Print Page Options
'Job 29 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Naaalaala ni Job ang kaniyang nakaraang kasayahan at kapangyarihan.

29 At (A)muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,

Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una,
Gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;
(B)Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo
At sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;
Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan,
Noong (C)ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;
Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa,
At ang (D)aking mga anak ay nangasa palibot ko;
Noong ang aking mga hakbang ay (E)naliligo sa gatas,
At (F)ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!
Noong ako'y lumalabas sa (G)pintuang-bayan hanggang sa bayan,
Noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,
Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli,
At ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:
Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap,
(H)At inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;
10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik,
At ang (I)kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.
11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako;
At pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:
12 Sapagka't aking (J)iniligtas ang dukha na dumadaing,
Ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin:
At aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.
14 (K)Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako:
Ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.
15 Ako'y naging (L)mga mata sa bulag,
At naging mga paa ako sa pilay.
16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan;
At ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.
17 At aking (M)binali ang mga pangil ng liko,
At inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, Mamamatay ako (N)sa aking pugad,
At aking pararamihin ang aking mga kaarawan na (O)gaya ng buhangin:
19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig,
At ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking (P)sanga:
20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin,
At (Q)ang aking busog ay nababago sa aking kamay.
21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay,
At nagsisitahimik sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli;
At ang aking pananalita ay (R)tumutulo sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
At kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa (S)huling ulan.
24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala:
At ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.
25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno,
At tumatahang gaya ng hari sa hukbo,
Gaya ng nangaaliw sa nananangis.

Sinariwa ni Job ang Maliligaya Niyang Araw

29 At muling ipinagpatuloy ni Job ang kanyang pagsasalita, at nagsabi:

“O, ako sana'y tulad nang nakaraang mga buwan,
    gaya noong mga araw na ang Diyos ang sa akin ay nagbabantay,
nang sa ibabaw ng aking ulo ay sumisikat ang kanyang ilawan,
    at sa pamamagitan ng kanyang ilaw ay lumalakad ako sa kadiliman;
gaya noong ako'y namumukadkad pa,
    noong ang pakikipagkaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda;
nang kasama ko pa ang Makapangyarihan sa lahat,
    nang nasa palibot ko ang aking mga anak;
noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas,
    at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng langis na tumatagas!
Noong ako'y lumabas sa pintuan ng bayan,
    noong ihanda ko ang aking upuan sa liwasan,
nakita ako ng mga kabataang lalaki, at sila'y umalis,
    at ang matatanda ay tumayo;
ang mga pinuno ay nagtimpi sa pagsasalita,
    at inilagay ang kanilang kamay sa bibig nila.
10 Ang tinig ng mga maharlika ay pinatahimik,
    nang sa ngalangala ng kanilang bibig, ang dila nila ay dumikit.
11 Nang marinig ng tainga, tinawag nito akong mapalad,
    at nang makita ito ng mata, iyon ay pumayag.
12 Sapagkat aking iniligtas ang dumaraing na dukha,
    maging sa mga ulila na walang tumutulong.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay sa akin ay dumating,
    at ang puso ng babaing balo ay pinaawit ko sa kagalakan.
14 Ako'y nagbihis ng katuwiran, at ako'y dinamitan;
    parang isang balabal at isang turbante ang aking katarungan.
15 Sa bulag ako'y naging mga mata,
    at sa pilay ako'y naging mga paa.
16 Sa dukha ako'y naging isang ama,
    at siniyasat ko ang usapin niyaong hindi ko nakikilala.
17 Aking binali ang mga pangil ng masama,
    at ipinalaglag ko ang kanyang biktima sa mga ngipin niya.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, ‘Sa aking pugad ako mamamatay,
    at gaya ng buhangin aking pararamihin ang aking mga araw.
19 Kumalat hanggang sa tubig ang aking mga ugat,
    at may hamog sa aking sanga sa buong magdamag,
20 sariwa sa akin ang aking kaluwalhatian,
    at ang aking busog ay laging bago sa aking kamay!’

21 “Sa akin ay nakikinig at naghihintay ang mga tao,
    at tumatahimik para sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking pagsasalita, ay hindi na sila muling nagsalita,
    at ang aking salita ay bumagsak sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
    at kanilang ibinuka ang kanilang bibig na gaya sa huling ulan.
24 Kapag sila'y hindi nagtitiwala, ako sa kanila'y ngumingiti,
    at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila pinababa.
25 Pinili ko ang kanilang daan, at umupo bilang puno,
    at namuhay gaya ng hari sa gitna ng kanyang hukbo,
    gaya ng isang umaaliw sa mga nagdadalamhati.

29 At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,

Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;

Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;

Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;

Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko;

Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!

Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,

Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:

Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;

10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.

11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:

12 Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.

13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.

14 Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.

15 Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay.

16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.

17 At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.

18 Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:

19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga:

20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.

21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo.

22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila.

23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan.

24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.

25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.

Ang mga Pagpapalang Tinanggap Noon ni Job

29 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, “Kung maibabalik ko lang sana ang mga nagdaang araw noong kinakalinga pa ako ng Dios, noong tinatanglawan pa niya ang aking daan habang lumalakad ako sa dilim. Noong akoʼy nasa mabuti pang kalagayan, ang Dios ay matalik kong kaibigan, at pinagpapala niya ang sambahayan ko. Pinapatnubayan pa ako noon ng Dios na Makapangyarihan, at magkakasama pa kami ng mga anak ko. Ang mga baka ko nooʼy nagbibigay sa akin ng maraming gatas at mula sa mga tanim kong olibo ay umaani ako ng napakaraming langis. Kapag pumupunta ako sa pintuang bayan at sumasama sa mga pinuno ng lungsod sa tuwing may pagpupulong sila, tumatabi ang mga kabataang lalaki kapag nakita nila ako, at ang matatandaʼy tumatayo para magbigay galang sa akin. Tumatahimik kahit ang mga pinuno 10 at ang mararangal na tao kapag nakikita nila ako. 11 Pinupuri ako ng mga taong nanonood o nakikinig sa aking pagsasalita. 12 Sapagkat tinutulungan ko ang mga dukhang humihingi ng tulong at mga ulilang walang malapitan. 13 Binabasbasan ako ng mga taong nag-aagaw buhay na aking tinulungan, at umaawit sa galak ang mga biyuda na aking natulungan din. 14 Palagi kong ginagawa ang tama at matuwid; para itong damit at turban na aking isinusuot. 15 Naging parang mata ako sa taong bulag at paa sa pilay. 16 Naging parang ama ako sa mga dukha, at kahit ang mga dayuhan ay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin. 17 Winasak ko ang kapangyarihan ng masasamang tao at iniligtas ko ang mga biktima nila.

18 “Ang akala koʼy hahaba pa ang buhay ko, at mamamatay na kasama ang aking sambahayan. 19 Sapagkat ang katulad ko nooʼy matibay na punongkahoy na umaabot ang mga ugat sa tubig at laging nahahamugan ang mga sanga. 20 Palagi akong malakas at pinupuri ng mga tao. 21 Kapag nagpapayo ako, tumatahimik ang mga tao at nakikinig nang mabuti. 22 Pagkatapos kong magsalita, hindi na sila nagsasalita dahil nasisiyahan na sila sa mga sinabi ko. 23 Pinanabikan nila ang mga sasabihin ko tulad ng pagkasabik nila sa pagdating ng ulan. Gusto talaga nila akong mapakinggan. 24 Halos hindi sila makapaniwala kapag ngumiti ako, dahil ang masayang mukha koʼy nagpapalakas sa kanila. 25 Tulad ng isang pinuno, tinuturuan ko sila kung ano ang dapat gawin. Pinamumunuan ko sila tulad ng haring namumuno sa kanyang mga kawal. At inaaliw ko sila kapag silaʼy nalulungkot.