Job 8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Makatarungan ang Diyos
8 Ito naman ang sagot ni Bildad na Suhita:
2 “Hanggang kailan ka magsasalita ng ganyan,
mga salitang parang hangin at walang kabuluhan?
3 Hindi pinipilipit ng Diyos ang katarungan;
hindi binabaluktot ng Makapangyarihan ang katuwiran.
4 Maaaring nagkasala sa Diyos ang iyong mga anak,
kaya't ibinigay niya sa kanila ang parusang nararapat.
5 Ngunit kung ikaw ay lalapit at makiusap sa Diyos na Makapangyarihan,
6 kung ikaw ay talagang tapat, at malinis ang kalooban,
tutulungan ka ng Diyos;
gagantimpalaan at ibabalik niya ang iyong sambahayan.
7 Maliit na bagay ang mga nawala mong kayamanan,
kung ihahambing ang sa iyo'y kanyang ibibigay.
8 “Alamin(A) mo ang mga nagdaang kasaysayan,
itanong sa matatanda ang kaalamang natuklasan.
9 Buhay nati'y maikli lang, at kaalaman nati'y kulang;
parang anino lamang tayong dumaan sa ibabaw ng sanlibutan.
10 Pakaisipin mo ang kanilang mga aral,
ang kanilang sinasabi ay iyong pakinggan.
11 “Ang halaman sa tubigan ay di mabubuhay,
kundi sa matubig at malamig na lugar lamang.
12 Ito'y unang nalalanta kapag ito ay natuyuan,
kahit bagong tubo pa lang at di pa napuputulan.
13 Ganyan ang katulad ng mga taong walang Diyos,
pag-asa ay mawawala kapag ang Diyos ay nilimot.
14 Ang mga bagay na pinagkakatiwalaan nila'y kasingrupok lamang ng sapot ng gagamba.
15 Kapag ito'y sinandalan, agad itong nalalagot,
kapag ito'y hinawakan, tiyak itong masisira.
16 “Ang masasamang tao'y parang damong nagsusulputan,
tulad ng masamang damong kumakalat sa halamanan.
17 Bumabalot sa mga bato ang kanilang mga ugat,
at sa bawat bato sila'y humahawak.
18 Ngunit kapag sila'y nabunot sa kinatatamnan,
wala nang nakakaalala sa dati nilang kalagayan.
19 Ganyan ang kasiyahan ng masasamang tao,
may iba namang lilitaw at kukuha ng kanilang puwesto.
20 “Hindi pababayaan ng Diyos ang mabuting tao,
ngunit sa masama'y hindi siya sasaklolo.
21 Patatawanin ka niya at pasisigawin sa tuwa,
22 ngunit ang mga kaaway mo'y kanyang ipapahiya,
at ang tahanan ng masasama ay ganap na mawawala.”
Job 8
Ang Biblia, 2001
Ang Unang Pagsasalita ni Bildad
8 Pagkatapos ay sumagot si Bildad na Suhita, at sinabi,
2 “Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito,
at ang mga salita ng iyong bibig na gaya ng malakas na hangin?
3 Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
O nililiko ba ng Makapangyarihan sa lahat ang matuwid?
4 Kung ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kanya,
sa kapangyarihan ng kanilang pagsalangsang ay kanyang ibinigay sila.
5 Kung hahanapin mo ang Diyos,
at dadaing ka sa Makapangyarihan sa lahat;
6 kung ikaw ay dalisay at matuwid;
tiyak na gigising siya dahil sa iyo,
at ibabalik ka sa iyong matuwid na tirahan.
7 At bagaman maliit ang iyong pasimula,
ang iyong huling wakas ay magiging napakadakila.
8 “Sapagkat magsiyasat ka sa mga nagdaang panahon, hinihiling ko sa iyo,
at isaalang-alang mo ang natuklasan ng mga ninuno;
9 sapagkat tayo'y sa kahapon lamang, at walang nalalaman,
sapagkat ang ating mga araw sa lupa ay isang anino.
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasabihin sa iyo,
at bibigkas ng mga salita mula sa kanilang pang-unawa?
11 “Lalago ba ang yantok kung walang latian?
Tutubo ba ang tambo kung walang tubig?
12 Habang namumukadkad pa at hindi pa pinuputol,
una silang nalalanta kaysa alinmang halaman.
13 Gayon ang mga landas ng lahat ng lumilimot sa Diyos;
ang pag-asa ng masamang tao ay maglalaho.
14 Ang kanyang pagtitiwala ay masisira,
at sapot ng gagamba ang kanyang tiwala.
15 Siya'y sasandal sa kanyang bahay, ngunit ito'y hindi tatayo;
siya'y hahawak dito, ngunit hindi ito magtatagal.
16 Siya'y nananariwa sa harap ng araw,
at ang kanyang mga suwi ay sumisibol sa kanyang halamanan.
17 Ang kanyang mga ugat ay kumapit sa palibot ng bunton,
kanyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18 Kung siya'y nawasak sa kanyang kinalalagyan,
kung magkagayo'y ikakaila siya nito, na sinasabi: ‘Hindi kita kailanman nakita.’
19 Tingnan mo, ito ang kagalakan ng landas niya;
at mula sa lupa ay sisibol ang iba.
20 “Tingnan mo, hindi itatakuwil ng Diyos ang taong walang kapintasan,
ni aalalayan man ang kamay ng mga gumagawa ng kasamaan.
21 Kanya namang pupunuin ng pagtawa ang iyong bibig,
at ang iyong mga labi ng pagsigaw.
22 Silang napopoot sa iyo ay mabibihisan ng kahihiyan,
at ang tolda ng masama ay mapaparam.”
Job 8
New International Version
Bildad
8 Then Bildad the Shuhite(A) replied:
2 “How long will you say such things?(B)
Your words are a blustering wind.(C)
3 Does God pervert justice?(D)
Does the Almighty pervert what is right?(E)
4 When your children sinned against him,
he gave them over to the penalty of their sin.(F)
5 But if you will seek God earnestly
and plead(G) with the Almighty,(H)
6 if you are pure and upright,
even now he will rouse himself on your behalf(I)
and restore you to your prosperous state.(J)
7 Your beginnings will seem humble,
so prosperous(K) will your future be.(L)
8 “Ask the former generation(M)
and find out what their ancestors learned,
9 for we were born only yesterday and know nothing,(N)
and our days on earth are but a shadow.(O)
10 Will they not instruct(P) you and tell you?
Will they not bring forth words from their understanding?(Q)
11 Can papyrus grow tall where there is no marsh?(R)
Can reeds(S) thrive without water?
12 While still growing and uncut,
they wither more quickly than grass.(T)
13 Such is the destiny(U) of all who forget God;(V)
so perishes the hope of the godless.(W)
14 What they trust in is fragile[a];
what they rely on is a spider’s web.(X)
15 They lean on the web,(Y) but it gives way;
they cling to it, but it does not hold.(Z)
16 They are like a well-watered plant in the sunshine,
spreading its shoots(AA) over the garden;(AB)
17 it entwines its roots around a pile of rocks
and looks for a place among the stones.
18 But when it is torn from its spot,
that place disowns(AC) it and says, ‘I never saw you.’(AD)
19 Surely its life withers(AE) away,
and[b] from the soil other plants grow.(AF)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.