Job 29
Magandang Balita Biblia
Sinariwa ni Job ang Maliligaya Niyang Araw
29 Muling nagsalita si Job,
2 “Kung maibabalik ko lang ang mga unang araw
noong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay;
3 Nang ang liwanag niya sa akin ay gumagabay,
sa paglakad ko sa dilim, siya ang aking tanglaw.
4 Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay,
kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay.
5 Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin,
at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling.
6 Masagana ang gatas mula sa aking kawan,
olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan.
7 Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan,
at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan,
8 kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan,
mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang.
9-10 Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan,
at mga maharlika'y tatahimik na lamang.
11 “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig,
sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.
12 Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan,
dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.
13 Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian,
natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan.
14 At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin.
15 Para sa mga bulag, ako'y nagsilbing mata;
at sa mga pilay, ako ang kanilang paa.
16 Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap,
kahit di ko kilala ay aking nililingap.
17 Ang lakas ng masasama, aking sinisira
ang kanilang mga bihag, sinikap kong mapalaya.
18 “Umaasa ako noong hahaba ang aking buhay,
at sa aking tahanan payapang mamamatay.
19 Tulad ko noo'y punongkahoy na sa tubig ay sagana,
at ang mga sanga, sa hamog laging basa.
20 Pinupuri ako ng halos lahat,
at di nauubos ang aking lakas.
21 Sa mga payo ko sila'y nananabik,
sa sinasabi ko sila'y nakikinig.
22 Ang sinabi ko'y di na dapat ulitin,
pagkat sa isip agad itong naitatanim.
23 Sa mga sasabihin ko'y lagi silang naghihintay,
salita ko'y parang ulan sa panahon ng tag-araw.
24 At ang aking mga ngiti sa kanila'y pampalakas-loob,
sa saya ng aking mukha silang lahat ay nalulugod.
25 Para akong hari na sa hukbo'y nag-uutos,
at nagbibigay ng aliw kapag sila'y nalulungkot.
Job 29
Ang Biblia (1978)
Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.
29 At (A)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,
2 Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una,
Gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
3 (B)Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo
At sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
4 Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan,
Noong (C)ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
5 Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa,
At ang (D)aking mga anak ay nangasa palibot ko;
6 Noong ang aking mga hakbang ay (E)naliligo sa gatas,
At (F)ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
7 Noong ako'y lumalabas sa (G)pintuang-bayan hanggang sa bayan,
Noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
8 Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli,
At ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
9 Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap,
(H)At inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik,
At ang (I)kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako;
At pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12 Sapagka't aking (J)iniligtas ang dukha na dumadaing,
Ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14 (K)Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako:
Ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15 Ako'y naging (L)mga mata sa bulag,
At naging mga paa ako sa pilay.
16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan;
At ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17 At aking (M)binali ang mga pangil ng liko,
At inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, Mamamatay ako (N)sa aking pugad,
At aking pararamihin ang aking mga kaarawan na (O)gaya ng buhangin:
19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig,
At ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking (P)sanga:
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At (Q)ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay,
At nagsisitahimik sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli;
At ang aking pananalita ay (R)tumutulo sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
At kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa (S)huling ulan.
24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala:
At ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno,
At tumatahang gaya ng hari sa hukbo,
Gaya ng nangaaliw sa nananangis.
Job 29
New International Version
Job’s Final Defense
29 Job continued his discourse:(A)
2 “How I long for the months gone by,(B)
for the days when God watched over me,(C)
3 when his lamp shone on my head
and by his light I walked through darkness!(D)
4 Oh, for the days when I was in my prime,
when God’s intimate friendship(E) blessed my house,(F)
5 when the Almighty was still with me
and my children(G) were around me,(H)
6 when my path was drenched with cream(I)
and the rock(J) poured out for me streams of olive oil.(K)
7 “When I went to the gate(L) of the city
and took my seat in the public square,
8 the young men saw me and stepped aside(M)
and the old men rose to their feet;(N)
9 the chief men refrained from speaking(O)
and covered their mouths with their hands;(P)
10 the voices of the nobles were hushed,(Q)
and their tongues stuck to the roof of their mouths.(R)
11 Whoever heard me spoke well of me,
and those who saw me commended me,(S)
12 because I rescued the poor(T) who cried for help,
and the fatherless(U) who had none to assist them.(V)
13 The one who was dying blessed me;(W)
I made the widow’s(X) heart sing.
14 I put on righteousness(Y) as my clothing;
justice was my robe and my turban.(Z)
15 I was eyes(AA) to the blind
and feet to the lame.(AB)
16 I was a father to the needy;(AC)
I took up the case(AD) of the stranger.(AE)
17 I broke the fangs of the wicked
and snatched the victims(AF) from their teeth.(AG)
18 “I thought, ‘I will die in my own house,
my days as numerous as the grains of sand.(AH)
19 My roots will reach to the water,(AI)
and the dew will lie all night on my branches.(AJ)
20 My glory will not fade;(AK)
the bow(AL) will be ever new in my hand.’(AM)
21 “People listened to me expectantly,
waiting in silence for my counsel.(AN)
22 After I had spoken, they spoke no more;(AO)
my words fell gently on their ears.(AP)
23 They waited for me as for showers
and drank in my words as the spring rain.(AQ)
24 When I smiled at them, they scarcely believed it;
the light of my face(AR) was precious to them.[a](AS)
25 I chose the way for them and sat as their chief;(AT)
I dwelt as a king(AU) among his troops;
I was like one who comforts mourners.(AV)
Footnotes
- Job 29:24 The meaning of the Hebrew for this clause is uncertain.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
