Juan 20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita (B)ang bato na naalis na sa libingan.
2 Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang (C)alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.
3 Umalis nga si Pedro, (D)at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.
4 At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
5 At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, (E)ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.
6 Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,
7 At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.
8 Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.
9 Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang (F)kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.
10 Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.
11 Nguni't si Maria ay nakatayo (G)sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;
12 At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.
13 At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.
14 Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, (H)at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.
15 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.
16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.
17 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa (I)aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako (J)sa aking Ama at inyong Ama, at (K)aking Dios at inyong Dios.
18 Naparoon si Maria Magdalena (L)at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.
19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (M)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (N)Kapayapaan ang sumainyo.
20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (O)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (P)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
22 At nang masabi niya ito, (Q)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
23 Sinomang inyong patawarin ng mga (R)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (S)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, (T)Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (U)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (V)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
30 Gumawa rin nga si Jesus (W)ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
31 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, (X)upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; (Y)at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay (Z)sa kaniyang pangalan.
Johannes 20
Svenska Folkbibeln
Den tomma graven
20 Tidigt den första veckodagen, medan det ännu var mörkt, kom Maria från Magdala ut till graven och fick se att stenen var borttagen från den. 2 Hon sprang därifrån och kom till Simon Petrus och den andre lärjungen, den som Jesus älskade, och sade till dem: "De har tagit bort Herren från graven, och vi vet inte var de har lagt honom."
3 Då begav sig Petrus och den andre lärjungen ut till graven. 4 De sprang båda på samma gång, men den andre lärjungen sprang fortare än Petrus och kom först fram till graven. 5 Han lutade sig in och såg linnebindlarna ligga där, men han gick inte in. 6 Strax därefter kom Simon Petrus. Han gick in i graven och såg linnebindlarna ligga där 7 och duken som hade täckt huvudet. Men den låg inte tillsammans med bindlarna utan för sig, hopvikt på en särskild plats. 8 Sedan gick också den andre lärjungen in, han som hade kommit först till graven, och han såg och trodde. 9 Förut hade de nämligen inte förstått Skriftens ord att han måste uppstå från de döda. 10 Därefter vände lärjungarna tillbaka hem.
Jesus visar sig för Maria från Magdala
11 Maria stod utanför graven och grät. Och medan hon grät lutade hon sig in i graven. 12 Hon fick då se två änglar i vita kläder sitta där Jesu kropp hade legat, den ene vid huvudets plats, den andre vid fötternas. 13 Och de sade till henne: "Kvinna, varför gråter du?" Hon svarade: "De har tagit bort min Herre, och jag vet inte var de har lagt honom." 14 När hon hade sagt det, vände hon sig om och fick se Jesus stå där, men hon förstod inte att det var han. 15 Jesus sade till henne: "Kvinna, varför gråter du? Vem söker du?" Hon trodde att det var trädgårdsmästaren och sade till honom: "Herre, om det är du som har fört bort honom, så säg mig var du har lagt honom, så att jag kan hämta honom." 16 Jesus sade till henne: "Maria." Då vände hon sig om och sade till honom på hebreiska: "Rabbuni" - det betyder lärare. 17 Jesus sade till henne: "Rör inte vid mig, ty jag har ännu inte farit upp till Fadern. Men gå till mina bröder och säg till dem att jag far upp till min Fader och er Fader, till min Gud och er Gud." 18 Maria från Magdala gick då och berättade för lärjungarna att hon hade sett Herren och att han hade sagt detta till henne.
Jesus hos sina lärjungar
19 På kvällen samma dag, den första veckodagen, var lärjungarna samlade bakom låsta dörrar av rädsla för judarna. Då kom Jesus och stod mitt ibland dem och sade: "Frid vare med er." 20 När han hade sagt detta visade han dem sina händer och sin sida. Och lärjungarna blev glada när de såg Herren. 21 Jesus sade än en gång till dem: "Frid vare med er. Som Fadern har sänt mig sänder jag er." 22 Sedan han sagt detta, andades han på dem och sade: "Tag emot den helige Ande! 23 Om ni förlåter någon hans synder så är de förlåtna, och om ni binder någon i hans synder så är han bunden."
Den uppståndne och Thomas
24 Thomas, en av de tolv, han som kallades Tvillingen,[a] hade inte varit med dem när Jesus kom. 25 De andra lärjungarna sade nu till honom: "Vi har sett Herren." Men han svarade dem: "Om jag inte får se hålen efter spikarna i hans händer och sticka fingret i hålen efter spikarna och inte får sticka min hand i hans sida, så kan jag inte tro." 26 Åtta dagar därefter samlades hans lärjungar igen där inne, och Thomas var med bland dem. Då kom Jesus, medan dörrarna var låsta, och stod mitt ibland dem och sade: "Frid vare med er." 27 Sedan sade han till Thomas: "Räck hit ditt finger och se mina händer. Och räck hit din hand och stick den i min sida. Och tvivla inte utan tro!" 28 Thomas svarade honom: "Min Herre och min Gud!" 29 Jesus sade till honom: "Därför att du har sett mig, tror du. Saliga är de som tror, fastän de inte ser."
30 Många andra tecken, som inte är nerskrivna i denna bok, gjorde Jesus i sina lärjungars åsyn. 31 Men dessa har blivit nerskrivna, för att ni skall tro att Jesus är Messias, Guds Son, och för att ni genom tron skall ha liv i hans namn.
Footnotes
- Johannes 20:24 Tvillingen Se not till 11:16.
Juan 20
Ang Biblia, 2001
Libingang Walang Laman(A)
20 Nang unang araw ng sanlinggo ay maagang pumunta sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakitang ang bato ay naalis na sa libingan.
2 Kaya't tumakbo siya at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na minamahal ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, “Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”
3 Kaya't umalis si Pedro kasama ang isa pang alagad at pumunta sila sa libingan.
4 Silang dalawa'y tumakbong magkasama, subalit ang isang alagad ay mas matuling tumakbo kaysa kay Pedro, at naunang dumating sa libingan.
5 At siya'y yumuko upang tingnan ang loob, at nakita niyang nakalatag ang mga telang lino. Subalit hindi siya pumasok sa loob.
6 Dumating naman si Simon Pedro na sumusunod sa kanya, pumasok siya sa libingan at nakita niyang nakalatag ang mga telang lino,
7 at ang damit na inilagay sa kanyang ulo ay hindi kasamang nakalatag ng mga telang lino, kundi bukod na nakatiklop sa isang tabi.
8 Pumasok din ang alagad na unang dumating sa libingan at kanyang nakita at siya'y naniwala.
9 Sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang kasulatan na kailangang siya'y bumangon mula sa mga patay.
10 At ang mga alagad ay bumalik na sa kani-kanilang mga tahanan.
Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena(B)
11 Ngunit si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Habang umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan.
12 At nakita niya ang dalawang anghel na nakaputi, na nakaupo sa hinigaan ng katawan ni Jesus, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan.
13 Sinabi nila sa kanya, “Babae, bakit ka umiiyak?” Sinabi niya sa kanila, “Sapagkat kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.”
14 Pagkasabi nito, siya'y lumingon at nakitang nakatayo si Jesus. Subalit hindi niya alam na iyon ay si Jesus.
15 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Sa kanyang pag-aakalang iyon ay ang hardinero, ay sinabi niya sa kanya, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kanya ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at siya'y aking kukunin.”
16 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Maria.” Humarap siya, at sinabi sa kanya sa wikang Hebreo, “Rabboni!” (na ang ibig sabihin ay Guro).
17 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa Ama. Ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.’”
18 Pumunta si Maria Magdalena at ibinalita sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon;” at sinabi niya sa kanila na sinabi niya ang mga bagay na ito sa kanya.
Nagpakita si Jesus sa Kanyang mga Alagad(C)
19 Nang magdadapit-hapon na ng araw na iyon, na unang araw ng linggo, habang nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, “Kapayapaan ang sumainyo.”
20 At nang masabi niya ito ay kanyang ipinakita sa kanila ang kanyang mga kamay at tagiliran. Kaya't ang mga alagad ay nagalak nang makita nila ang Panginoon.
21 Muling sinabi sa kanila ni Jesus, “Kapayapaan ang sumainyo. Kung paanong sinugo ako ng Ama ay sinusugo ko rin naman kayo.”
22 At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.
23 Kung(D) inyong patawarin ang mga kasalanan ng sinuman, ang mga iyon ay ipinatatawad sa kanila. Sinumang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, iyon ay hindi ipinatatawad.”
Si Jesus at si Tomas
24 Ngunit si Tomas, isa sa labindalawa na tinatawag na Kambal[a] ay hindi nila kasama nang dumating si Jesus.
25 Kaya't sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita namin ang Panginoon.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Malibang makita ko sa kanyang mga kamay ang bakas ng mga pako, at mailagay ko ang aking daliri sa binutas ng mga pako, at mailagay ko ang aking kamay sa kanyang tagiliran ay hindi ako maniniwala.”
26 Pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kanyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, subalit pumasok si Jesus, at tumayo sa gitna, at sinabi, “Kapayapaan ang sumainyo.”
27 At sinabi niya kay Tomas, “Ilagay mo rito ang iyong daliri at tingnan mo ang aking mga kamay. Ilapit mo rito ang iyong kamay at ilagay mo sa aking tagiliran. Huwag kang mag-alinlangan kundi sumampalataya.”
28 Sumagot si Tomas at sinabi sa kanya, “Panginoon ko at Diyos ko!”
29 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sapagkat ako'y nakita mo ay sumampalataya ka. Mapapalad ang hindi nakakita, gayunma'y sumasampalataya.”
Layunin ng Aklat na Ito
30 Gumawa si Jesus ng marami pang ibang mga tanda sa harapan ng kanyang mga alagad, na hindi naisulat sa aklat na ito.
31 Ngunit ang mga ito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos; at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan.
Footnotes
- Juan 20:24 Sa Griyego ay Didimo .
Juan 20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus
20 Umaga ng unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan at nakita niyang naalis na ang batong pantakip sa libingan. 2 Kaya't siya'y tumakbo at pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na minamahal ni Jesus at sinabi sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan siya inilagay.” 3 Kaya't umalis si Pedro at ang alagad na iyon at nagpunta sila sa libingan. 4 Kapwa tumakbo ang dalawa, subalit naunahan ng alagad na iyon si Pedro kaya una siyang nakarating sa libingan. 5 Yumuko siya upang sumilip sa loob at nakita niya ang mga telang pangbalot na nakalatag doon, ngunit hindi siya pumasok. 6 Dumating na kasunod niya si Simon Pedro at pumasok ito sa libingan. Nakita ni Pedro na nakalatag doon ang mga telang panlibing, 7 at ang ibinalot sa ulo ni Jesus na hindi nakalagay kasama ng mga telang panlibing, kundi nakabalumbong mag-isa sa isang lugar. 8 Pagkatapos, ang alagad na unang nakarating sa libingan ay pumasok din, at nakita niya, at siya'y naniwala; 9 sapagkat hanggang sa panahong iyon, hindi pa nila nauunawaan ang sinasabi ng Kasulatan, na kailangan munang muling mabuhay si Jesus mula sa kamatayan. 10 Pagkatapos, umuwi na ang mga alagad.
Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena
11 Ngunit si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan at umiiyak. Habang umiiyak, yumuko siya upang sumilip sa loob ng libingan. 12 Nakakita siya ng dalawang anghel na nakaputi, nakaupo sa pinaglagyan ng katawan ni Jesus, ang isa sa ulunan at ang isa naman ay sa paanan. 13 Sinabi nila sa kanya, “Babae, bakit ka umiiyak?” Sumagot si Maria, “Kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko alam kung saan siya inilagay.” 14 Matapos niyang sabihin ito, lumingon siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon, subalit hindi niya alam na ito ay si Jesus. 15 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Babae, bakit ka umiiyak? Sino ang hinahanap mo?” Napagkamalan niyang hardinero si Jesus at sinabi niya rito, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kanya, sabihin mo kung saan mo siya inilagay, at kukunin ko siya.” 16 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Maria!” Humarap si Maria at sinabi sa wikang Hebreo, “Rabboni!” na ang ibig sabihin ay Guro. 17 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko at sabihin mo sa kanila, ‘Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.’ ” 18 Umalis si Maria Magdalena at ibinalita sa mga alagad, “Nakita ko ang Panginoon!”, at sinabi rin niya sa kanila ang bilin ni Jesus.
Nagpakita si Jesus sa mga Alagad(A)
19 Kinagabihan ng araw na iyon, unang araw ng linggo, habang ang mga pinto ng bahay na pinagtitipunan ng mga alagad ay nakasara dahil sa takot sa mga pinuno ng mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” 20 Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad nang makita ang Panginoon. 21 Muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, sinusugo ko rin kayo.” 22 Nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya at kanyang sinabi, “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. 23 (B)Kung pinatatawad ninyo ang mga kasalanan ninuman, pinatatawad na sila sa mga ito; kung hindi ninyo pinatatawad ang mga kasalanan ninuman, hindi nga pinatatawad ang mga ito.”
24 Ngunit si Tomas na tinatawag na Kambal, isa sa labindalawa, ay hindi nila kasama nang dumating si Jesus. 25 Kaya sinabi sa kanya ng ibang mga alagad, “Nakita na namin ang Panginoon.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Malibang makita ko ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at maisuot ang daliri ko sa butas ng mga pako, at ang kamay ko sa kanyang tagiliran, hindi ako maniniwala.”
26 Pagkalipas ng walong araw, muling nasa loob ng bahay ang mga alagad, at kasama na nila si Tomas. Kahit na nakasara ang mga pinto, dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan.” 27 Pagkatapos ay sinabi niya kay Tomas, “Isuot mo rito ang daliri mo at tingnan ang aking mga kamay. Iabot mo rito iyong kamay at ipasok mo sa aking tagiliran. Huwag kang mag-alinlangan, sa halip, maniwala ka.” 28 Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” 29 Sinabi ni Jesus sa kanya, “Naniwala ka ba dahil nakita mo ako? Mapapalad ang mga hindi nakakita subalit sumasampalataya.”
Ang Layunin ng Aklat na Ito
30 Marami pang ibang himala na ginawa si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. 31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong pagsampalataya, kayo ay magkaroon ng buhay sa pamamagitan ng kanyang pangalan.[a]
Footnotes
- Juan 20:31 o kaya, sa inyong pagsampalataya sa kanyang pangalan, kayo ay magkaroon ng buhay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
1996, 1998 by Stiftelsen Svenska Folkbibeln
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
