Job 7:1-3
Ang Biblia (1978)
Si Job ay nakipagkatuwiranan sa Dios.
7 Wala bang (A)kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam (B)ang lilim,
At gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga (C)buwan na walang kabuluhan
At mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
Job 7:1-3
Ang Biblia, 2001
Nagreklamo si Job sa Diyos
7 “Wala bang mahirap na paglilingkod ang tao sa ibabaw ng lupa?
At hindi ba ang kanyang mga araw ay gaya ng mga araw ng isang taong upahan?
2 Gaya ng alipin na naghahangad ng lilim,
at gaya ng upahang manggagawa na sa kanyang sahod ay tumitingin,
3 gayon ako pinaglaanan ng mga buwan na walang kabuluhan,
at itinakda sa akin ang mga gabi ng kalungkutan.
Job 7:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
7 Wala bang kapanahunan ng kaguluhan ang tao sa ibabaw ng lupa? At hindi ba ang kaniyang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng nagpapaupa?
2 Na gaya ng alipin na ninanasang mainam ang lilim, at gaya ng nagpapaupa na tumitingin sa kaniyang mga kaupahan:
3 Gayon ako pinapagdaan ng mga buwan na walang kabuluhan at mga gabing nakaiinip ang itinakda sa akin.
Read full chapter
Job 7:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 “Ang buhay ng tao dito sa mundo ay napakahirap. Itoʼy kasinghirap ng araw-araw na pagtatrabaho ng isang manggagawa, 2 o gaya ng isang aliping nagnanais na sumapit na ang hapon upang siyaʼy makapagpahinga, o tulad ng isang manggagawang naghihintay ng kanyang sweldo. 3 Ganyan din ang kalagayan ko. Ilang buwan na ang aking paghihirap na walang kabuluhan. Kahit gabiʼy naghihirap ako,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®