Print Page Options
'Job 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?

Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:

Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.

Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi, kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi? At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.

Ang aking laman ay nabibihisan ng mga uod at ng libag na alabok; ang aking balat ay namamaga at putok putok.

Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa panghabi ng manghahabi, at nagugugol na walang pagasa.

Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.

Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan: ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.

Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.

10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay, ni malalaman pa man niya ang kaniyang dako.

11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig; ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa; ako'y dadaing sa kahirapan ng aking kaluluwa.

12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat, na pinababantayan mo ako sa isang bantay?

13 Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan, papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;

14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip, at pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:

15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis, at ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.

16 Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man: bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay walang kabuluhan.

17 Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,

18 At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?

19 Hanggang kailan di mo ako iiwan, ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?

20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao? Bakit mo nga inilalagay akong pinakatanda sa iyo. Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?

21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan? Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok; at ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.

“Ang buhay ng tao dito sa mundo ay napakahirap. Itoʼy kasinghirap ng araw-araw na pagtatrabaho ng isang manggagawa, o gaya ng isang aliping nagnanais na sumapit na ang hapon upang siyaʼy makapagpahinga, o tulad ng isang manggagawang naghihintay ng kanyang sweldo. Ganyan din ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang aking paghihirap na walang kabuluhan. Kahit gabiʼy naghihirap ako, at habang nakahiga ako, iniisip ko kung kailan darating ang umaga. Napakabagal ng takbo ng oras. Hindi ako mapalagay hanggang magbukang-liwayway. Ang katawan koʼy puno ng uod at langib. Nagnanana at pumuputok ang mga pigsa kong namamaga.”

Nanalangin si Job sa Dios

“Lumilipas po ang aking mga araw na walang pag-asa. Mabilis itong lumilipas, higit pa sa bilis ng isang habian[a] ng manghahabi.[b] O Dios, alalahanin nʼyo po na ang buhay koʼy parang isang hinga lamang, at hindi na po ako makadama ng anumang ligaya. Nakikita nʼyo po ako ngayon pero sa huli ay hindi na. Hahanapin nʼyo ako ngunit hindi nʼyo ako matatagpuan. Kung papaanong ang mga ulap ay nawawala at hindi na nakikita, ganoon din ang mga namamatay, hindi na sila nakakabalik pa. 10 Hindi na siya makakauwi sa kanyang bahay, at makakalimutan na siya ng mga nakakakilala sa kanya.

11 “Kaya po hindi ako maaaring manahimik; naninikip na po ang aking dibdib at kailangan ko na pong sabihin ang aking sama ng loob. 12 O Dios, bakit nʼyo po ako binabantayan? Isa ba akong dambuhalang halimaw sa dagat na dapat bantayan? 13 Kung gusto ko pong mahiga para makapagpahinga sa tinitiis kong hirap, 14 tinatakot nʼyo naman po ako sa pamamagitan ng mga panaginip at pangitain. 15 Kaya mas mabuti pang sakalin na lang ako at mamatay kaysa mabuhay sa katawang ito. 16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay. Ayoko nang mabuhay. Hayaan nʼyo na lang akong mamatay, dahil wala nang kabuluhan ang aking buhay.

17 “Ano po ba ang tao para pahalagahan at pagmalasakitan nʼyo ng ganito? 18 Sinisiyasat nʼyo siya tuwing umaga at sinusubukan sa bawat sandali. 19 Kung maaari, hayaan na lang muna nʼyo ako kahit sandali lang. 20 At kung nagkasala naman po ako, ano po ang kasalanang nagawa ko sa inyo, O Tagapagbantay ng tao? Bakit ako ang pinili nʼyong pahirapan? Naging pabigat po ba ako sa inyo? 21 Kung nagkasala po ako sa inyo, bakit hindi nʼyo na lang ako patawarin? Hindi na rin naman magtatagal at papanaw na ako, at kahit hanapin nʼyo ako, hindi nʼyo na ako makikita.”

Footnotes

  1. 7:6 habian: sa ingles, shuttle.
  2. 7:6 manghahabi: sa Ingles, weaver.

Nagreklamo si Job sa Diyos

“Wala bang mahirap na paglilingkod ang tao sa ibabaw ng lupa?
    At hindi ba ang kanyang mga araw ay gaya ng mga araw ng isang taong upahan?
Gaya ng alipin na naghahangad ng lilim,
    at gaya ng upahang manggagawa na sa kanyang sahod ay tumitingin,
gayon ako pinaglaanan ng mga buwan na walang kabuluhan,
    at itinakda sa akin ang mga gabi ng kalungkutan.
Kapag ako'y nahihiga, aking sinasabi, ‘Kailan ako babangon?’
    Ngunit mahaba ang gabi,
    at ako'y pabali-baligtad hanggang sa pagbubukang-liwayway.
Ang aking laman ay nadaramtan ng mga uod at ng libag;
    tumitigas ang aking balat, pagkatapos ay namumutok.
Ang aking mga araw ay matulin kaysa panghabi ng manghahabi,
    at nagwawakas na walang pag-asa.

“Alalahanin mo na ang aking buhay ay isang hininga;
    hindi na muling makakakita ng mabuti ang aking mata.
Ang mata niyang nakatingin sa akin ay hindi na ako muling makikita;
    habang ang iyong mga mata ay nakatuon sa akin, ako ay maglalaho.
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
    gayon hindi na aahon pa ang taong sa Sheol ay bumababa.
10 Hindi na siya babalik pa sa kanyang bahay,
    ni hindi na siya makikilala ng kanyang lugar.

11 “Kaya't hindi ko pipigilan ang aking bibig;
    ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking espiritu;
    ako'y dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y dagat, o dambuhala sa dagat,
    upang maglagay ka ng bantay sa akin?
13 Kapag sinasabi ko, ‘Aaliwin ako ng aking tulugan,
    pagagaanin ng aking higaan ang aking pagdaramdam.’
14 Kung magkagayo'y tinatakot mo ako ng mga panaginip,
    at sinisindak ako ng mga pangitain,
15 anupa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkabigti
    at ang kamatayan kaysa aking mga buto.
16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay; ayaw kong mabuhay magpakailanman.
    Hayaan mo akong mag-isa, sapagkat ang aking mga araw ay parang isang hininga.
17 Ano(A) ang tao, na itinuturing mong dakila,
    at iyong itinutuon ang iyong isip sa kanya,
18 at iyong dinadalaw siya tuwing umaga,
    at sinusubok siya sa tuwi-tuwina?
19 Gaano katagal mo akong hindi titingnan
    ni babayaan akong nag-iisa hanggang sa malunok ko ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, O ikaw na bantay sa mga tao?
    Bakit ginawa mo akong iyong tudlaan?
    Bakit ako'y naging iyong pasan?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang,
    at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagkat ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
ako'y hahanapin mo ngunit ako'y hindi matatagpuan.”

Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.

Wala bang (A)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (B)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
Gayon ako pinapagdaan ng mga (C)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
(D)Pag ako'y nahihiga, aking sinasabi,
Kailan ako babangon at nakadaan na ang gabi?
At ako'y puspos ng pagkabalisa hanggang sa pagbubukang liwayway ng araw.
Ang aking laman ay nabibihisan ng mga (E)uod at ng libag na alabok;
Ang aking balat ay namamaga at putok putok.
Ang aking mga kaarawan ay matulin kay sa (F)panghabi ng manghahabi,
At nagugugol na walang pagasa.
Oh (G)alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga:
Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.
Ang matang tumingin sa akin ay hindi na ako mamamasdan:
Ang iyong mga mata ay sasa akin, nguni't wala na ako.
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala,
Gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa.
10 Siya'y hindi na babalik pa sa kaniyang bahay,
Ni malalaman pa man niya ang (H)kaniyang dako.
11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (I)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (J)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;
14 Kung magkagayo'y pinupukaw mo ako ng mga panaginip,
At pinangingilabot mo ako sa mga pangitain:
15 Na anopa't pinipili ng aking kaluluwa ang pagkainis,
At ang kamatayan kay sa aking mga butong ito.
16 (K)Aking kinayayamutan ang aking buhay; di ko na ibig mabuhay magpakailan man:
(L)Bayaan akong magisa; sapagka't ang aking mga kaarawan ay (M)walang kabuluhan.
17 (N)Ano ang tao, na iyong palalakhin siya,
At iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,
18 At iyong dadalawin siya (O)tuwing umaga,
At susubukin siya sa tuwi-tuwina?
19 Hanggang kailan di mo ako iiwan,
Ni babayaan man hanggang sa aking lunukin ang aking laway?
20 Kung ako'y nagkasala, ano ang aking magagawa sa iyo, Oh ikaw na bantay sa mga tao?
Bakit mo nga (P)inilalagay akong pinakatanda sa iyo.
Na anopa't ako'y isang pasan sa aking sarili?
21 At bakit hindi mo ipinatatawad ang aking pagsalangsang, at inaalis ang aking kasamaan?
Sapagka't ngayo'y mahihiga ako sa alabok;
At (Q)ako'y hahanapin mong mainam, nguni't wala na ako.