Font Size
Job 4:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Job 4:13-15
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
13 sa pamamagitan ng panaginip. Gabi iyon habang ang mga taoʼy mahimbing na natutulog. 14 Natakot ako at nanginig ang buo kong katawan. 15 May espiritu na dumaan sa aking harap[a] at tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako.
Read full chapterFootnotes
- 4:15 May espiritu na dumaan sa aking harap: o, Umihip ang hangin sa mukha ko.
Job 4:13-15
Ang Biblia, 2001
Job 4:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Sa(A) gitna ng mga pag-iisip mula sa mga panggabing pangitain,
kapag ang mahimbing na tulog sa mga tao ay dumarating;
14 ang takot ay dumating sa akin, at ang pangingilabot,
na nagpanginig sa lahat ng aking mga buto.
15 At dumaan ang isang espiritu sa harap ng aking mukha;
ang balahibo ng aking balat ay nagtindigan.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
