Joel 3:17-19
Ang Biblia, 2001
17 “At inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Diyos,
na naninirahan sa Zion, na aking banal na bundok.
Kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem,
at hindi na ito daraanan ng mga dayuhan.
18 “At sa araw na iyon,
ang mga bundok ay tutuluan ng matamis na alak,
at ang mga burol ay dadaluyan ng gatas,
at ang lahat ng batis ng Juda ay dadaluyan ng tubig;
at isang bukal ay lalabas mula sa bahay ng Panginoon,
at didiligin ang libis ng Shittim.
19 “Ang Ehipto ay masisira,
at ang Edom ay magiging ilang na sira,
dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda,
sapagkat sila'y nagpadanak ng dugong walang sala sa kanilang lupain.
Joel 3:17-19
Ang Biblia (1978)
17 (A)Sa gayo'y inyong malalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios, na tumatahan sa Sion, na aking banal na (B)bundok: kung magkagayo'y magiging banal ang Jerusalem, at hindi na daraan pa sa kaniya ang mga (C)taga ibang lupa.
18 At mangyayari sa araw na yaon, na ang mga bundok ay (D)tutuluan ng matamis na alak, at ang mga burol ay aagusan ng gatas, at ang lahat na batis ng Juda ay aagusan ng mga tubig; at isang bukal ay (E)babalong sa bahay ng Panginoon, at didiligin ang libis ng (F)Sittim.
19 Ang Egipto ay masisira, at ang (G)Edom ay magiging ilang na sira, dahil sa karahasang ginawa sa mga anak ni Juda, sapagka't sila'y nagbubo ng walang salang dugo sa kanilang lupain.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
