Add parallel Print Page Options

Ang Unang Sagutan(A)

Sinabi ni Elifaz na Temaneo,

“Huwag mo sanang ikasamâ ng loob ang aking sasabihin,
    di ko na kayang manahimik, di na ako makapagpigil.
Marami na ring tao ang iyong naturuan,
    at mahihinang kamay ay iyong natulungan.
Salita mo'y nagpalakas sa nanlulupaypay,
    sa mahina't pagod pangaral mo'y umalalay.
Ngayong ikaw na ang dumaranas ng matinding kahirapan,
    nawawalan ka ng pag-asa at parang nais mong mabuwal?
Di ba't may takot ka sa Diyos at masunurin sa kanya?
    Kaya dapat magtiwala ka at magkaroon ng pag-asa.

“Isipin mong mabuti: mayroon bang walang sala na napahamak ang buhay,
    mayroon bang mabuting tao na dumanas ng kasawian?
Ang alam ko'y ang mga naghahasik ng kasamaan
    ay sila ring nag-aani ng kaguluhan.
Kaya naman ang Diyos sa tindi ng galit sa kanila, parang dinaanan ng bagyo sila'y pinupuksa niya.
10 Mga masasamang tao'y parang leong umuungal,
    ngunit pinatatahimik sila ng Diyos, ngipin nila'y tinatanggal.
11 Para silang leong walang mabiktima, namamatay sa gutom,
    at nagkakawatak-watak ang mga anak nila.

12 “Minsan, ako ay may narinig,
    salitang ibinulong sa aking pandinig.
13 Sa(B) lalim ng hatinggabi parang ako'y nanaginip kung kailan ang tao'y mahimbing na naiidlip.
14     Ako'y sinakmal ng matinding takot,
    ako'y kinilabutan at nangatog ang tuhod.
15 Malamig na hangin, dumampi sa mukha ko,
    sa takot ay nagtayuan ang aking balahibo.
16 May nakita akong doon ay nakatayo,
    ngunit di ko mapagwari ang kanyang anyo.
Maya-maya, narinig ko ang isang tinig:
17 ‘Maaari bang maging matuwid ang isang tao sa paningin ng Diyos?
    Sa harap ng Lumikha, mayroon bang malinis ang loob?
18 Mga lingkod niya sa langit di niya pinagkakatiwalaan,
    sa kanya mismong mga anghel may nakikita siyang kamalian.
19 Paano pa siya magtitiwala sa taong mula sa alabok?
    Tulad ng gamu-gamo, ito ay marupok.
20 Ang tao'y buháy ngayon, ngunit hindi tiyak kung mamaya;
    siya pala ay patay na, di pa alam nitong madla.
21 Ang lahat niyang taglay sa kanya'y mawawala,
    sa kanyang pagkamatay kulang pa rin sa unawa.’

以利法的责难

提幔人以利法回答说:
“若有人向你进言,
你会厌烦吗?
可是,谁能忍住不说呢?
你曾教导许多人,
使无力的手强壮。
你的话使人免于跌倒,
你使颤抖的膝硬朗。
但现在苦难一来,
你便灰心丧胆;
灾祸来临,
你便惊慌失措。
你敬畏上帝还没有信心吗?
你行为纯全还没有盼望吗?
你想一想,
哪有无辜的人灭亡?
哪有正直的人遭殃?
据我所见,
播恶收恶,
种祸得祸。
他们被上帝的气息所毁,
被上帝的怒气所灭。
10 狮子咆哮,猛狮吼叫,
壮狮的牙齿被敲掉。
11 雄狮因无食而死,
母狮的幼崽离散。

12 “有信息暗暗地传给我,
一声低语传入我耳中。
13 夜间人们沉睡的时候,
在搅扰思绪的异象中,
14 恐惧袭来,
令我战栗不已,
全身发抖。
15 有灵从我脸上拂过,
使我毛骨悚然。
16 那灵停住,
我无法辨认其模样。
眼前出现一个形状,
寂静中听见有声音说,
17 ‘在上帝面前,世人岂算得上公义?
在创造主面前,凡人岂算得上纯洁?
18 连上帝的仆人都无法令祂信任,
连祂的天使都被祂找出过错,
19 更何况源自尘土、
住在土造的躯壳里、
脆弱如蛾的世人呢?
20 早晚之间,他们便被毁灭,
永远消逝,无人察觉。
21 他们帐篷的绳索被拔起,
他们毫无智慧地死去。’

Ang Unang Pagsasalita ni Elifaz: Pinatunayan Niya ang Katarungan ng Diyos

Pagkatapos ay sumagot si Elifaz na Temanita, na sinasabi,

“Kung may isang mangahas magsalita sa iyo, magdaramdam ka ba?
    Ngunit sinong makakapigil ng pagsasalita?
Tingnan mo, marami kang tinuruan,
    at pinalakas mo ang mahihinang kamay.
Ang mga salita mo ay umalalay sa mga natitisod,
    at pinalakas mo ang mahihinang tuhod.
Subalit ngayo'y inabutan ka nito, at ikaw ay naiinip;
    ito'y nakarating sa iyo, at ikaw ay balisa.
Hindi ba ang iyong takot sa Diyos ay ang iyong tiwala,
    at ang katapatan ng iyong mga lakad ang iyong pag-asa?

“Isipin mo ngayon, sino ba ang walang sala na napahamak?
    O saan ang mga matuwid ay winasak?
Ayon sa aking nakita, ang mga nag-aararo ng kasamaan
    at naghahasik ng kaguluhan ay gayundin ang inaani.
Sa hininga ng Diyos sila'y namamatay,
    at sa bugso ng kanyang galit sila'y natutupok.
10 Ang ungal ng leon, at ang tinig ng mabangis na leon,
    at ang mga ngipin ng mga batang leon ay nababali.
11 Ang malakas na leon ay namamatay dahil walang nasisila,
    at ang mga anak ng inahing leon ay nagkalat.

Ang Kawalang Kabuluhan ng Tao sa Harapan ng Diyos

12 “Ngayo'y may salitang dinala sa akin nang lihim,
    at tinanggap ng aking tainga ang bulong niyon.
13 Sa(A) gitna ng mga pag-iisip mula sa mga panggabing pangitain,
    kapag ang mahimbing na tulog sa mga tao ay dumarating;
14 ang takot ay dumating sa akin, at ang pangingilabot,
    na nagpanginig sa lahat ng aking mga buto.
15 At dumaan ang isang espiritu sa harap ng aking mukha;
    ang balahibo ng aking balat ay nagtindigan.
16 Tumayo iyon,
    ngunit hindi ko mawari ang anyo niyon.
Isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata;
    nagkaroon ng katahimikan, at ako'y nakarinig ng isang tinig:
17 ‘Maaari bang maging matuwid ang taong may kamatayan sa harapan ng Diyos?
    Maaari bang maging malinis ang tao sa harapan ng kanyang Lumikha?
18 Maging sa kanyang mga lingkod ay hindi siya nagtitiwala,
    at ang kanyang mga anghel ay pinaparatangan niya ng kamalian;
19 gaano pa kaya silang tumatahan sa mga bahay na putik,
    na ang pundasyon ay nasa alabok,
    na napipisang gaya ng gamu-gamo.
20 Sa pagitan ng umaga at gabi, sila ay nawawasak;
    sila'y namamatay magpakailanman na walang pumapansin.
21 Kung nalalagot ang tali ng kanilang tolda sa loob nila,
    hindi ba sila'y namamatay na walang karunungan?’

'Job 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.