Add parallel Print Page Options
'Job 27 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang pagasa ng makasalanan ay walang kabuluhan.

27 At muling sinambit ni Job ang kaniyang talinhaga, at nagsabi,

Buhay ang Dios, (A)na siyang nagalis ng aking katuwiran,
At ang Makapangyarihan sa lahat na siyang nagpapanglaw ng aking kaluluwa;
(Sapagka't ang aking buhay ay buo pa sa akin,
At ang espiritu (B)ng Dios ay nasa mga butas ng aking ilong);
Tunay na ang aking mga labi ay hindi magsasalita ng kalikuan,
Ni ang aking dila man ay magsasaysay ng karayaan.
Malayo nawa sa aking kayo'y ariin kong ganap:
(C)Hanggang sa ako'y mamatay ay hindi ko aalisin sa akin ang aking pagtatapat.
Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitiwan:
(D)Hindi ako aalipustain ng aking puso habang ako'y buhay.
Ang aking kaaway ay maging gaya nawa ng masama,
At ang bumangon laban sa akin ay maging gaya nawa ng liko.
(E)Sapagka't ano ang pagasa ng di banal, bagaman siya'y makikinabang sa kaniya,
Pagka kinuha ng Dios ang kaniyang kaluluwa?
(F)Didinggin ba ng Dios ang kaniyang iyak.
Pagka ang kabagabagan ay dumating sa kaniya?
10 Makapagsasaya ba siya sa Makapangyarihan sa lahat,
At tatawag sa Dios sa lahat ng mga panahon?
11 Aking tuturuan kayo ng tungkol sa kamay ng Dios;
Ang nasa Makapangyarihan sa lahat ay hindi ko ililihim.
12 Narito, kayong lahat ay nangakakita;
Bakit nga kayo ay lubos na nawalan ng kabuluhan?
13 (G)Ito ang bahagi ng masamang tao sa Dios,
At ang mana ng mga mamimighati, na kanilang tinatanggap sa Makapangyarihan sa lahat.
14 (H)Kung ang kaniyang mga anak ay dumami, ay para sa (I)tabak,
At ang kaniyang lahi ay hindi mabubusog ng tinapay.
15 Yaong nangaiwan sa kaniya ay mangalilibing sa kamatayan,
(J)At ang kaniyang mga bao ay hindi magsisipanaghoy.
16 Bagaman siya'y (K)magbunton ng pilak na parang alabok,
At maghahanda ng bihisan na parang putik;
17 Maihahanda niya, (L)nguni't ang ganap ang magsusuot niyaon.
At babahagihin ng walang sala ang pilak.
18 Siya'y nagtatayo ng kaniyang bahay na gaya ng tanga,
At (M)gaya ng isang bantayan na ginagawa ng bantay.
19 Siya'y nahihigang mayaman, nguni't hindi siya (N)pupulutin;
Kaniyang ididilat ang kaniyang mga mata, nguni't wala na siya.
20 (O)Mga kakilabutan ang tumatabon sa kaniya na (P)gaya ng tubig;
Bagyo ang umaagaw sa kaniya sa kinagabihan,
21 Tinangay siya ng hanging silanganan, at siya'y nananaw;
At pinapalis siya sa kaniyang kinaroroonang dako.
22 Sapagka't (Q)hahalibasin siya ng Dios, at hindi magpapatawad;
Siya'y magpupumilit na tumakas sa kaniyang kamay.
23 (R)Ipapakpak ng mga tao ang kanilang mga kamay sa kaniya.
At (S)hihiyawan siya mula sa kaniyang kinaroroonang dako.

27 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, “Sumusumpa ako sa Makapangyarihan at buhay na Dios na nagkait ng katarungan at nagdulot sa akin ng sama ng loob. Habang akoʼy may hininga at pinapahintulutan niyang mabuhay, hindi ako magsasalita ng masama at kasinungalingan. Hinding-hindi ko matatanggap na tama kayo. Ipipilit ko pa rin na wala akong kasalanan hanggang sa mamatay ako. Ipaglalaban kong tama ako, at hindi ako titigil. Malinis ang aking konsensya habang akoʼy nabubuhay.

“Parusahan nawa ng Dios ang mga kumakalaban sa akin ng parusang nararapat sa masasamang tao! Sapagkat ano ang pag-asa ng taong walang takot sa Dios kung bawiin na ng Dios ang kanyang buhay? Didinggin kaya ng Dios ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan? 10 Matutuwa kaya siya sa Makapangyarihang Dios? Tatawag kaya siya sa kanya sa lahat ng oras?

11 “Tuturuan ko sana kayo ng tungkol sa kapangyarihan ng Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga pamamaraan niya. 12 Pero alam na pala ninyo ang lahat ng ito. Kaya bakit pa kayo nagsasalita sa akin ng walang kabuluhan?

13 “Ito ang kapalaran na itinakda ng Makapangyarihang Dios sa taong masama at malupit. 14 Kahit gaano kadami ang anak niya, mamamatay ang iba sa kanila sa digmaan at ang iba naman ay sa gutom. 15 Ang matitira sa kanila ay mamamatay sa sakit, at walang magluluksa sa pagkamatay nila, kahit ang kanilang mga asawa.

16 “Kahit mag-ipon ng maraming pilak at damit ang masamang tao, 17 hindi rin siya ang makikinabang nito. Ang matutuwid at walang kasalanan ang magsusuot ng kanyang mga damit at ang maghahati-hati sa kanyang mga pilak. 18 Ang itinatayo niyang bahay ay magiging kasinrupok ng sapot ng gagamba o kayaʼy silungan ng tagapagbantay sa bukid. 19 Matutulog siyang mayaman pero paggising niyaʼy wala na ang kanyang kayamanan. 20 Darating sa kanya ang takot na parang rumaragasang baha at tatangayin siya ng ipu-ipo pagsapit ng gabi. 21 Tatangayin siya ng hangin na mula sa silangan at mawawala siya sa kanyang tirahan. 22 Walang awa siyang tatangayin nito habang pinipilit niyang makatakas. 23 May mga papalakpak at susutsot sa kanya para mangutya, dahil wala na siya sa kanyang tinitirhan.