyang ginawa sa hari ng Jerico.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
